Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 752 - Paghihiganti

Chapter 752 - Paghihiganti

Doon lamang napagtanto ni He Bin kung gaano kawalang-puso ni He Lan Chang. Hindi ito mag-aalinlangan na alisin ang kahit na anong nakaharang sa kanyang landas para lamang umangat. Ang kanyang ina at ngayon ay siya naman ay mga biktima din nito…

Dahil lamang sa pagdududa kung kaya't papatayin siya nito. Wala man lamang imbestigasyon, mas nanaisin pa niyang patayin ang inosente kaysa mag-iwan ng pagdududa. Ang kalupitan ni He Lan Chang ay umabot sa nakakahangang antas. Ang katapatan ni He Bin na para sa He Lan family ay tuluyan nang nawala dahil sa pagpapahirap sa kanya!

Ipinagpalit niya ang maraming taon ng pagsisilbi para sa ganoong katapusan. Ipinanglulumo niya ang kanyang katangahan sa pagtrato at pagrespeto kay He Lan Chang bilang kanyang ama sa mga panahong iyon!

Ang lalaking ito ay mas masahol pa kaysa sa hayop ay hindi kailanman magiging mabuti at sapat na maging kanyang ama. Sumumpa si He Bin na paghihigantihan ang mga ito, ang pagbayarin ang mga ito sa ginawa ng mga ito sa kanya at sa kanyang ina.

Ang paghihiganti sa mga mata ni He Bin ay lumalim. Bigla, nagtanong si Xinghe, "Gusto mo bang maghiganti?"

Nagitla si He Bin. Lumingon siya para tingnan ito at mariing nangako, "Oo, gusto ko! Handa kong gawin ang lahat para makapaghiganti. Nasa inyo na ang buo kong pakikipagtulungan!"

Tumango si Xinghe. "Perpekto, masaya ako na sa wakas ay nakita mo na ang katotohanan. Huwag kang mag-alala, ang paghihiganti ay mapapasaiyo kapag pinili mong magtrabaho para sa amin."

"Pero ano pa ang silbi ko sa inyo ngayong lumpo na ako…" sabi ni He Bin ng may galit. Ang mga binti niya ay binali ni He Lan Qi, hindi na nga niya magawa pang igalaw ang kahit isang muscle sa ibabang bahagi ng kanyang katawan, marahil ay gugugulin niya ang natitirang parte ng buhay niya sa kama.

"Huwag kang mag-alala, ipinapangako ko sa iyo na makakatayo ka din. Isa pa, hindi namin kailangan na may gawin kang anupamang pisikal, ang kailangan lamang namin ay sabihin mo sa amin ang lahat ng alam mo," sabi ni Mubai sa mababang tinig.

Nagulat muli si He Bin. Napabuntung-hininga siya. "Pero wala naman akong masyadong alam sa negosyo ng pamilya. Wala silang sinasabi sa akin na kahit na ano bago nila ako ipadala sa mga misyon… Siyempre, maaari ko silang ibunyag sa mga gawain nilang kriminal na ipinagawa nila sa akin."

"Hindi iyon ang gusto namin," mahinang sambit ni Xinghe.

Naguluhan si He Bin. "Kung iyon pala ang kaso, ano ang plano ninyo?"

Ang lahat ay ipinaliwanag sa kanya ni Xinghe dahil kakampi na nila ito ngayon, "Ang He Lan family ay isang pamilya na puno ng sikreto. Ang kailangan namin ngayon mula sa iyo ay ang tulungan kaming malaman ang mga sikretong iyon. Tanging sa pagkakaunawa ng mga sikretong ito ay saka lamang natin sila maibubunyag at wasakin sila ng sabay, kung hindi ay makakatakas pa sila sa ating mga kamay. Isa pa, sa tingin mo ay magagawa natin silang mapabagsak dahil lamang sa mga ipinagawa nila sa iyo?"

"..." Ito talaga ay imposible. Masyadong tuso si He Lan Chang; marahil ay may mga paraan pa ito para makaiwas sa sisi, kung anuman, sa akin niya ibabagsak ang mga iyon. Isa pa, ang presidente at ang Chui family ay mga tao nila, tutulungan nila ang mga itong pagtakpan ito… sandali lang, ang Chui family!

Sabik na nagsalita si He Bin, "Ang Chui family ay parte ng sistema, itinaas pa sila ni He Lan Chang mismo! Marami sa mga desisyon ni Chui Qian ay kailangang ikonsulta pa kay He Lan Chang, kung ang relasyong ito ay mabubunyag, siguradong masisira sila nito!"

"May ebidensiya ka ba ng kanilang sabwatan?" Tanong ni Xinghe.

Direktang sinabi ni He Bin. "Hindi ba ako ang pinakamagandang ebidensiya? Alam ko ang karamihan sa mga sikretong pulong nila at alam ko din ang mga deals na ginawa nilang dalawa. Ilagay ninyo ako bilang saksi at ibabagsak ko sila!"

"Mabuti, sabihin mo sa amin ang lahat ng alam mo ngayon, at ire-record namin ito," nagpasya na agad si Xinghe pero pagkatapos pakalmahin si He Bin. "Huwag kang mag-alala, hindi naman namin ito ibo-broadcast, hanggang hindi namin nasisigurado ang kaligtasan mo!"

Nabuyo si He Bin ng kanyang pagkamuhi kaya naibulalas niya ang mga salita niya kanina, pero ngayong kumalma na siya at napag-isipan ang mga ito, kapag iprinesenta niya ang sarili bilang saksi, masasali din siya sa kaguluhang ito.