"Sa una, kahit na napatunayan na hindi ikaw ang bayolohikal kong anak, sa ilang pagkakataon ay pakiramdam ko ay may pagkakautang ako sa iyo. Pero ngayon, kayong dalawa ay lubusan akong binigo! Hindi ko inisip na bababa kayo sa mababang antas para siraan ako at si Xinghe! Binigyan ko na kayong dalawa ng maraming pagkakataon, pero sinayang ninyo itong lahat. Hindi ko nalaman na kayong dalawa ay may nakakadiring mga pag-uugali, pero siguro ay mabuti na din ito, dahil nakita ko ang tunay na kayo. Iisipin ko na lamang na nagpalaki ako ng dalawang aso. Mula ngayon, kayong dalawa ay hindi na maaaring gamitin ang pangalan ng Shen family!"
Ang anunsiyo ni Elder Shen ay nagpakita ng kanyang determinasyon. Si Shen Ru at Tong Yan ay hindi makapagsalita sa pagkabigla. Ang kanilang mga mukha ay napakapangit sa nangyari. Ang plano nila ng araw na iyon ay para maghiganti laban kay Xinghe at Elder Shen. Ang lahat ay umaayon na sa kanila, pero hindi nila nakita ang posibilidad na si Xinghe ay maaaring ang bayolohikal na apo ni Elder Shen.
Ngayon, ang paghihiganti nila ay tuluyang naresolba at ginalit si Elder Shen sa punto na tuluyan na nitong pinutol ang lahat ng ugnayan mula sa kanila. Sa puntong ito, sa wakas ay naintindihan na nina Shen Ru at Tong Yan ang kahulugan ng takot.
Bakit ba napakatanga nila? Ang kalabanin ang Shen family ay walang benepisyong maidudulot sa kanila. Noong una, nang lumayo sa kanila ang Shen family, maaari pa silang mabuhay sa City A gamit ang pangalan ng Tong family. Pero ngayon, inilahad na ni Elder Shen ang kanyang intensiyon na itakwil sila sa harap ng lahat, sino pa kaya ang mangangahas na lumapit at dumikit sa kanila sa hinaharap?
Ang Shen family ang pinakamalaking pamilya sa City A matapos na mapabagsak ang Lin family. Kung wala ang Shen family bilang backer, sino pa ang mangangahas na kaibiganin sila at tanggapin ang galit ng Shen family?
Kahit ang Tong family ay siguradong lalayuan sila!
Kaya naman, talagang mali ang kinuha nilang hakbang sa pagkakataong ito. Ang buhay nila ay tuluyan nang nasira.
Biglang napaiyak sa takot si Shen Ru, "Ama, patawarin mo ako, nagkamali ako. Pakiusap ay patawarin mo ako, ito ay dahil sa hindi ko magawang lumayo sa inyo kaya nagawa ko ang mga bagay na ito. Ama, pakiusap huwag mo kaming itakwil, hindi mo kami maaaring tratuhin ng ganito…"
Gayunpaman, nakita na ni Elder Shen ang tinatakbo ng utak niya. Ipinakita na niya ang tunay niyang kulay. Hindi na sila pagkakatiwalaan pa ni Elder Shen. Sa kanyang pananaw, ang lahat ng kanilang pagmamakaawa ay may itinatagong motibo.
Nagsisisi pa nga siya sa pagbibigay ng awa sa kanila kanina, dahil sa paraan ng pagsukli nila ng awa niya ay ang maghiganti laban sa kanya. Kinilabutan si Elder Shen hanggang sa kanyang kaibuturan sa pagkukunwari nila.
Kaya naman, kahit gaano pa magmakaawa ng husto si Shen Ru, hindi na natinag pa si Elder Shen. Ang tanging emosyon na nadarama niya ay kabiguan.
Napansin ni Shen Ru na ang madla na kumampi sa kanila kanina ay unti-unti nang lumayo sa kanya at lalo siyang naiyak sa sobrang kawalan ng pag-asa. Wala nang nais pang tulungan siya. Sa wakas ay nakita na niya kung gaano kalaki ang gulong ginawa niya, pero huli na ang lahat.
Habang tinitingnan ang natataranta niyang ina, nakakaramdam na din ng malamig at kawalan ng pag-asa si Tong Yan sa kanyang kaluluwa…
Sa pagkakataong iyon, biglang lumabas mula sa madla si Elder Tong para bigyan siya ng sampal sa kanyang mukha at galit na pinagsalitaan siya, "Tingnan ninyo ang gulong ginawa ninyong dalawa! Mula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay kung hindi ay itatakwil na din kayo ng Tong Family!"
Tumingin si Tong Yan sa kanyang lolo na mamahalin siya ng walang kondisyon ng may nanginginig na mga mata. Mawawala ba sa akin ang lahat?
Kahit ang kanilang lugar sa Tong family ay lumiit. Matapos na mawala ang suporta ng Shen family, ang posisyon nilang mag-ina ay hindi na ganoon kahalaga.