Maya-maya, pinagsalop pa niya ang kanyang mga kamay sa likuran ng leeg nito, ang kanyang paraan ng pagtugon dito. Lalong lumalim pa ang halik ni Mubai matapos na tumugon ito…
Ito na marahil ang pakiramdam ng sinasabi nilang umiikot ang mundo. Habang inaatake ng kanyang katipan, pakiramdam ni Xinghe ay bumibigay na ang utak niya dito. Matapos ang tila habambuhay, sa wakas ay hiniwalayan siya ng lalaki ng may alinlangan at ibinaba na siya. Hinahabol pa din ni Xinghe ang kanyang hininga.
Nagtinginan silang dalawa at mayroong malalim na palitan ng pagmamahal at pagnanasa sa pagitan nila. Ang totoo, nakakatakot ang mga tingin ni Mubai, tila ba gusto nitong kainin siya ng buo.
Gayunpaman, sinisikil nito iyon!
Hindi pa ito ang tamang oras, hindi pa siya opisyal na nag-aalok ng kasal dito, kaya naman maghihintay siya. Gayunpaman, hindi niya mapigilan na hindi kagatin ang tainga nito at pilyong bumulong, "Patikim pa lamang iyan ng gagawin natin sa ating wedding night."
Nanginig si Xinghe at bahagya niyang itinulak ito palayo sa isang natatarantang paraan. Hindi niya pinangahasang salubungin ang tingin nito nang sabihin niya na, "Bakit bigla ka na lamang pumunta dito at hindi muna ako sinabihan?"
Nakita ni Mubai ang pamumula ng kanyang mukha at alam na nahihiya ito. Hinablot niya ito at sinabi ng may ngiti, "Gusto kong gawin itong sorpresa. Masaya ka ba na makita ako?"
Tumingin si Xinghe sa kanya pero hindi sumagot, ang mga romantikong salita ay hindi lumalabas sa kanyang bibig ng kasindali ng tulad kay Mubai. Kung sa normal ay may masasabi siya sa telepono, pero hindi niya magawang sabihin ito ng harapan.
Hindi na siya pinilit ni Mubai at nagpatuloy sa mahinang tinig, "Masaya ako dahil pakiramdam ko ang pagsasamang ito ay parang maraming taon ng pagkakawalay."
Hindi siya makahintay na makita ito nang malaman niyang lumapag na ito. Nagkalayo lamang sila sa isa't isa ng isang linggo, pero para sa kanya, tila ito ay pitong taon imbes na pitong araw. Ang totoo, nami-miss din siya ni Xinghe…
"Tama lamang na dumating ka, may gusto kasi akong pag-usapan nating dalawa," opisyal na sabi ni Xinghe. "May nalaman akong ilang sikreto."
"Ano ba iyon?" Naging seryoso na din si Mubai at naghandang makinig.
Tumitig si Xinghe sa kanya at sinabi, "Si Tong Yan ay may mabuting kaibigan na nagngangalang Chui Ying, siya ang pamangkin ng presidente ng Country R. Ang Chui family ay minsang nailigtas ang buhay ng Madam Presidente, kaya naman may malaki silang utang na loob dito. Ngayong dinala ni Tong Yan si Chui Ying para tulungan siyang makabalik sa Shen family, pero nasira ko ang mga plano nila…"
"Nararapat lang sa kanila iyon. Huwag kang mag-alala, kahit na gaano pa makapangyarihan ang katauhan ng babaeng iyon, poprotektahan kita." Inisip ni Mubai na natatakot ito sa mga mangyayari.
Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi tumawa. "Inakala mo ba na nag-aalala ako? Hindi iyon ang gusto kong pag-usapan natin, ang dapat na sasabihin ko sa iyo, si Chui Ying ay ang fiancé ni He Lan Qi."
Nagulat si Mubai. "Paano mo nalaman?"
"Hinack ko ang national registry database ng Country R," mabilis na sagot ni Xinghe, na ikinagitla ni Mubai. Hindi madali para kanino ang mang-hack sa database ng isang bansa, kaya paanong para itong naglalakad lamang sa parke pagdating kay Xinghe?
Ito ang katibayan ng kanyang kakayahan, ang isang bagay na naglalagay sa kanya sa ituktok ng iba pang pwersa.
"Pero ang balitang ito ay hindi pa alam ng publiko." Napakunut-noo si Mubai ng may pagtataka.
Tumango si Xinghe. "Oo, tinatrato itong sikreto ng pamilya, kaya naman ang suspetsa ko ay iilan lamang ang nakakaalam ng kanilang engagement."
"Siguro ay may ilang natatagong sikreto sa pagitan ng He Lan family at Chui family," mungkahi ni Mubai.
"Hindi ko din inaasahan na napaka-makapangyarihan nila, kaya naman magiging mahirap na pakitunguhan pa sila."