Siya ang tunay! Inakala ni Tong Yan na, hanggang hindi nila nakikita ang ikalawang binibini ng Shen family, siya at ang kanyang ina ay may pagkakataon pang makabalik sa Shen family, dahil nangangahulugan nito na hindi pa sila tuluyang napapalitan.
Gayunpaman, ang pangarap na iyon ay nasira. Higit pa doon, ang taong iyon ay ang ina pa ni Xia Xinghe.
Habang iniisip niya ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni XInghe, at ang pinakaimportante pa, ay kung paano inagaw ni Xinghe ang posisyon niya bilang ang tanging apo ng Shen family, pakiramdam niya ay mababaliw siya!
Mahirap na sa kanyang tanggapin na nawala na sa kanya ang Shen family, pero ngayon, tuluyan nang kinuha ni Xinghe ang kanyang papel. Hindi lamang niya sinira ang lahat, pinalitan pa siya nito ng lubusan!
Wala na siyang karapatan na itakwil pa si Xinghe dahil siya ang tunay na tagalabas.
Sa wakas ay nawala na ang pagpipigil ni Tong Yan at halos nababaliw na itong sumigaw, "Hindi ito nangyayari! Peke ito, paano ka naging apo ni Lolo? Ako ang apo! May malaking pagkakamali siguro sa DNA report na ito. Xia Xinghe, siguro ay binayaran mo ang mga doktor, dahil hindi ka maaaring maging ako, ipipilit ko na ulitin natin ang pagsusuring ito, kailangang ibunyag ko ang kasinungalingan mo!"
Nadala si Chui Ying ng kaibigan niya at kumampi ito dito. "Tama iyon, ang resultang ito ay maaaring peke. Grandfather Shen, kailangang ulitin natin ito; siguro ay nagsisinungaling si Xia Xinghe. Ipinapakita na naman niya ang kasamaan niya. Si Little Yan ang nag-iisa mong bayolohikal na apo!"
Ang mga tao ay magaling sa panloloko sa sarili. Kahit si Shen Ru ay napaniwala ng mga salita nina Tong Yan at Chui Ying, lubos siyang naniniwala na panloloko na naman ito ni Xinghe. Kahit siya ay pinagdudahan ang naunang resulta na nagsasabing isa siyang Lin ay panloloko din ni Xinghe. Paano pa niya maipapaliwanag ang lahat ng mga pagkakataong ito?
Kaya naman, siguradong may pagkakamali dito.
"Ama, siguradong may mali dito. Kailangang ulitin natin ang DNA test; kailangang ako ang iyong anak!" Halos baliw na giit ni Shen Ru.
Dumagdag din si Chui Ying, "Tama iyon, tulad ng sinabi ko kanina, Grandfather Shen, masyadong kaduda-duda itong si Xia Xinghe, hindi ka dapat maniwala sa kanya. Si Auntie Ru at Little Yan ang iyong mga kadugo, walang makakapagduda doon!"
"Ama, tama iyon, kami ang tunay mong kadugo't laman!" Natatarantang tango ni Shen Ru, ibinubuhos na niya ang lahat ng kanyang paniniwala sa huling pag-asa na ito.
Biglang napatikhim si XInghe. "Matapos ng napakaraming pagsusuri, bakit ba ayaw pa ninyong harapin ang katotohanan?"
"Xia Xinghe, siguro ay niloloko mo lamang kami. Ang lahat ng resulta noong una ay mga peke; sigurado!" Galit na balik ni Shen Ru.
"Naniniwala ako na alam ni Lolo sa kanyang puso kung sino ang tunay at sino ang peke."
Masungit na inanunsiyo ni Elder Shen, "Hindi na kailangan pa ng panibagong pagusuri! Lubusan akong naniniwala na si Xinghe ang bayolohikal kong apo at kayong dalawa ay talagang napatunayan na kayo ay nagdadala ng dugo ng Lin family!"
"Ama, paano mo siya napapaniwalaan? Kailangan mong magising sa pang-aakit niya…"
Bago pa makapagtapos si Shen Ru, may panibagong dumapo sa kanyang mukha, pero sa pagkakataong ito ay si Elder Shen na ang sumampal sa kanya. Nabablangkong napatitig sa kanya si Shen Ru, hindi maproseso ng kanyang utak kung ano ang nangyayari. Hindi siya makapaniwala na ang kanyang ama na minahal siya ng ilang dekada ay mapapagbuhatan siya ng kamay. Ito ang unang beses na ginawa nito iyon!
Taimtim siyang tinitigan ng masama ni Elder Shen at itinakwil siya, "Shen Ru, mula ngayon, wala ka nang karapatan para dalhin ang pangalan ng Shen!"