Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 758 - Isang Linggong Palugit

Chapter 758 - Isang Linggong Palugit

Mayroong kakaibang karisma si Xinghe na magagawa niyang mapasang-ayon ang lahat sa kanyang panig kung nanaisin niya. Kung sa normal na sirkumstansya, hindi siguro mangangahas si Chui Qian na kunin ng malaking panganib ng walang nalalaman na kahit ano.

Sinunod agad ni Chui Qian ang kahilingan ni Xingeh at agad na tinawagan si He Lan Chang para sunduin si He Lan Qi. Ang biglaang pagkakasakit ni He Lan Qi ay nagpabigla kay He Lan Chang.

Noong una, inisip niya na pinainom ng kung anong droga si He Lan Qi habang nasa loob ito ng kulungan, pero walang nakitang nakakabahala sa sistema nito ang mga doktor. Sinabi ng mga ito na ayos ito, na mayroon lamang itong malubhang trangkaso, at hindi naman nanganganib ang buhay nito. Nakahinga ng maluwag si He Lan Chang sa nalaman.

Gayunpaman, wala itong nagawa para mawala ang galit niya kay Chui Qian. Habang sikretong pinupulong niya si Chui Qian, galit niya itong tinanong, "Pumapalya na ang trabaho mo, paanong bigo ka na makita ang isang maliit na pangkat ng mga tao nang nasa kontrol mo ang buong gobyerno? O baka naman nakipagsabwatan ka na sa aknila at iyon ang dahilan kung bakit wala kang maiulat?"

Agad na isinatinig ni Chui Qian ang kanyang katapatan. "Paano iyon magiging posible?! Wala naman akong makukuhang benepisyo kapag nagtrabaho ako para sa kanila, hindi ba't hinuhukay ko lang ang paglilibingan ko? Ginawa ko na ang lahat para mahanap sila, pero naitago nila ang kanilang mga sarili ng maigi. Walang bakas o clue na magtuturo sa kanila."

"Kahit na nasa iyong kontrol ang buong bansa, nagawa mong mabigo na makumpleto ang isang simpleng gagawin tulad nito; bakit pa ba kita hinahayaan dito? Chui Qian, ang pasensiya ko ay may limitasyon, at hindi ko papayagan ang sinuman na hamunin ako! Bibigyan kita ng isa pang linggo, at kapag wala ka pa ding naipakita, ay iaanunsiyo mo na ang pagbibitiw mo sa pagkapresidente. May listahan na ako ng mga taong nakapila para kuhanin ang posisyon mo. Huwag mong isipin na hamunin ang desisyon ko dahil hindi mo magagawang tanggapin ang mga konsikuwensiya!" Ibinalibag ni He Lan Chang ang pintuan at umalis matapos iwanan ang pagbabantang iyon.

Naikuyom ni Chui Qian ang kanyang mga kamao at pinigil ang galit niya. Marami na siyang ginawang bagay para kay He Lan Chang, pero alam niya, sa mga mata ni He Lan Chang, ay hindi siya hihigit pa sa isang aso. Ang totoo, naniniwala siya na ganoon din ang trato ni He Lan Chang kay He Bin.

Kaya naman, tila si He Bin ang isang ehemplo ng kanyang kinabukasan. Kahit na gaano pa siya kabuti, sa isang pagkakataon na mabigo niya si He Lan Chang, hindi ito magdadalawang-isip na sirain siya. Ang magtrabaho para kay He Lan Chang ay tila nakikipagkasundo sa isang demonyo, walang paraan na makakaligtas siya dito.

Kaya naman, tanging pagrerebelde laban dito ay saka siya magkakaroon ng pagkakataong mabuhay. Ito ang dahilan kung bakit niya pinili na makipagtulungan kay Xinghe. Ang banta ni He Lan Chang ang nagpaalala sa kanya na ito lamang ang tsansa niya na makalaya. Nagtraydor na siya kay He Lan Chang, kaya naman huli na para bumalik pa siya. Ang magagawa na lamang niya ay itangis ang kanyang mga ngipin at ipagpatuloy ang landas na pinili niya.

Salamat na lamang at nang malaman ni Xinghe ang tungkol sa banta ni He Lan Chang, inalo siya nito at sinabihang magiging ayos lang siya. Ito ang nagbigay ng kumpiyansa kay Chui Qian at ng kaunting pananabik.

Gayunpaman, habang lumalapit ang palugit, ang kaba ni Chui Qian ay unti-unti ding tumataas. Nagigipit siya sa araw-araw at sa isang kisapmata, ang isang linggong palugit ay tapos na.

Sa kanyang pagkabigla, ang paggaling ni He Lan Qi ay nataon din sa palugit. Iniutos ni He Lan Chang kay Chui Qian na itago ang katotohanan na nagkamalay na si He Lan Qi at papanatilihin sa bahay si He Lan Qi kaysa ibalik ito sa kulungan. Ang publiko ay naniniwala pa din na si He Lan Qi ay walang malay na nasa ospital.

Ginawa nga ito ni Chui Qian, pero hindi nangangahulugan na papatawarin ni He Lan Chang si Chui Qian. Ang isang linggong palugit ay tapos na, at hindi pa din nakikita ni Chui Qian ang partido ni Xinghe; nagdesisyon siya na nasagad na siya.

Tinawagan niya si Chui Qian at inutusan ito, "Ngayon, hahanap ka ng paraan para i-anunsiyo ang iyong pagbibitaw at ipapalit ko ang tauhan ko sa iyong posisyon ng pansamantala. Tandaan mo, huwag mong maiisipan na hamunin ako, kung hindi ay hindi maganda ang magiging katapusan mo! At gusto kong makita ang balita ng iyong pagbibitiw sa national television ng alas-dose ng hapon kung hindi ay mas marami pa ang mawawala sa kung anong mayroon ka ngayon… halimbawa ay, ang buhay mo. Naiintindihan mo ba?"

Related Books

Popular novel hashtag