Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 735 - Kinuha ang Bitag

Chapter 735 - Kinuha ang Bitag

Ang malamig na ngisi ni He Lan Qi ay lumalim, pero walang nakaalam na ang emosyon ay pahapyaw lamang na lumitaw. Matapos na maipadala si Ah Bin, nagpatuloy na si He Lan Chang sa kanyang imbestigasyon para malaman kung sino ang nakatakas maraming taon na ang nakakaraan.

Wala siyang alam kung sino ang ikalawang anak na babae ng Shen family o kung ano ang hitsura niya, kaya naman ang tanging magagawa niya ang imbestigahan si Xinghe. Gayunpaman, ang pananaliksik niya ay walang naibunga; literal na walang impormasyon sa ina ni Xinghe.

Kaya naman, imposible na malaman ang katauhan ng babae sa napakaiksing panahon at oras. Kaya naman, kaunting oras na lamang bago makilala ang ikalawang anak na babae ng Shen family. Dahil nasa kanila ang DNA sample ni Elder Shen at ang database mula sa kanilang ampunan na sinabi nila sa mundo ay nasira.

Habang abala ang He Lan family sa paghahanap ng ina ni Xinghe, nag-iisip pa ng paraan si Xinhe kung paano mapapabagsak ang He Lan family. Sinabi na niya sa Shen family ang lahat. Matapos nilang marinig ang tungkol sa Project Galaxy, talaga namang gulat na gulat ang mga ito. Sa wakas, nagdesisyon silang ipaabot ang balitang ito sa presidente dahil sa sobrang bigat ng insidenteng ito.

Siyempre, nang malaman ito ng presidente, kahit siya ay nabigla. Kahit na wala silang ideya kung ano ang Project Galaxy, mula sa lahat ng nakalap na impormasyon, isa itong misteryosong plano na maaaring malagay sa panganib ang buhay ng buong planeta. Para sa kapakanan ng lahat, sinabi ng presidente ang kanyang intensiyon na lubusang makikipagtulungan sa imbestigasyon ni Xinghe. Gayunpaman, ang pinakapuntirya nila ay ang He Lan family sa Country R, na kung saan kapag nakialam ang presidente, maaaring magsanhi ito ng isang internasyonal na krisis. Para maiwasan ito, kailangan nilang umasa kay Xinghe, dahil si Xinghe ay may ilang paraan para maimbestigahan ang He Lan family.

Ang plano niya ay simple, hihintayin niya ang He Lan family na kumilos. Ang pinagmulan ng kanyang kapanganakan ay naanunsiyo na, naniniwala siya na ang He Lan family ay nasabihan na. Kaya naman hindi na ito mapapakali matapos na marinig ang balita.

Kaya naman, ang gagawin na lamang niya ay maghintay, maghintay sa mga ito na lumitaw at maghintay na kumilos sa pagkakataong ito. Ang ibigay sa mga ito ang butas na hinahanap nila. Ginugol ni Xinghe ang lahat ng kanyang oras sa paggagala lamang.

Siya lamang at si Ali. Iginala siya ni Ali sa buong siyudad habang pinapanood ni Xinghe ang kanilang sitwasyon ng malapitan sa loob ng kotse, hinihintay na ipakita ng mga kalaban ang kanilang sarili. Gayunpaman, ginawa na nila ito ng diretsong dalawang araw at wala silang nakita.

"Xinghe, sa tingin mo ba ay talagang magpapadala ng tauhan ang He Lan family para sundan tayo?" Tanong ni Ali ng may agam-agam habang ginagalaw nito ang manibela.

Si Xinghe, na nakaupo sa likuran at pinagagana ang kanyang laptop, ay sumagot, "Gagawin nila matapos nilang marinig ang pinagmulan ng pamilya ko."

"Pero paano kung nagpadala sila ng mga tao para saktan ka?" Tanong ni Ali ng may kaunting bahid ng takot sa boses nito.

Ngumisi si Xinghe. "Nakadepende din ito kung may abilidad sila o wala. Lumiko ka sa kaliwa pagdating sa junction, kinuha na ng isda ang bitag."

Nagulat si Ali at biglang tumingin sa rear-view mirror. Mayroong ilang grupo ng kotse sa kanilang likuran, kaya nahirapan siyang malaman kung ano ang may mali.

"Talaga bang ang taong iyon ay binubuntutan tayo?" Sinubukang kumpirmahin ni Ali.

Tumingin si Xinghe sa surveillance sa kanyang laptop at tumango.

"Kung gayon, kailangan mong kontakin si Mr. Xi agad, gagawin natin itong isang one-way na paglalakbay para sa taong iyon!" Sabik na sambit ni Ali habang inililiko nito ang manibela, at sa likuran nila, nakita niya ang isang itim na kotse na ganoon din ang ginawa.

Ang kotse ay hindi kapansin-pansin at tila tulad ng ilang kotse sa kalsada. Gayunpaman, matagal na itong pinapanood ni Xinghe at napagtanto na sinusundan sila nito kung gaano niya katagal na pinapanood ang surveillance dito. Ang kutob niya ay nagsasabi din na ang indibidwal sa loob ng kotse ay kahina-hinala!

Mabagal na nagmaneho si Ali patungo sa liblib na parte ng bayan at tumigil sa harap ng isang ampunan. Sa dalawang nakalipas na araw, bumibisita sila ng mga ampunan. Nagplano silang bisitahin ang lahat ng ampunan sa City A, ito ay parte ng bitag.

Related Books

Popular novel hashtag