Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 718 - Nakaturo kay Xia Xinghe

Chapter 718 - Nakaturo kay Xia Xinghe

Nagtaka si Elder Shen at ang lahat nang naroroon. Ano ang ginagawa niya?

Si Xinghe at Mubai, na nakatayo sa tabi ni Elder Shen, ay hindi nagpakita ng pagbabago sa kanilang emosyon. Pinanood nila ang mga ito ng may malamig na tingin.

"Ano ang ginagawa mo?" Mabilis na tanong ni Elder Shen kay Tong Yan.

Tumingin sa kanya si Tong Yan ng may namamasang mga mata na tila isang kawawang bata. "Lolo, hindi namin mapipili ng aking ina kung paano kami ipinanganak, pero mapipili namin ang aming pamilya. Pwede bang patawarin mo na kami? Alam na namin ang aming mga pagkakamali at inirerespeto ka bilang aming pinakamamahal na elder mula ngayon, kaya huwag mo na kaming abandunahin; hindi talaga namin maihiwalay ang aming mga sarili mula sa iyo, dahil ikaw ang pinakamalapit naming pamilya!"

Inisip ni Elder Shen na pinapahalagahan lamang ng mga ito ang pagkalinga niya sa mga ito sa piging na ito, iyon pala ay may hangarin pa din silang bumalik sa Shen family…

Hindi isang malupit na tao si Elder Shen. Natimo talaga siya sa mga sinabi nito, gayunpaman ay nangako siya kay Xinghe na pansamantalang putulin ang ugnayan sa mga ito. Para sa kapakanan ng huli niyang anak, hindi niya matatanggap ang mga ito pabalik sa Shen family.

Iniunat ni Elder Shen ang kanyang mga kamay para tulungang makatayo si Tong Yan at napabuntung-hininga. "Pakiusap ay tumayo ka na, tumigil ka na sa pagluhod."

"Hindi!" Matigas ang ulo na tumanggi sa kanya si Tong Yan. "Lolo, kapag hindi mo sinabi na pinatawad mo na kami ay hindi ako tatayo!"

"Ama, patawarin mo na kami!" Nagmamadali ding pumunta si Shen Ru para magmakaawa. Dahil sa palabas ng mag-ina, maraming tao ang hindi maiwasang mahabag at makisimpatya sa kanila. Ang ilan ay tumulong pa nga sa kanila na kumbinsihin si Elder Shen.

"Elder Shen, bakit hindi mo pa sila patawarin? Wala naman silang ginawang masama, kasalanan itong lahat ng Lin family at hindi nila alam ang tungkol dito, kaya hindi mo sila dapat na sisihin."

"Tama iyon, dahil ikaw naman talaga ang nagpalaki sa kanila, kahit na hindi mo sila kadugo, ang ilang dekada ng relasyon ay may halaga pa din, tama?"

'Lolo, pwede po bang patawarin mo na kami?" Mahigpit na hinablot ni Tong Yan ang kanyang braso at nagmakaawa ng may luha.

Nagsalita si Elder Shen matapos ang maikling katahimikan, "Ang totoo, hindi ko naman talaga sinisisi ang kahit sino sa inyo, kaya pakiusap ay tumayo ka na, hindi ko talaga kayo sinisising dalawa."

"Talaga?" Nasorpresa si Tong Yan. "Lolo, ang ibig sabihin ba nito ay handa ka nang tanggapin kaming muli?"

"Ama, payag ka nang tanggapin kaming muli sa pamilya? Payag ka nang tanggapin akong muli bilang anak mo?" May antisipasyong tanong ni Shen Ru.

Umiling si Elder Shen. "Maaari nating pag-usapan iyan mamaya. Ngayon ang kaarawan ni Little Yan; huwag nating sirain ang okasyon ng may mga mabibigat na detalye, kaya pakiusap ay tumayo ka na." 

Sa kanyang pagkagulat, bigla na namang umiyak si Tong Yan. "Lolo! Nagdesisyon ka nang tanggapin kaming muli ng araw na iyon, pero sa loob lamang ng ilang minuto, binawi mo ang mga salita mo. Bakit ganoon? Ito ba ay dahil sa kanya?"

Direktang itinuro ni Tong Yan si Xinghe. Bigla, ang atensiyon ay natuon kay Xinghe.

Hindi nasisiyahang napakunut-noo si Elder SHen. "Ano naman ang may kinalaman nito kay Xinghe? Huwag kang basta magbibintang ng ibang tao."

"Hindi ako nambibintang! Ito ay dahil sa kanya kaya nagdesisyon kang abandonahin kami. Noong araw na iyon, nangako ka na tatanggapin mo kaming muli, pero pagkatapos ng sikretong pagpupulong kasama siya sa study, bigla mong binawi ang mga sinabi mo. Kahit si Xia Xinghe mismo ay inamin na siya ang may pakana ng lahat. Pero hindi ko maintindihan, wala naman siyang bilang kundi siya lamang ang bago ninyong step granddaughter, kaya bakit nakikinig ka sa bawat salita niya. Hindi ko ito maintindihan. Sa puso mo, mas importante ba siya kaysa sa amin? Ito ba ay dahil may maibibigay siya sa iyo na hindi maibibigay ng pamilya natin?"