Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 753 - Sa Mata ng Bagyo

Chapter 753 - Sa Mata ng Bagyo

Hindi na ibinoluntaryo pa ni Xinghe ang maliit na piraso ng impormasyong iyon, pero ipinangako pa nito ang kaligtasan niya. Natimo nito si He Bin…

Sa parehong oras na ito, tumindi pa ang tiwala niya dito, at naniniwala siya na isa itong babae na may isang salita. Kaya naman, wala nang itinago pang sikreto si He Bin at sinabi dito ang lahat ng alam niya…

Ang testimonya ni He Bin ay napakahalaga. Ang kanyang rebelasyon ay siguradong sapat na para mayanig ang posisyon ng Chui family at He Lan family. Hindi na kailangan pa ng matibay na ebidensiya para sa isang bagay na kasing seryoso ng pakikipagsabwatan. Hanggang may saksi, sapat na ito para kumilos ang buong bansa para magprotesta at umalma. Kahit na gaano pa makapangyarihan ang Chui family at He Lan family, hindi nila kakayaning kalabanin ang buong bansa.

Isa pa, mayroong mga democrat na naghihintay sa kanilang makagawa ng pagkakamali, para hilahin sila pababa. Kaya naman, napakahalaga ng testimonya ni He Bin. Ang totoo, ang pagiging saksi niya ay mahalaga din, kaya naman kailangang siguraduhin ng grupo ni Xinghe ang kanyang pisikal na kaligtasan mula ngayon.

Habang inire-record ni Xinghe ang testimonya ni He Bin, sa wakas ay nadiskubre ni He Lan Chang na nawawala si He Bin. May nagligtas dito!

Paanong may nakapuslit na makapasok sa He Lan Villa at iligtas si He Bin ng hindi naaalarma ang mga tao sa loob ng compound? Lubusang nagalit dahil dito si He Lan Chang!

Ang lohikal na maiisip ay ang partido na nagligtas kay He Bin ay nabibilang kay Xia Xinghe. Pero paano nila nagawang pasukin ang He Lan villa ng walang iniiwang bakas sa surveillance?

Hindi nagtagal ay naisip ni He Lan Chang ang sagot, maaaring pinakialaman nila ang surveillance!

Nagulat siya sa kakayahan ni Xinghe; hindi niya inisip na magagawa nitong i-hack ang pinakamahusay na security system sa buong bansa. Ngayong inisip niya ang tungkol dito, sigurado siya na pinapanood sila nito. Ang mga kaisipang ito ang nagpahilakbot kay He Lan Chang.

Agad niyang ipinag-utos na alisin ang lahat ng security camera sa He Lan villa at dagdagan ang bilang ng mga guwardiya. Pagkatapos, inutusan niya si Chui Qian na simulang imbestigahan si Xia Xinghe para malaman kung ang partido nga niya ang nagligtas kay He Bin.

Kung siya nga, nautusan si Chui Qian na patayin si He Bin pagkakita dito! Hindi na niya mapapayagan pang mabuhay ang natatagong banta na ito. Lalo pa siyang nakumbinsi ng katotohanang trinaydor siya ni He Bin. Ang hindi niya alam na ang dahilan ng pagtatraydor ay ang kanyang mga pagdududa.

Sa kabilang banda, may ilang duda na din si He Lan Chang kay Chui Qian, pero ang lohikal na banda naman ay nagsasabi sa kanya na ang lahat ng ito ay panlalansi ni He Bin. Napapaikot ng kanyang mga daliri si Chui Qian at pinagsasaluhan nila ang isang magkaugnay na relasyon, ang saktan ang isa ay nangangahulugang masasaktan din ang kasama. Kaya naman, mas nais paniwalaan ni He Lan Chang na si Chui Qian ay hindi nakikipag-ugnayan sa Shen family sa kanyang likuran.

Gayunpaman, hindi nangangahulugan nito na palalampasin na lamang ni He Lan Chang ang pagdududang ito. Ang huli niyang utos ay isa ding pagsubok. Kung nakita ni Chui Qian si He Bin at pinatay ito, maniniwala si He Lan Chang na hindi siya trinaydor nito, gayunpaman, kung hindi niya magagawa ang isang simpleng bagay na ito, ay nangangahulugang dapat ng isipin pa ni He Lan Chang kung tapat nga ito sa kanya.

Si Chui Qian, na nakatanggap ng utos, ay naiipit sa pagitan ng nag-uumpugang bato. Binigyan siya ni Xinghe ng isang mapayapang alok at nasa likuran niya ang suporta ng buong Hwa Xia; hindi talaga niya gustong mapalampas ang pagkakataong magkaroon ng malakas na kakampi. Gayunpaman, naiintindihan niya na kapag hindi niya sinunod ang utos ni He Lan Chang, hindi niya masisigurado na ang buhay niya ay mananatiling ligtas.

Naiipit sa dalawang ito, hindi talaga alam ni Chui Qian kung paano magpapasya. Wala siyang ideya kung patuloy niyang patatahimikin ang konsensiya at manatiling nagtatrabaho para kay He Lan Chang o piliing makipagtulungan kay XInghe at makuha ang kalayaan. Ang bawat pagpipilian ay may nakaakibat na malaking panganib. Isang maling hakbang at masisira siya ng tuluyan.

Kaya naman, nagdesisyon na si Chui Qian na simulan ang paghahanap habang nagdedesisyon kung ano ang susunod na gagawin. Gayunpaman, sa oras na iyon, isang video ang agad na lumitaw online!

Ang video ay muling ibinunyag ang He Lan family at ibinalik silang muli sa mala-bagyong opinyon ng publiko.