Chapter 749 - Isang Aso

"Damn! Anak ko siya, ano't nangahas siyang traydurin tayo?!" Galit na sigaw ni He Lan Chang. Halos nakumbinsi na siya ng analisasyon ni He Lan Qi.

Malamig na ngumisi si He Lan Qi. "Ama, binalaan na kita dito dati. Hindi natin siya trinato ng maigi at hindi siya inamin na parte ng pamilya, kaya paanong hindi siya makakaramdam ng galit sa atin? Huwag mong kalimutan na isa siyang assassin, talaga bang inaasahan mo na magiging tapat siya sa atin? Ang patayin tayo at ang pamunuan ang lahat ay hindi naman labas sa isa sa mga posibilidad."

Ang mukha ni He Lan Chang ay dumilim, at may bahid ng kalupitan ang mababanaag sa kanyang mga mata. "Gusto niyang mamuno sa pamilya? Masyadong mataas ang tingin niya sa kanyang sarili! Ano naman ngayon kung isa siyang assassin? Sa bandang huli, isa lamang siyang aso na napagdesisyunan kong alagaan dahil sa awa! Kapag kinagat ng aso ang kamay na nagpapakain dito, panahon na para patayin ito! Bwisit na traydor na ito, kailangang maparusahan siya."

"Gusto mo bang ako na mismo ang magpaamin sa mga kasalanan niya?" Mabilis na mungkahi ni He Lan Qi.

Tumango si He Lan Chang ng hindi man lamang ito pinag-isipan. "Okay, hahayaan ko na ito sa iyo."

"Okay!" Sabik na pangako ni He Lan Qi, at ang mga mata nito ay kumikislap. He Bin, sa wakas ay nahulog ka din sa aking mga kamat. Sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na ipinanganak ka sa mundong ito! Plano mo pang kuhanin ang karapatan ko sa pamilya? Alas, hindi ka na mabubuhay para gawin ito!

Palaging nag-iingat si He Lan Qi tungkol kay He Bin, natatakot na isang araw ay magsagawa ito ng pag-atake para makuha ang lahat ng natural na pag-aari niya. Kaya naman, ngayong nabigyan ng pagkakataon si He Lan Qi, paano pa niya ito papalampasin?

Agad-agad, dinala niya ang mga tauhan para pakitunguhan si He Bin.

Kababalik lamang ni He Bin sa kanyang silid at handa nang mahiga para magpahinga ng araw na iyon nang makarinig siya ng kumakatok sa kanyang pinto. Nakasimangot na naglakad siya para buksan ang pinto. Ang sumalubong sa kanya ay ang malamig na bariles ng baril!

Nakatutok ito sa kanyang ulo!

Salamat na lamang sa pagsasanay niya, wala sa loob na umilag si He Bin, pero mabilis din ang kalaban niya!

Ang putok ng baril ay napatahimik ng silencer at lumipad si He Bin dahil sa pwersa bago ito bumagsak ng may tunog sa sahig. Mayroong duguang butas sa kanyang balikat. Sinapo niya ang balikat sa sobrang sakit, pero ang mukha niya ay puno ng pagkabigla at panghihilakbot.

Habang tinatapunan ng masamang tingin si He Lan Qi na pumasok na may baril sa kamay nito, nagtanong si He Bin, "Ano ang ginagawa mo?!"

Itinutok ni He Lan Qi ang baril sa kanyang half-brother at ngumisi, "Ano ang ginagawa ko? Siyempre ipinatutupad ko ang utos ni ama na parusahan ka."

"Parusahan ako?" Nagulat si He Bin. Ano'ng kaparusahan? Ito ba ay dahil sa pumalpak ako sa aking misyon?

"Nakipagsabwatan ka sa Shen family, tama? He Bin, trinaydor mo ang He Lan family, sa tingin mo ay makakatakas ka sa amin? Sa kasamaang palad, madali naming nakita ang mga kasinungalingan mo, at ngayon ay panahon na para pagbayaran mo ang mga ito! Men, dakpin siya at itapon na ninyo siya sa kulungan sa underground!"

"Opo, sir!" Ang security ay mabilis na lumapit para dakpin si He Bin.

Galit na nanlaban si He Bin. "Hindi ko trinaydor si Ama, imposible para sa akin na traydurin siya! Gusto kong makita si Ama, hindi ko siya trinaydor…"

Nalunok ni He Bin ang iba pa niyang sasabihin dahil isang suntok ang tumama sa kanyang tiyan. Ang nanakit sa kanya ay walang iba kundi si He Lan Qi. Ibinuhos nito ang buong pwersa sa kanyang katawan para sa suntok na iyon; halos maisuka ni He Bin ang black tea na ininom ito kanina.

Tiningnan siya ni He Lan Qi na tila isang makamandag na alakdan at siniguradong idinudura nito ang bawat salita sa mukha nito.

"Sino ka ba para tawagin siyang Ama? Unawain mo na isa ka lamang aso na pinalaki namin!"