Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 736 - Tracking Expert

Chapter 736 - Tracking Expert

Nagbigay ito ng impresyon na naghahanap siya ng impormasyon sa mga ampunan at siguradong maaalarma nito ang kabilang partido. Sa realidad, naglabas lamang siya ng bitag sa pagbisita sa mga ampunan at naging malaki ang kapalit nito!

Bumaba sina Xinghe at Ali mula sa kotse at natural na pumaso sa ampunan. Tulad ng inaasahan nila, ang kotse na nakasunod sa kanila ay tumigil din. Lumabas mula sa kotse ay isang malaking lalaki na nakasuot ng normal na kasuotan para hindi siya agad mapansin, siya si Ah Bin, na ipinadala ni He Lan Chang.

Hindi sila sinundan ni Ah Bin sa ampunan pero naglakad ito patungo sa isang maliit na restawran sa tabi nito. Isa siyang tracking expert, kaya hindi niya hinahayaan ang kanyang biktima na mapansin siya; madali siyang naglalaho sa mga tao na tila isa lamang siyang normal na tao na naglalakad tuwing Lunes.

Matapos niyang dumating sa restawran, naupo siya sa sulok na may bintana at gumamit ng mahusay na Chinese para umorder ng tatlong appetizer. Pagkatapos ay nagkunwari siyang ninanamnam ang tanawin nang ang kumpletong atensiyon niya ay nasa ampunan.

Hindi nagtagal at ang mga appetizer ay naihain na, at nagsimula nang kumain si Ah Bin para ituloy ang kanyang pagpapanggap, pero ang mga mata niya ay hindi umalis sa pasukan ng ampunan. Si Ali at Xinghe ay matagal na sa loob ng ampunan, hindi pa sila umalis kahit na natapos nang kumain si Ah Bin.

Nang mga oras na iyon, halost tanghalian na at ang mga patron ng restawran ay dumadami na. Ang mga mesa sa paligid niya ay nakuha na. Sa isang mesa, dalawang lalaki na nakasuit ang nag-uusap habang umiinom ng alak, habang sa kabilang mesa, isang pares ng magkasintahan ang nag-aaway. Mukhang napalapit masyado ang lalaki sa isang babae at ang katipan nito ay tinatanong siya. Kahit na gaano pa niya ipaliwanag ang sarili niya, ang kasintahan niya ay siguradong niloloko siya nito. Ang away nila ay papalakas ng papalakas.

Ang lalaki, marahil ay nahihiya, ay patuloy na tumitingin sa paligid na tila natatakot na inoobserbahan sila ng iba. Tinapunan pa nga niya si Ah Bin ng tingin ng walang magawa at nagpapasaklolo ng ilang beses. Gayunpaman, si Ah Bin ay hindi interesado na makialam sa kanila.

Sa kaperhong oras, ang mga tao sa kalsada ay dumami na din. Ang ilang batang mag-aaral ay pinaglalaruan ang isang bote ng tubig na walang laman matapos lumabas ng paaralan. Ang isa sa mga ito ay aksidenteng nasipa ang bote sa ilalim ng kotse niya. Yumuko ito para pulutin ang bote at nagpatuloy na sila sa kanilang paglalaro habang naglalakad sila palayo.

Ibinaba na ni Ah Bin ang kanyang chopsticks at nagdedesisyon na kung iiwanan ang kanyang pwesto o hindi nang sa wakas ay lumabas na sa ampunan sina Xinghe at Ali. Nanigurado si Ah Bin na nakasakay na muna at nakaalis na ang dalawa bago lumabas ng restawran para magtungo sa ampunan.

Hindi na niya planong sundan pa sila. Ang bagay na kailangan niyang gawin ay malaman ang mga bagay mula sa ampunan, lalo na kung ano ang ginagawa ni Xinghe sa ampunan.

Ang resulta ay nakakabigo. Nalaman niya na wala silang ginawang kakaiba sa ampunan, nagpunta lamang ang mga ito doon para magbigay ng donasyon.

Nang umalis na si Ah Bin sa ampunan, natural ay hindi na niya makikita pa ang kotse ni Xinghe. Nagplano siyang gumamit ng panibagong paraan para imbestigahan si Xinghe kinabukasan, kaya naman nagpasya siyang magpahinga para sa araw na iyon.

Umalis na si Ah Bin lulan ng kanyang kotse at bumalik sa isang villa na nirentahan niya sa kanayunan. Matapos niyang pumasok sa sala, inilabas niya ang kanyang telepono para ibalita ang nalaman niya noong araw na iyon kay He Lan Chang. Hindi nagtagal matapos niya itong gawin, ang doorbell niya ay tumunog.

Dali-daling inihanda ni Ah Bin ang kanyang baril at maingat na lumapit sa kanyang pinto. Sa pamamamagitan ng isang electronic surveillance, nakita niya na isang matandang lalaki ang naghihintay sa labas. Sandaling nag-alinlangan si Ah Bin bago nito ibinaba ang depensa at binuksan ang pinto.

"Yes?" Bago pa siya makapagtanong kung sino ang hinahanap ng lalaki, nagbago ang mukha ni Ah Bin dahil isang baril ang nakatutok sa kanyang baiwang.

Ang matandang lalaki ay dumeretso ng tindig; halos kasing taas pala siya ni Ah Bin.