Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 720 - Ang Galit na si Elder Shen

Chapter 720 - Ang Galit na si Elder Shen

"Narinig naman siya ng lahat, tama? Ito ay dahil sa kanya kung kaya tumatanggi kaming tanggapin ni Lolo! Xia Xinghe, ano ba ang ginawa namin sa iyo kung kaya pinupuntirya mo kami ng may malisya? Sige, dahil napakalupit mo, hindi na kami magpipigil pa, mula sa sandaling ito, ako at ang aking ina ay gagawin ang lahat para matalo ka!" Agad na ipinasa ni Tong Yan ang sisi kay Xinghe.

Tanging sa paggawa nito ay magiging makatwiran ang mga gagawin nilang pagkilos laban kay Xinghe sa hinaharap. Kahit na ano pa ang gawin nila sa hinaharap, mapapatawad sila dahil sila ang mga inaapi. Ang lahat ay gusto ang kwento ng paghihiganti.

Nakuha ni Shen Ru ang hudyat at sinabi, "Xia Xinghe, napakatuso mo kahit na napakabata mo pa, isa ka talagang kumplikadong babae! Kapag hinayaan namin ang isang masamang tao na katulad mo na magpatuloy sa mundo, ay nakagawa kami ng kasalanan sa mundo! Ngayon, ibubunyag ka namin sa buong mundo; oras na para tanggapin mo ang kaparusahan mo!"

Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang kamay para sampalin si Xinghe—

Bago pa bumaba at tumama ang kanyang sampal, mahigpit na nahawakan ni Mubai ang kamay nito. Pinisil niya ang kamay nito at tinitigan ng masama ang mga mata nito. "Sa tingin mo ba ay isa siyang taong pwede mong hawakan?"

Nagulat si Shen Ru sa galit sa mga mata nito. "Pakawalan, pakawalan mo ako…"

"Get lost!" Nandidiring iwinaksi siya ni Mubai at binalaan, "Kung gusto mong mamatay ay sumige ka at subukan itong muli!"

Napatiling nahulog si Shen Ru sa sahig.

"Mommy!" Tumakbo si Tong Yan para saluhin ito. Sumigaw siya, "Security, inaatake ni Xi Mubai ang mga tao! Tumawag kayo ng pulis; inaatake ng Xi family ang mga tao!"

Nagmamadaling tumungo ang security pero wala silang magawa laban kay Mubai. Hindi ito ang taong maaari nilang kalabanin.

"Ano pa ba ang tinatayo-tayo ninyo diyan? Itapon na ninyo siya palabas agad kung hindi ay ipagpapatuloy niya ang pag-atake sa amin!" Nahihirapang tumayo si Shen Ru at mabalasik na iniutos.

"Sino ba dito ang agresibo?" Biglang sambit ni Xinghe habang malamig niyang tinititigan ang mga ito. "Naniniwala ako na ang lahat ng naririto ay nakita na ikaw ang nauna na pumunta para sampalin ako."

"Dahil bilang mas nakakatanda sa iyo, nasa akin ang karapatan para turuan ka ng leksiyon. Mali ba para sa akin na ituwid ka ng landas?" Balik na tanong ni Shen Ru.

Hindi na mapigilan ni Elder Shen ang kanyang galit. "Tama na! Ano ang pinaplano ninyo na sinisiraan ninyo ang pangalan ng isang mabuting tao na tulad ni Xinghe? Hindi lamang iyon, pati ako ay sinisiraan din ninyo! Hindi ko akalain na may ganito pala kayong pag-uugali!"

Galit na galit si Elder Shen; kinilabutan siya sa bago niyang natuklasan na ito. Tila ba nakikita niya ang mga ito sa unang pagkakataon, kung ano ba talaga sila. Maaaring nagalit sila sa kanya sa pag-abandona sa mga ito, pero hindi ito dahilan para sirain ang pangalan niya. Minahal niya ang mga ito ng ilang dekada at kahit na alam niyang parte sila ng Lin family at tinulungan ang mga ito, sinabihan pa nga niya ang pulisya na pabayaan sila.

Kailangan lamang niya ng oras bago niya matanggap ang mga itong muli, pero nagdesisyon ang mga ito na sirain ang pangalan niya dahil sa hindi niya pinapayagan ang mga itong bumalik sa Shen family. Kahit na nagagalit sila sa kanya, dapat ay hindi nila pinagdudahan ang pagkatao niya.

Hindi niya maiwasan kundi tanungin ang kanyang sarili, Talaga bang hindi nila alam kung anong klase ako ng tao?

Sa wakas, naintindihan na niya; kilala siya ng mga ito, pero sinasadya nilang gawin ang tsismis na ito tungkol sa kanya. Hindi tanga si Elder Shen, siyempre ay alam na niyang naghihiganti ang mga ito sa kanya.

Tulad ng inaasahan, ang galit niya ay walang nagawa para pigilan ang mga ito.

"Ama, paano mo nasabi ang isang bagay na tulad niyan sa amin?!"