Chapter 748 - Kaduda-duda

Napilit ng kanyang konsensiya, umiling si He Bin. "Iyon lang ang lahat…"

Sinabi na niya ang lahat ng kailangan niyang sabihin, ang mga bagay na hindi niya dapat sabihin ay hindi na niya pinangahasan pang sabihin.

Matatalim ang ipinukol na tingin sa kanya ni He Lan Chang at nagpumilit, "Iyon ba talaga ang lahat? Pag-isipan mo itong maigi."

"Iyon lang talaga ang lahat!"

"Dahil alam na nila ang tunay mong katauhan, bakit ka nila hinayaang makabalik ng ganoon na lamang? At hindi ito ang sinabi nila sa opisyal na papeles ng pagkakadeport mo."

Binuksan ni He Bin ang kanyang bibig, pero walang salitang lumabas. Hindi ko posibleng isiwalat na may impormasyon doon tungkol sa pagkakasangkot ni ama sa kamatayan ng aking ina, hindi ba? Siguradong hindi ko ito masasabi dahil ang plano ni Xia Xinghe ay ang akitin ako para kumampi sa kanya kaya pinayagan niya akong bumalik ng ganoon kadali.

Ang unang reaksiyon ni He Bin ay ang umiwas. Natatakot siya na kapag ibinunyag niya ang mga bagay na ito, ang relasyon niya sa pamilya niya ay sasama.

"Wala akong alam kung bakit nagdesisyon sila na gawin ito, marahil ay dahil ayaw nila na sabihin ko sa iyo ang totoo na ginagawa nila at pinakawalan ako. Inisip nila na matatakot ako na ang katauhan ko ay mabubunyag kaya hindi ako mangangahas na sabihin sa inyo ang katotohanan." Ibinaba ni He Bin ang kanyang tingin at nakaisip ng dahilang may kahirapang paniwalaan.

Sa kanyang pagkagulat, naniwala dito si He Lan Chang. "Marahil. Pero kahit ano pa ang intensiyon nila, magandang bagay na nakabalik ka ng ligtas. Marahil ay pagod ka na, maaari ka nang umalis at magpahinga. Iwanan mo na ang iba pa sa akin."

"Yes!" Tumayo na si He Bin at nagsimulang umalis.

Tinawag siya ni He Lan Chang. "Tapusin mo na ang tsaa na ito, sinadya kong ipatimpla ito para sa iyo."

"Yes." Kinuha ni He Bin ang baso at tinapos ito ng isang lagukan. Mayroon pang sigla sa kanyang mga hakbang nang umalis siya. Bago siya bumalik, natatakot siya na mapagalitan dahil nabigo siya sa kanyang misyon, pero hindi iyon nangyari. Ang kanyang ama ay hindi siya sinisi sa kahit na anong paraan at lalo nitong naantig si He Bin.

Ang kanyang ama ay parating malamig at hindi malapitang pigura kay He Bin, pero matapos ang paghaharap ngayon, ang impresyon niya dito ay malaki ang ipinagbago. Marahil ay tinatrato talaga siya ni He Lan Chang bilang anak, pero nahihirapan itong ipakita sa kanya…

Matapos umalis si He Bin dala ang masasayang kaisipan na ito, pumasok si He Lan Qi.

Narinig ni He Lan Chang ang mga yabag nito at masungit na nagtanong, "Ano sa tingin mo ang sinabi niya?"

"Ama, sa tingin ko ay may seryosong problema dito!" Sabi ni He Lan Qi ng nakasimangot pero mayroong malalim na paniniwala sa boses nito.

Nagtanong si He Lan Chang, "Nasaan ang problema?"

Naupo si He Lan Qi at umismid, "Halata namang nagsisinungaling siya sa atin. Imposible naman na ang katotohanang siya ang bastardong anak mo ay maitatala sa intelligence agency; ang Chui family ay mga tao natin, kaya naman hindi sila gagawa ng bagay na ganito. Kaya naman, siguro ay inilahad niya ang sikretong ito ng siya mismo."

Mapanganib na naningkit ang mga mata ni He Lan Chang. "Iyon din ang suspetsa ko, pero bakit niya ito gagawin?"

"Bakit pa nga ba? Nagpaplano siyang traydurin tayo. Marahil ay nakabuo na siya ng isang alyansa sa Shen family, bakit pa nila hahayaan itong bumalik ng ganoon kadali? Isa pa, kung talagang nalaman na nila ang tunay nitong katauhan, bakit hindi sila dumerecho sa atin para humingi ng paliwanag? Hindi ba't masyado itong kahina-hinala? At huwag mong hayaang magsimula ako sa nakakatawa niyang palusot, kung talagang natatakot ang Shen family na sasabihin niya ang lahat sa atin, dapat ay ikinulong na nila ito. Sa anumang kaso, talagang kaduda-duda na nakabalik siya ng ligtas at madali matapos na madiskubre."

Unti-unting nakumbinsi si He Lan Chang ng pag-aanalisa ni He Lan Qi. Iyon ay kung talagang nakipagtulungan si He Bin kay Xia Xinghe kaya naman pinakawalan ito kaagad.

"So, ang dahilan na bumalik siya at nagmalinis sa atin ay para makuha ang tiwala natin?" Tanong ni He Lan Chang ng may nakakamatay na intensiyon.

Tumango si He Lan Qi at sumagot ng may malamig na ngisi, "Sigurado. Marahil, naniniwala siya na ang pagsasabi sa atin ng ilang katotohanan ay sapat na para lokohin tayo. At nangangahas akong saihin na ang dahilan ng pagbabalik niya ay dahil pinaplano niyang isabotahe tayo mula sa loob habang ang Shen family ay kinakalaban naman tayo sa labas."

Related Books

Popular novel hashtag