Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 715 - Ang Iyong Kabalyero

Chapter 715 - Ang Iyong Kabalyero

"Xinghe, paano sa tingin mo sila magkakakutsaba laban sa iyo sa piging?" Nag-aalalang tanong ni Ali.

Hindi nag-aalala si Xinghe, ang totoo ay sabik pa nga ito. "At least ay hindi nila ako papatayin sa umaga ng hayagan."

"Makakaisip kaya sila ng patibong para i-frame ka?"

"Sigurado."

"Kung ganoon, ay dapat nasa tabi mo ako sa lahat ng oras; hindi ako papayag na may masamang mangyari sa iyo!" Pangako ni Ali.

Ngumiti si Xinghe. "Huwag kang mag-alala, walang mangyayari sa akin. Nasa akin pa din ang kapangyarihan ng ahensiya; ang mga patibong nila ay mawawalan ng saysay laban sa akin."

Tumawa din si Ali. "Tama iyon, nakalimutan ko na ikaw ang bayolohikal na apo ni Elder Shen, kaya kahit na ano ang gawin nila sa iyo, mawawalan ito ng saysay. Isa pa, kahit si Madam Presidente ay kakampi mo."

Hindi inaasahan ni Tong Yan ang isang bagay na katulad nito, kaya naman ang piging na ito ay isang interesanteng palabas. Napagtanto ni Ali, mula ng sumunod siya kay Xinghe, ay nagkaroon siya ng sadistang pag-uugali, gustung-gusto niyang panoorin ang mga kalaban niya na nasasampal. Mas malakas ang sampal ay mas masarap sa pakiramdam niya. Kaya naman, bago pa magsimula ang piging, hindi na makapaghintay pa si Ali na magsimula ang sampalan.

Hindi nagtagal, ang araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Tong Yan ay sumapit na. Plano ni Xinghe na dumalo sa piging ng nakasuot ng pinakamaganda niya. Kahit na sa normal ay nais niyang manatiling low profile, may oras at lugar para sa lahat. Hindi siya maaaring pumunta sa normal na kasuotan kung hindi ay matatalo siya sa presensiya!

Para sa pagdalo sa piging na ito, nagpasadya si Xinghe ng isang ruby red na gown. Ang damit ay kumikislap na tila mga hiyas sa kanyang katawan. Kahit si ALi, na isang babae, ay nahihirapang alisin ang kanyang mga mata kay Xinghe nang isuot nito ang damit.

"Xinghe, paano ka naging sobrang ganda?! Napakaganda mo. Ang totoo niyan, kung lalaki lamang ako, ay nahulog na ako ng husto sa iyo!" Singhap ni Ali.

"Salamat. Handa na ba ang lahat?" Mahinang tanong ni Xinghe.

Tumango si Ali. "Oo, handa na ang lahat, maaari na tayong umalis ngayon!"

"Okay, tara na." Naihahakbang pa lamang ni Xinghe ang kanyang paa nang bumukas mula sa labas ang pintuan sa sala. Buong kumpiyansang pumasok si Mubai. Nagulantang sina Xinghe at Ali nang makita nila ito!

Hindi nila ito inaasahan na lilitaw ng bigla at nakasuot ng isang pormal at magarang kasuotan. Nakasuot ng isang mamahalin, at sinadyang tahiin ng kamay na suit, at ang buhok nito ay nakaestilo pa. Nagmukha itong isang prinsipe. Mula sa ulo hanggang sa talampakan, wala ni isang pulgada nito ang hindi nakakaagaw ng pansin. Isama pa ang kagandahang lalaki nito at nakakahangang pisikal na pangangatawan, tila ba nasa presensiya sila ng isang diyos.

Nakanganga si Ali at kahit si Xinghe ay natigilan.

Gayunpaman, mabilis siyang nakabawi. Nagpakawala siya ng hininga dahil sa pagkagulat, "Bakit ka naririto?"

Lumakad si Mubai patungo sa kanya at maginoong sinabi, "Paanong hindi ako naririto kung ako ang iyong kabalyero?"

"Kabalyero ko?"

Tumango si Mubai ng may malawak na ngiti. "Tama iyon. Ang isang binibini na tulad mo ay kailangang samahan ng kanyang kabalyero sa mga piging, at palagi akong narito para samahan ka."

Naiintindihan ni Xinghe ang ibig nitong ipahiwatig. Nandoon ito para suportahan siya. Oo nga naman, kakaiba para sa isang babae na dumalo sa isang piging na nag-iisa, kakailanganin niya ng isang ka-date.