Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 731 - Huwag Mo Siyang Apihin

Chapter 731 - Huwag Mo Siyang Apihin

"Xinghe, apo talaga kita, tama? Ang DNA result ay totoo din, hindi ba?"

Tumango ng nakangiti si Xinghe. "Tunay sila."

Hindi pa din makabawi si Elder Shen sa kanyang pagkabigla. "Paanong nagkataon ang mga bagay? Paano mo nalaman ang katotohanan?"

"Ang aking ina ay mula din sa ampunan na iyon. Pinagdudahan ko lamang na maaaring iisa sila; hindi ko inasahan na ang DNA result ay patutunayan na tama ako," masayang sagot ni Xinghe.

Nagulat si Elder Shen. "Ang ina mo ay mula din sa kaparehong ampunan? Ipinapaliwanag nito ang lahat, pero bakit hindi ko narinig na sinabi mo ito noon?"

"Nito ko lang din nalaman ito."

"Nasaan na ang iyong ina ngayon?!" Tanong ni Elder Shen habang napaupo ito ng tuwid.

Iniling ni Xinghe ang kanyang ulo. "Paumanhin, maraming taon na siyang nawawala."

Doon lamang naaalala ni Elder Shen na nabanggit ni Xinghe na nawawala ang kanyang ina. Ang pag-asa na naisip niya ay nawala at makikitang nalungkot ito.

"Paano kung nasangkot siya sa isang klase ng aksidente? Maipapaliwanag ba nito ang pagkawala niya?" Tanong nitong nag-aalala.

Hindi sumagot si XInghe, imbes ay nagtanong siya, "Lolo, naniniwala ka ba na ako ang apo mo ng ganoon na lamang? Hindi mo na ba gustong ulitin pa ang pagsusuri?"

Tumingin si Elder Shen sa kanya at buong tiwalang sinabi, "Naniniwala ako sa iyo dahil wala kang dahilan para magsinungaling sa akin. Kilala kita ng husto sa inaakala mong alam ko; alam kong hindi mo ako lolokohin."

Natimo ang puso ni Xinghe na pagkakatiwalaan siya nito ng lubusan.

"Lolo, masaya ako na nahanap ko kayong lahat; gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga taong nawala sa atin," pangako ni Xinghe ng pabulong. Namuo ang mga luha sa mga mata ni Elder Shen. Nang si Tong Yang ang tangi niyang tagapagmana, inisip talaga niya na ang Shen family ay babagsak na. Mabuti na lamang at ngumiti pa sa kanya ang kalangitan, at binigyan siya ng balita sa nawawala niyang anak, at iprinesenta pa sa kanya ang isang matalinong apo.

Gustung-gusto niya talaga si Xinghe at ngayon na ito ay ang kanyang bayolohikal na apo, sobra-sobra ang kanyang kasiyahan. Naalo siya at nagmamalaki na napakahusay nito at talentado.

Napabuntung-hininga si Elder Shen. "Mabubuti pa din sa akin ang mga diyos. Kahit na malaki ang nawala sa Shen family, ibinigay ka nila sa akin bilang kapalit. Maaari na akong mamatay ngayon dahil masaya akong nahanap ka na namin!"

"Elder Shen, kasiyahan din ni Xinghe na muling makabalik sa inyong lahat," dagdag ni Mubai ng nakangisi. Nagulat na napatingin sa kanya si Xinghe, paano nito nabasa ang iniisip niya?

Gayunpaman, nagpapasalamat siya dito dahil natulungan siya nitong isatinig ang mga bagay na nahihiya siyang sabihin.

Sinulyapan ni Elder Shen si Mubai at nang ginawa niya, wala sa loob na napatanong ito, "Mubai, kung hindi ako nagkakamali, gusto mo ang aming si Xinghe, tama?"

Nabigla si Mubai, hindi niya inaasahan ang tanong na ito. Gayunpaman, mabilis siyang nakabawi at seryosong tumango. "Opo!"

"Plano ba ninyong dalawa na magpakasal muli?"

"Opo! Pinaplano kong pakasalan siyang muli, at hindi ko na siya muling bibiguin," sagot ni Mubai sa isang seryosong tono.

Biglang tumawa si Elder Shen. "Mabuti, mabuti! Nangako ka na hindi na bibiguin ang aming Xinghe, kaya kapag nangahas kang apihin siya sa anumang paraan, tandaan mo na ang buong Shen family ang makakaharap mo."

Masunuring tumango si Mubai. "Hindi po, hindi ko siya aapihin, pero pwede niya akong apihin anumang oras niya gusto."

Tumawa na naman si Elder Shen. "Mabuti, masaya ako kung magkakatuluyan kayong dalawa ulit dahil mukhang perpekto na kayo para sa isa't isa."