Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 730 - Tandaan Mo ang Banta na Ito

Chapter 730 - Tandaan Mo ang Banta na Ito

Nagtanong si Xinghe sa malinaw na tinig, "Kung hindi mo ipinangako sa kanila na magagamit nila ang pabor na utang ng Shen family para pilitin silang itakwil ako, mangangahas ba silang hamunin ng hayagan ang Shen family tulad nito? Mali ba ako?!"

Ang mukha ni Chui Ying ay nasorpresa. Paano niya nalaman?

Ang lahat ay nagulat din, pakiramdam nila ay lohikal ang argumento ni Xinghe. Siya nga, ang lahat ng ito ay may posibilidad na pakana ni Chui Ying.

Pinandilatan siya ni Elder Shen at galit na nagtanong, "Ano ang layunin mo sa paggawa nito? Bakit mo ba kami kinakalaban tulad nito?"

"Hindi ako!" Galit na sagot ni Chui Ying. "Wala akong dahilan para gawin kayong kaaway, ang tanging dahilan kung bakit tinulungan ko si Little Yan ay dahil hindi ko masikmura ang paraan ng pang-aapi ninyo. Kasalanan na ba nayon na tulungan ang kaibigan mo? Wala akong ginawang masama, kaya huwag ninyong idiin ito sa akin!"

"Kahit na, hindi pa din dapat palampasin ang mga ikinilos mo," sawata sa kanya ni Xinghe. "Miss Chui, nagmula ka sa isang magandang pamilya, kaya huwag mong sabihin sa akin na hindi mo nakita ang pag-arte ni Tong Yan. Pero binabalaan kita ngayon, kapag nangahas kang kalabanin kami bilang kaibigan nila, huwag mo kaming sisisihin kapag ikaw naman ang ginantihan namin."

"Pinagbabantaan mo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ni Chui Ying sa pagkagulat. Wala pang nangahas na hayagan siyang ipahiya at bantaan siya tulad ngayon. Gayunpaman, nagawa na ni Xinghe ang lahat ng ito sa kanya ngayong araw.

Hindi nagpakita ng kahit anong senyales si Xinghe na titigil ito. Itinaas nito ang kilay at sinabi, "Tama iyon, binabantaan kita, at dapat ay isapuso mo ito."

"Ikaw…" nakuyom ni Chui Ying ang kanyang mga kamao sa galit. Sa sandaling iyon, si XInghe ang nag-iisang tagatanggap ng kanyang pagkamuhi. Wala nabubuhay matapos na ipahiya at pagbantaan siya ng ganito!

Nangako siya na maghihiganti siya agad kay Xinghe!

Natural lamang, nakita ni Xinghe ang pagkamuhi na nag-aalab sa mga mata nito, pero hindi siya natatakot dito, ang totoo pa nga ay nasisiyahan siya. Kung hindi niya ginalit si Chui Ying, paano niya makukuha ang pakinabang na kailangan niya mula rito?

Siya ang butas na kailangan ni Xinghe para tamaan ang He Lan family. Dahil ang He Lan family ay may relasyon sa Chui family, kakailanganin niyang pag-ingatan din ang Chui family. Ang mahalaga, sasagasaan ni Xinghe ang lahat ng mangangahas na tumayo sa kanyang landas!

Kailanman ay hindi inangkin ni Xinghe na isa siyang santa; hindi siya mag-aatubili na gamitin ang iba para makuha ang kanyang layunin. Gayunpaman, hindi naman inosenteng partido si Chui Ying. Dahil pinili niyang ilagay ang sarili bilang kalaban ni Xinghe, hindi niya masisisi si Xinghe sa lahat ng kalamidad na patuloy na darating sa kanya.

Sa mundong ito, ang tagumpay ay para sa malalakas, sa may mga kakayahan, ang mga nananalo!

Kaya naman, mula sa sandaling ito, ang lahat ay nakadepende sa sarili nilang kakayahan para ipaglaban ang tagumpay. Gayunpaman, ipinagdarasal ni Xinghe na ang kanyang katunggali ay hindi masyadong mahina, kung hindi ay madali siyang mababagot.

Sinulyapan ni Xinghe si Chui Ying sa huling pagkakataon pero wala na siyang sinabi. Kinuha niya ang kamay ni Elder Shen at sinabi, "Lolo, tara na po."

Wala nang dahilan para manatili pa sila sa piging na ito. Hindi na niya magsasayang pa ng oras kay Tong Yan at Shen Ru.

Napansin ni Elder Shen kung gaano ito lalong lumapit sa kanya at masaya itong tumawa, "Okay, tara na!"

Hindi na niya gusto pang manatili sa kasuklam-suklam na piging na iyon. Sinuportahan ni Mubai si Elder Shen sa kabilang ibayo at naglakad na sila palabas ng pagdiriwang.

Ang mga mata ni Chui Ying na puno ng pagkasuklam ay halos bumutas sa likod ni Xinghe at nangako siya sa kanyang sarili na tuturuan niya ng leksiyon ang p*tang iyon pagdating ng oras!

Matapos na umalis ng grupo ni Xinghe, umalis na sila patungo sa bahay ng Shen family.

Sa loob ng kotse, nagsimula nang paulanan ni Elder Shen ng mga tanong.

Related Books

Popular novel hashtag