Ang kanilang layunin ay nagbago mula sa pagbabalik sa Shen family matapos na paghigantihan si Xinghe. Gayunpaman, wala namang pumupunta para tulungan sila. Ang Shen family ay pinutol na ang lahat ng ugnayan sa kanila at ang Tong family ay hindi lalabanan ang Xi family para sa kanila.
Ang posisyon nina Shen Ru at Tong Yan ay nasa alanganin na. Kahit na si Tong Yan ay eredera pa din ng Tong family, sa pangalan na lamang ito, hindi naman talaga nila ito kailangan. Kaya naman, ang tangi nilang maaasahan ay si Chui Ying.
Nagmula si Chui Ying sa isang nakakahangang pamilya at ang Shen family ay may utang na loob sa kanila, kaya naman siya ang pinakamainam na kandidata.
Wala naman kay Chui Ying na tulungan sila lalo na matapos na regaluhan siya ni Shen Ru ng mga mamahaling gamit.
"Pero kapag tinulungan ko kayong maghiganti kay Xia Xinghe, ang Shen family ay siguradong magkakaroon ng isyu doon at hindi na kayo tatanggapin pang muli," isinatinig ni Chui Ying ang kanyang pag-aalala.
Malamig na sinabi ni Shen Ru, "Kasalanan naman nila sa pag-abandona nila sa amin, kaya bakit naman kami mag-aalala tungkol sa kanila? Gawin mo na ang pinakamalala na magagawa mo, wala na kaming pakialam pa sa Shen family."
Tumango si Tong Yan ng may nanghahamak na ngiti. "Tama iyon, ano ba ang mabuti sa Shen family?! Ito ang hinahanap nila mula ng tratuhin nila kami ng masama. Ang totoo, perpekto nga ito kung magagawa mong mapabagsak ang Shen family kapag winasak mo si Xia Xinghe!"
Nagtangis ang mga ngipin ni Shen Ru ng may malisya. "Tama iyon, wasakin din sila! Kasalanan nila ito sa pagtalikod sa amin; pinuwersa nila kami, kaya sarili lamang nila ang dapat nilang sisihin!"
Nakita ni Chui Ying ang kanilang pag-uugali at nasisiyahang ngumiti. "Walang problema, tutulungan ko kayo sa paghihiganti sa kanilang lahat. Maghintay lang kayo, gagawin ko ang lahat para masira ang karangangalan ng Xia Xinghe na iyan at mawala sa kanya ang lahat!"
"Ying Ying, salamat ng marami sa iyo. Kahit na ano pa ang hilingin mo sa amin sa hinaharap, hindi kami mag-aatubiling tulungan ka," hinablot ni Shen Ru ang kanyang kamay at magiliw na nangako.
Hindi mapigilan ni Chui Ying ang mayabang na ngiti na gumuhit sa kanyang mukha. "Auntie Ru, masyado naman po ang kabutihan ninyo. Ito ang dapat kong gawin, kahit na ano pa ang kailangan ninyo, hindi ako mag-aatubiling tumulong."
"Pareho lang ito sa amin! Kung kailangan mo kami sa hinaharap, huwag kang mag-alinlangang magsabi!" Mariing sagot ni Shen Ru, at pinagtibay ang kanilang relasyon bilang magkakampi. Masaya siya na makakuha ng kakampi sa Chui family, dahil, maliban sa kanila, siya at si Tong Yan ay wala nang iba pang maaasahan sa mundo.
Salamat na lamang at hindi bumababa ang tingin sa kanila ni Chui Ying, nag-alok pa itong tulungan sila. Pinasaya nito ng husto sina Shen Ru at Tong Yan dahil inisip nila na nakakita sila ng tao na napakadaling kontrolin.
Ang hindi nila alam, kapag hindi sila nakatingin, nagpapakita ng isang kakaiba at mapagkalkulang ngiti si Chui Ying habang pinagmamasdan niya ang mag-ina.
…
Para tulungan sina Tong Yan at Shen Ru, nagdesisyon si Chui Ying na ipaghanda ng isang magarbong piging sa kaarawan niya si Tong Yan. Personal pang nagpunta si Shen Ru para imbitahan ang Shen family.
Noong una ay gusto nilang tanggihan ang imbitasyon, pero sinabi ni Shen Ru na gusto talaga nilang dumalo ang mga ito sa pagdiriwang, para mapasalamatan ang mga ito sa taon ng pagmamahal at pangangalaga sa kanila. Ang piging na ito ang magiging seremonya ng kanilang paghihiwalay, nangako siya na hindi na niya guguluhan pa sila matapos nito. Kapag hindi nila tinanggap ang imbitasyon, ay habambuhay na gagambalain nito ang mag-ina.
Gayunpaman, ang pinakaimportanteng dahilan ay iminungkahi din ni Xinghe kay Elder Shen na tanggapin ang imbitasyon. Siyempre, nangangahulugan din nito na nakatanggap din si Xinghe ng imbitasyon.
Kaarawan ito ni Tong Yan, pero bakit siya kasama sa listahan ng mga imbitadong panauhin? Halata naman na isa itong Hong Men Banquet*.
Gayunpaman, ito ang eksaktong kagustuhan at hinihintay ni Xinghe, ang kumilos sila!
** Hong Men Banquet
Ang tinutukoy dito ay ang isang pamosong pangyayari noong 206 BC nang ang magiging emperador sa hinaharap na si Liu Bang ay nakatakas sa tangkang pagpatay sa kanya ng kanyang karibal na si Xiang Yu.