Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 741 - Huwag Mo Akong Iwan…

Chapter 741 - Huwag Mo Akong Iwan…

"Nakikita ko na ang He Bin na ito ay may sarili pang pag-iisip; hindi pa siya lubusang nagiging kagamitan para sa He Lan family, at ang pinakaimportante, ay mukhang may pagmamahal pa din siya sa kanyang ina. At kung ito ay totoo, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya para malaman ang katotohanan."

Matapos niyang kumpiramahin na si He Lan Chang ay talagang may kinalaman sa kamatayan ng kanyang ina, titigil na siya sa pagtatrabaho sa mga ito. Maaaring hindi siya mauwi na kakampi ng mga ito, pero hindi ito haharang sa kanilang landas.

Hanggang makakatulong ito kay Xinghe na pabagsakin ang He Lan family, hindi niya ito palalampasin.

Isa pa, naiintindihan ni Xinghe na si He Lan Chang ay magdududa kapag pinakawalan na lamang niya ito ng basta-basta. Kung titingnan ang malulupit nilang ugali, kapag may pagdududa sila kay He Bin, siguradong kikilos sila dito. Si He Bin ay mapupunta sa mundo na puno ng sakit at umaasa si Xinghe na magising ito at makita ang katotohanan.

Siyempre, pinaalalahanan din siya ni Xinghe na tatraydurin siya. Siya naman, siyempre, ay tumangging maniwala dito, pero ang nais lamang niya ay magtanim ng buto, nakadepende dito kung ano ang gagawin sa impormasyon.

Ipinadala sa bilangguan si He Bin. Ngayong nasa likuran niya ang presidente, may kapangyarihan na si Xinghe na gawin ito.

Noong gabi, nagawa pa niyang makakuha ng maraming impormasyon, nagawa niyang makumpirma na talagang ang presidente ng Country R ay nagpaplano na harapin ang He Lan family. Kung hindi, hindi sana ito nangolekta ng maraming impormasyon sa He Lan family. Naghahanap lamang ito ng perpektong pagkakataon para wasakin ang mga ito. Gayunpaman, hindi ito nangangahas na gumawa ng kahit anong hakbang dahil ang He Lan family ay hinahawakan ang kanyang kahinaan sa kanilang mga palad.

"Naniniwala ako na dapat nating subukan ang presidente, kung ang layunin natin ay pareho, magagawa nating piliin na makipagtulungan sa kanya," sinabi ni Xinghe kay Mubai.

Tumango si Mubai. "Mabuti na din kung makikipagtulungan tayo sa kanya, mas madadalian tayong kalabanin ang He Lan family. Natatakot lamang ako na hindi siya katiwa-tiwala."

"Iyon din ang inaalala ko, pero masusubukan muna natin siya."

"Paano?"

"Personal ko siyang kakausapin. Kung may intensiyon siyang magtrabaho kasama natin, ay saka siya pupunta sa atin."

Napabuntung-hininga si Mubai. "Plano mong bumalik sa Country R…"

Tumango si Xinghe. "Kailangan kong gawin, dahil kung hindi, walang magiging progreso."

"Kailan mo balak pumunta?" Tanong ni Mubai sa isang mahinang bulong at nalungkot ang tingin nito.

Nag-alinlangan si Xinghe. "Matapos ang dalawang araw, aalis ako kasama ni He Bin."

Hinablot ni Mubai ang kanyang mga kamay at mariing sinabi, "Sasama ako sa iyo, sa pagkakataon na ito, iba na ito kumpara sa dati. Maaaring makaharap ka ng panganib sa pagkakataong ito."

Umiling si Xinghe. "Paano ang iyong kumpanya? Isa pa, may mga tauhan akong magtatanggol sa akin; magiging ayos lang ako."

"Kahit na, sasama pa din ako sa iyo. Kung ang pwesto ng bodyguard ay ubos na, mananatili na lamang ako sa iyong tabi." Kumurba ang mga labi ni Mubai para ngumiti. "O ayaw mo yatang makita ako?"

Siya, syempre, ay hindi naman tututol na nasa tabi niya ito, pero ayaw lamang niyang sayangin nito ang oras nito.

"Huwag ka nang masyadong mag-isip, ang lahat ay magiging ayos lamang. Kung anupaman, ang hindi ka kasama ay lalo lamang nagbibigay sa akin ng pag-aalala," may pag-aalalang sambit ni Mubai sa kanya at inaalo siya ng pabulong.

Nagdesisyon si Xinghe. "Okay, kung gayon ay pumunta tayo ng magkasama!"

Napinta sa mukha ni Mubai ang isang malawak at nakakaakit na ngiti. Hinaplos niya ang kurba ng baba nito at mahinang sinambit, "Kailangan mong ipangako sa akin na parati tayong ganito, okay?"

Napakurap si Xinghe. Tulad ng ano?

"Isama mo ako kahit na saan ka pupunta at huwag mo na akong hahayaan pa…" biglang lumapit si Mubai at marubdob siyang hinalikan sa kanyang mga labi.

Matapos ang pakikipag-usap sa presidente, nagplano si Xinghe na makita ang presidente ng Country R kasama ang isang ambassador. Nakaisip pa sila ng perpektong dahilan na magpunta sa Country R, ito ay para i-deport si He Bin.

Sa kaparehong oras, ihahatid din nila pauwi si Chui Ying.

Siyempre, sa papel, hindi nila sasabihin na ide-deport nila si Chui Ying kundi sinasamahan ito pauwi sa bansa nito.

Related Books

Popular novel hashtag