Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 716 - Nararapat sa Isa’t Isa

Chapter 716 - Nararapat sa Isa’t Isa

Hindi masyadong mabusisi sa detalye si Xinghe, kaya naman nasorpresa siya na magiging maalalahanin si Mubai. Ito ay pagdalo lamang sa kaarawan ni Tong Yan, pero nilinis nito ang schedule para samahan siya; ang gawing ito ay tumimo sa kanyang puso.

"Ang ganda mo pero may kulang sa iyo." Bigla ay inilabas ni Mubai at binuksan ang isang lalagyan ng alahas. Nasa loob nito ay isang pares ng hikaw na ruby. Nagulat muli si Xinghe nang makita ang mga hikaw.

Si Ali na nasa kanyang tabi ay nasisiyahang napabulalas, "Ang gaganda naman ng mga ito! Xinghe, babagay ang mga ito sa iyo!"

Ang suot ni Xinghe ay talagang kulang sa aksesorya. Gulat na napatingin siya kay Mubai at nagtanong, "Paano mo nalaman na wala ako nito?"

Pilyong ngumisi si Mubai. "Dahil kilala kita masyado. Kaya naman inihanda ko na ang mga bagay na maaari mong makalimutan."

Ang isang date at alahas ang ibig niyang sabihin. May mga emosyong makikita sa mga mata ni Xinghe. May isa pang magulo ang emosyon na nasa silid, at ito ay si Ali. Tulad ng isang nagmamalaking ina, nakatingin ito sa kanila at natimo siya sa kung gaano sila kaperpektong tingnan na nakatayo ng magkatabi. Wala nang magkapares na mas compatible pa kaysa sa kanila. Pantay lamang sila kung ang pag-uusapan ay ang hitsura, utak, at talento. Perpekto ang komplimentahan nila sa isa't isa.

Nakaramdam ng swerte si Ali na naging kaibigan niya ang dalawang ito.

Personal na tinulungan ni Mubai na isuot ni Xinghe ang mga hikaw. Mas lalo siyang naging kaakit-akit na suot ang mga ito. Kahit na nakita na niya ito sa magagarang damit, pakiramdam ni Mubai ay pinapangapusan pa din siya ng hininga kapag pinagmamasdan niya ito.

Ang nakakapasong tingin niya ay sinuri ang bong katawan niya at nagreklamo, "Xinghe, talagang napakaganda mo. Pero, kailangan mo pa ba talagang dumalo sa piging na tulad nito?"

Sa ibang kadahilanan, nakaamoy ng selos si Ali.

Marahil ay mula ito kay Mubai na nagseselos sa iba na magkaroon ng tsansa na makita ang ganda ni Xinghe. Mas nanaisin siguro nito na masarili ang kagandahan nito.

Tumango si Xinghe. "Kailangan ko, kung hindi ay paano natin patitindihin ang pagkamuhi ng ilang tao hanggang sa sukdulan?"

Ngumiti si Mubai. "Kung gayon ay kailangang nasa tabi mo ako para protektahan ka. Tandaan mong huwag umalis sa aking tabi."

"Okay."

"Tara na." Inialok na ni Mubai ang kanyang bisig. Ngayong gabi, siya ang magiging kabalyero nito, ang papawi ng daan para sa kanya. Nandoon siya para maging kapares ng kanyang kinang, siya lamang ang magiging pangunahing karakter nang gabing iyon!

Payag siyang maging background nito hanggang pumapayag ito na ipakita sa kanya ang kanyang kagandahan. Tinanggap ni Xinghe ang inialok na braso ni Mubai at nagtungo na sila papunta sa piging.

Noong gabing iyon, si Tong Yan ay nakasuot din ng pinakamaganda niyang damit. Tulad ni Xinghe, ayaw din niyang matalo; gusto niyang daigin si Xinghe gamit ang kanyang presensiya. Gayunpaman, sa kanyang panghihilakbot, dumating si Xinghe na nakasuot ng mas magandang kasuotan kaysa sa kanya. Mayroon pa itong kasamang makisig na Xi Mubai sa tabi niya para lalong lumutang ang kanyang ganda.

Ang kanilang pagdating ay tila nagpatahimik sa buong bulwagan. Inakit nila ang atensiyon ng lahat. Mapa-lalaki o babae man, ang tingin ng mga ito ay nakatuon sa kanila. Ang totoo, halos lahat sa mga ito ay sanay nang makakita ng mga makisig na lalaki at magagandang babae at hindi na nadadala pa ng pisikal na atraksiyon, pero napahanga pa din sila nina Xinghe at Mubai.

Related Books

Popular novel hashtag