Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 751 - Iligtas ang Lalaki

Chapter 751 - Iligtas ang Lalaki

Isang espesyal na uri ng kawalang-puso ang saktan ang sarili mong kadugo't laman. Nakita na ni Xinghe ang ugaling ito kay He Lan Chang at nahulaan na niya ang masamang katapusan ni He Bin.

Sa kasamaang-palad, tumangging makinig si He Bin sa kanyang paalala. Gayunpaman, nagtaka din si Xinghe kung ano ang sinabi ni He Bin kay He Lan Chang kaya nagawa nitong agad na magduda dito. Ang lahat ay nangyari ng mabilisan kung kaya't nahihirapan si Xinghe na malaman kung buhay pa ito o hindi na.

Hindi magagawang pabayaan ni Xinghe na mamatay ito dahil maaaring mawala ang importanteng piyesa niya na mapabagsak ang He Lan family. Kaya naman, naglunsad ng mabilisang misyon ng pagsagip si Xinghe dito para makasigurado na buhay pa ito.

"Simulan na natin ang misyon ngayong gabi!" Biglang anunsiyo ni Xinghe.

Gayunpaman, agad siyang naintindihan ni Mubai. "Plano mo siyang iligtas?"

"Oo, hindi pa ito ang tamang oras para mamatay siya. Ang kanyang kamatayan ay mangangahulugang pagkawala ng maraming oportunidad para sa atin, kaya naman kahit gaano pa kapanganib, kailangan natin siyang iligtas."

"Paano kung tanggihan pa din niya tayo matapos natin siyang iligtas?"

Malamig na ngumiti si Xinghe. "Kapag nagpasya siyang maging tanga, aaminin ko ang pagkakamali ko na nagtiwala ako sa maling tao. Natural lamang na sa kasong iyon, wala nang dahilan pa sa atin na panatilihin pa siya!"

Ito ang gusto ni Mubai kay Xinghe, ang isa na walang awa at hindi mabubulagan ng kawanggawa at kabutihan.

"Okay, sisimulan na natin ang operasyon ngayong gabi," buong suporta niyang sinabi. Ang planong pagsagip ni XInghe ay napakasimple lamang at mababa ang panganib dahil kaya niyang baguhin ang surveillance sa loob ng residensiya ng He Lan family kung nanaisin niya. Isa pa, hindi ito ang unang misyon ng pagsagip na isinagawa ng grupo ni Sam. Ang He Lan Villa ay pambata lamang kung ikukumpara sa high security prison kung saan nilabas si Charlie.

Gamit ang perpektong pagtutulungan ng dalawang panig, matagumpay nilang nasagip si He Bin. Ang isa pang mahalagang rason ng tagumpay na ito ay hindi inaasahan ng He Lan family na may sasagip kay He Bin, kaya naman hindi mahigpit ang pagbabantay sa kulungan kung saan ito nakalagay. Ang lahat ay natutulog nang masagip si He Bin mula sa villa.

Inaasahan ni Xinghe na may pinsala ito sa katawan pero hindi niya inaasahan na napakaseryoso pala nito. Ang tama ng bala pa lamang sa katawan nito, idagdag pa ang dalawang paa nito ay nabali, at napakaraming tama ng latigo sa katawan nito.

Talagang hindi nagpigil si He Lan Qi. Ang katotohanan na nakaligtas si He Bin sa interogasyon ay isang himala. Gayunpaman, mukhang malapit na itong mamatay.

Ang grupo ng mga manggagamot na dinala ni Mubai ay ipinakita ang kanilang kapakinabangan. Binigyan nila ng karampatang lunas si He Bin para pansamantalang pigilin ang kondisyon nito sa paglala. Gayunpaman, kung makakaligtas siya sa pahirap na ito ay nakadepende sa pisikal na katangian at kagustuhang mabuhay nito.

May tiwala si Xinghe na makakaligtas si He Bin dahil isang malaking kasayangan naman na mamatay na lamang ito ng ganito.

Matapos ang gabi ng mga emergency na operasyon, sa wakas ay nagkamalay na si He Bin kinabukasan ng umaga. Nang buksan niya ang kanyang mga mata at nakita ang puting kisame, inisip ni He Bin na natutulog siya. Ano ang nangyari? Namatay na ba ako?

Isang malinaw at malamyos na tinig ng babae ang bigla niyang narinig sa kanyang tabi.

"Gising ka na?"

Nahihirapang ibinaling ni He Bin ang kanyang ulo at nakita si Xinghe, Mubai at ilan pang tao na nakatayo sa tabi ng kanyang kama. Naluha ng bahagya ang kanyang mga mata at napaungol siya, "Kayo… iniligtas ninyo ako?"

"Tama iyon, buhay ka pa, isa talaga itong himala," normal na sinabi ni Xinghe.

Sinadya ni Sam na takutin ito, "Gayunpaman, malapit-lapit ka nang yakapin ni kamatayan. Talagang nagulat kami. Hindi namin inaasahan na daranasin mo ang mga malulubhang sugat na ito. Hindi ba't si He Lan Chang ang iyong ama, paano niya nagawang maging malupit sa iyo?"

Sa pagkakabanggit pa lamang ng He Lan Chang ay nanigas ang katawan ni He Bin at isang malalim at masidhing pagkasuklam ang makikita sa mga mata niya. Kahapon, habang pinahihirapan siya, nakumpirma niya kay He Lan Qi na sila ang nagpapatay sa kanyang ina.

Napagtanto nila na ang buhay nito bilang ang babaeng tagalabas ay makasisira sa reputasyon ng kanilang pamilya, kaya naman, kailangang mawala siya!

Related Books

Popular novel hashtag