Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 740 - Hindi Niya Anak

Chapter 740 - Hindi Niya Anak

Tumingin si He Bin sa kany at wala siyang maapuhap na salita na masabi. Hindi talaga niya inaasahan na ang presidente nila ay magdedepensa ng husto laban sa He Lan family. Inaakala lamang pala niya na ang He Lan family at ang Chui family ay pareho ng sinasakyang bangka…

"Ngayon, naniniwala ka pa din ba na hindi suspek si He Lan Chang sa pagkamatay ng iyong ina?" Malinaw na tanong ni Xinghe at ipinakilala na naman nito ang pagbabago sa mukha ni He Bin.

Ang mga mata ni Xinghe na tila nakakakita sa puso ng mga tao ay tumitig sa kanya, at sinabi nito, "Ang apelyido mo ay hindi He Lan at mayroong awra ng mamatay-tao sa paligid mo; naniniwala ako na ang kabataan mo ay napakalaki ng pagkakaiba kay He Lan Qi."

Mahahalata ang pagkabigla sa mga mata ni He Bin. Oo, ang karanasan nila habang lumalaki ay magkaiba, lubos na magkabaliktaran kung masasabi mo.

Si He Lan Qi ay pinalaki bilang kasunod na tagapagmana ng pamilya. Tinatrato siya bilang prinsipe mula noong pagkabata; ang lahat ng maganda at mainam ay ibinibigay sa kanya; siya ang young master ng He Lan family sa pangalan at sa realidad.

Gayunpaman, siya naman ay pinalaki ng kabaliktaran. Pinalaki siya para maging mamamatay-tao. Hindi siya binigyan ng edukasyon maliban sa kung paano pumatay at kung paano maging kwalipikadong assassin. Hindi siya binibigyan ng anumang bakasyon, mula sa kanyang pagkamusmos, ang tanging naaalala niya ay ang mahirap, at mas madalas na malupit, na pagsasanay. Ang totoo, si He Lan Chang ay hindi inamin ni minsan na anak siya nito.

Sinabi nito sa kanya na hindi siya maaaring magkaroon ng pangalang He Lan dahil manganganib ang katauhan niya bilang assassin. Sa paraang ito, kahit na mahuli siya, hindi siya maiuugnay pabalik sa He Lan family. Gayunpaman, hindi mag-aatubili si He Lan Chang para paalalahanan siya na siya ay palaging isang He Lan at dapat na unahin niya ang pamilya.

Pero muli, hindi niya inaamin sa publiko na anak niya ito. Ang tanging oras na nagkakausap sila ng kanyang ama ay tungkol sa mga misyon na ipinadadala sa kanya. Si He Lan Chang ay tila isang opisyal kaysa sa kanyang ama.

Gayunpaman, kapag kasama ni He Lan Chang si He Lan Qi, magbabago ito upang maging mabait at mapagmahal na ama.

Inakala ni He Bin na ito ay dahil sa hindi matanggap ni He Lan Chang na anak siya nito sa labas. Kaya naman, pinilit pa niya ang sarili na magpunyagi, na balang-araw, ay matitimo niya si He Lan Chang at sa wakas ay maging isa silang tunay na magkapamilya.

Ngayong iniisip niya ang tungkol dito… Marahil ay hindi talaga siya itinuring ni He Lan Chang bilang anak sa simula pa lamang. Kung ang ina niya ay talagang pinatay ni He Lan Chang, ano pa ang mga pagkakataon na makakagawa siya ng anumang relasyong pampamilya dito? Siguro ay hinayaan na lamang siya nito sa paligid dahil mapapakinabangan siya.

Alam ni He Bin na ang lahat ng ito ay totoo, pero ayaw niyang maniwala na ang sarili niyang ama ay tatratuhin siya at ang kanyang ina ng ganito.

"Ginagawa mo ang lahat ng ito para makuha ang impormasyon mula sa akin, sinasabi ko na sa iyong muli, wala akong sasabihin na kahit ano!" Giit muli ni He Bin, pero mahirap sabihin kung kinukumbinsi niya ang sarili o si Xinghe.

Tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi, "Huwag kang mag-alala, hindi kita pipilitin na magsuko ng kahit na ano. Magagawa ko itong tuklasin ng sarili ko. Men, dalhin na ninyo siya; panatilihin ninyo siyang nakakulong at hintayin ang mga utos ko."

"Yes, Miss Xia." Ang ilang security officer ay kumilos para kaladkarin na si He Bin palayo.

Matapos nilang umalis, agad na nagtanong si Mubai kay Xinghe, "Ano ang plano mong gawin sa kanya?"

Sumagot ng nakangiti si Xinghe, "Hayaan na maproseso niya ito ng isang araw pagkatapos ay pakakawalan natin siya."

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Ali.

Itinaas ni Mubai ang kanyang kilay dahil nababasa niya ang iniisip nito. "Plano mong kumpirmahin niya ang katotohanan ng balitang ito ng sarili niya, tama?"

"Tama iyon." Tumango si XInghe. "Tingnan mo siya, hindi niya aaminin ang katotohanan hangga't hindi siya sinasampal nito sa mukha. Isa pa, ang kalaban ng ating kalaban ay ang ating kaibigan, at maaaring siya ang maging pinakamahusay nating kakampi."

"Kakampi?" Naguluhan ulit si Ali. "Pero siya ang anak ni He Lan Chang, tatraydurin ba niya ito?"

"Kung talagang pinatay ni He Lan Chang ang kanyang ina, sa tingin mo ay magpapatuloy pa siya na magtrabaho para sa lalaking iyon?"