"Kalokohan!" Agad na nagalit si Elder Shen. Ang isang taong matalino na tulad niya ay siyempre alam kung ano ang ipinahihiwatig ni Tong Yan. Ang mga salita ni Tong Yan ay nagmumungkahi na may malaswang relasyon sa pagitan nila ni Xinghe. Si Xinghe ay ang kanyang junior; ang lipunan ng mga Chinese ay lubos na pinahahalagahan ang hierarkiya ng pamilya, kaya ang isang akusasyon na tulad nito ay makakasira ng kanyang pangalan at buhay.
Gayunpaman, tila walang balak na tumigil si Tong Yan. "Kung hindi, paano niya mabilis na magawang manipulahin ang relasyon ng ating pamilya? Lolo, kahit na hindi ako ang iyong bayolohikal na apo, si Xia Xinghe ay mas walang relasyon sa iyo kaysa sa akin. Kaya paano mo nagawang abandonahin kami para sa kanya? Lolo, sa puso mo, talaga bang mas wala kaming importansiya kaysa sa Xia Xinghe na ito?"
"Ama, hinihiling ko din ang iyong sagot!" Pag-iinteroga din ni Shen Ru sa pagitan ng pagluha, "Sa puso mo, talaga bang wala kaming importansiya kaysa kay Xia Xinghe? Wala naman kaming ginawang masama maliban na lamang sa ipinanganak kami sa maling bloodline. Kaya paano mo kami nagagawang tratuhin ng walang awa? Kahit na gaano pa kami magmakaawa ni Little Yan na patawarin mo kami, ayaw mo pa ding makinig sa amin. Hindi ako naniniwalang kinamumuhian mo kami ng husto, kaya naman siguradong may espesyal na importansiya siya sa iyo. Kung hindi ay paano mo ipapaliwanag na handa kang sipain kami ng walang awa dahil lamang sa ang basehan ay ang nag-iisa niyang salita?"
"Xia Xinghe, ipaliwanag mo ang iyong sarili, anong klase ng gayuma ang ibinigay mo sa lolo ko na handa siyang makinig sa mga utos mo?!" Tumindig ng diretso si Tong Yan at ininteroga si Xinghe na tila isang kaaway.
Nagawa niyang itulak si Xinghe at ang Shen family sa mapanghusgang tingin ng publiko. Ang totoo, ang madla ay kakampi niya. Dahil ang tangi niyang hiling ay makabalik sa Shen family dahil hindi niya matiis na mawalay sa kanyang pamilya. Kaya naman ang kanyang galit at kalungkutan ay isang daang porsiyento na makatwiran.
Wala ni isa sa mga ito ang nagsususpetsa na ang pagmamakaawa na ginawa kanina nina Shen Ru at Tong Yan ay isa lamang palabas. Ang lahat ng ito ay para paghandaan ang pagkakataong ito!
Palaging nakikisimpatya ang mga tao sa mas mahihinang partido, kaya naman ang plano nila ay gumawa ng impresyon na ginigipit sila ni Xinghe at ginamit ito para i-frame si Xinghe. Ang lahat ay kakampi sa kanila at hindi magsususpetsa na ito ay pakana nilang lahat.
So, ito pala ang plano nila… nakaramdam ng pagkabigo si Xinghe; mas mataas ang inaasahan niya mula sa mga ito. Hindi niya dapat na inasahan ng higit pa ang mga ito.
"Ikaw, Xia, sabihin mo sa amin, hindi mo ba inakit ang ama ko para talikuran kami?" Patuloy na pagtatanong ni Shen Ru.
Bago pa makasagot si Xinghe, galit na inanunsiyo ni Elder Shen, "Ano'ng kalokohan ba ang pinagsasasabi ninyong dalawa?! Sinabi ko na sa inyo na wala itong kinalaman kay Xinghe!"
"Lolo, sa tingin mo ba ay maniniwala kami diyan? Kahit si Xia Xinghe mismo ay inamin sa amin na sinadya niya na ipaputol sa iyo ang kaugnayan sa amin. Xia Xinghe, nangangahas ka bang sabihin itong muli sa lahat ng nasa silid na ito?"
"Bakit hindi ako mangangahas?" Itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay ng may interes at mabagal na nagpatuloy, "Oo, ako nga ang nagsabi kay lolo na putulin ang ugnayan sa inyong dalawa."
Nagulat ang buong madla. Kagagawan nga talaga niya! Paano niya nagawang maging malupit at walang hiya na magdemanda ng ganitong bagay? Gayunpaman, bakit makikinig sa kanya si Elder Shen at talagang puputulin nito ang ugnayan kina Shen Ru at Tong Yan dahil sa kanya? Hindi kaya may kakaiba talaga sa… pagitan nilang dalawa?
Agad na nagbago ang paraan ng pagtingin sa kanila ng mga tao sa silid. Tuwang-tuwa sina Shen Ru at Tong Yan. Ang katotohanan na inamin ni Xinghe ang kasalanan niya ng napakabilis ay halos magpatawa sa kanila ng malakas.