Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 713 - Aktibo Halikan Siya

Chapter 713 - Aktibo Halikan Siya

"Kakaunti lang ang pagpapahalaga mo sa akin?" Reklamo nito na parang bata, "Hindi mo man lamang ba ako tatanungin na manatili dito?"

Nanginig muli ang katawan ni Xinghe habang kinakagat na naman nito ang punung-tainga niya. Tinitigan niya ito ng masama at binalaan, "Huwag mo nang kakagatin ulit ang tainga ko."

Kapag nasanay na ito sa ganitong ugali, ay magiging mahirap ito para sa kanya.

"Okay." Itinaas ni Mubai ang kanyang mga kamay bilang pagsuko bago humilig para humalik. "Titigil ko na iyon pero ito na lang ang kapalit, ayos lang ba?"

Hindi makapagsalita si Xinghe.

"Hindi mo talaga gustong manatili pa ako?" Hindi nasisiyahang reklamo ni Mubai. Alam niyang kailangan niyang umalis pero gusto pa din niyang marinig na sabihin nito na gusto siyang manatili nito ng kaunti pa. Ito ang dapat na ikinikilos ng mga magsing-irog, at least sa kanya.

Nakita naman ni Xinghe ang nais nitong ipahiwatig at sinabi ng may giliw, "Kung gusto mong manatili, ay maaari kang manatili. Ano naman ang ipinagkaiba kung sasabihin ko ang mga salitang iyon o hindi?"

"Napakahalaga niyon sa akin." Mariin siyang tinitigan ni Mubai. "Gusto kong marinig sa iyo na hilingin akong manatili pa dahil ayaw mong mahiwalay sa akin."

Wala nang sinabi pa na kahit ano si Xinghe. Mataman niyang tiningnan ang hitsura nito ng isa o dalawang segundo bago humilig para halikan ito sa mga labi. Nanlaki ang mga mata ni Mubai sa pagkagulat, hindi niya inaasahan… na hahalikan siya nito ng kusang-loob!

Ang puso ni Mubai ay tila nakasakay sa rollercoaster na patungo sa langit. Pakiramdam niya ay nasa alapaap siya. Agad siyang tumugon at niyakap ito palapit. Ang kaninang pagpapaubaya nito ay naging agresibo at nagsimula na itong halikan siya ng malalim!

Nagulat si Xinghe sa karahasan at pagkasabik nito, kaya ang una niyang naisip ay ang tumakbo…

Gayunpaman, walang ibinigay na daan si Mubai para makatakas siya. Hinalikan siya nito ng matagal na oras. Pinakawalan lamang siya nito nang manhid na ang kanilang mga labi. Pakiramdam ni Xinghe ay kinakapos ng oxygen ang kanyang utak at maaari na siyang maparalisa. Matapos na pakawalan siya, nagsimula na siyang sumighap para sumagap ng maraming hangin…

Tila mas maayos naman ang lagay ni Mubai. Hinaplos nito ang kanyang likuran at bumulong sa isang nakakaakit na mababang tinig, "Kailangan ko na talagang umalis pero puntahan mo ako kung may kailangan kang kahit ano. At tandaan mo na alagaan ang kalusugan mo."

"Ikaw din," ganting-bulong ni Xinghe.

Ngumiti na nasisiyahan si Mubai. Idinagdag niya na tila ayaw pa na umalis, "Ano kaya at manatili pa ako ng kalahating oras, para naman may kaunting oras pa tayong magkasama na dalawa."

Tumango si Xinghe ng may ngiti, umiigi na ang pakiramdam niya. Ginugol nila ang kalahating oras ng tahimik na magkayakap!

Kahti na wala talaga silang ginawa o sinasabing kahit na ano, ang pakiramdam na nasa yakap ng isa't isa ay napakainam. Hindi naisip ni Mubai na magmamahal siya ng lubusan sa isang babae na ang kanyang mundo ay lumiliwanag sa bawat pagkakataong kasama niya ito. Inisip niya na ang kaligayahan ay hindi itinadha na hindi niya makamtan, pero talagang nasa bisig na niya ang mga ito…

Nakaramdam ng labis na kasiyahan si Mubai, at napagtibay nito ang kanyang kumbiksyon na protektahan ang relasyon nila at ganito din ang kay Xinghe.

Sa wakas, umalis na si Mubai. Kahit na hindi ito pisikal na nasa kanyang tabi, hindi siya nakakaramdam ng pag-iisa. Nararamdaman niya na pinoprotektahan siya at ligtas siya dahil alam niya na kahit ano pa ang mangyari, nasa tabi lamang niya si Mubai, na sinusuportahan siya.

Pinahahalagahan niya ang ganitong klase ng pagtitiwala. Pakiramdam talaga niya ngayon ay halos kumpleto na ang buhay niya, halos kumpleto dahil nawawala pa din dito ang kanyang ina. Kaya naman, gagamitin niya ang lahat ng kanyang lakas para makumpleto ang kanyang buhay.

Matapos na liwanagin ni Elder Shen ang kanyang intensiyon, ang pagkamuhi nina Shen Ru at Tong Yan kay Xinghe ay umabot na sa sukdulan. Kinamumuhian na nila ito dati, pero ngayon, ang gusto na ng mga ito ay mamatay siya!

Para sa kapakanan ng paghihiganti laban kay Xinghe, handa na silang ibigay at isuko ang lahat-lahat.