Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 712 - Kailangang Gamitin Ko Siya

Chapter 712 - Kailangang Gamitin Ko Siya

"Kahit na ibunyag natin sila, magkakaroon sila ng paraan para linisin ang pangalan nila," obserba ni Xinghe.

May alam na ngumisi si Mubai at tumikhin. "Hindi lamang iyon, naniniwala ako na ang Chui family ay kinokontrol din ng He Lan family."

"Bakit mo naman sinasabi iyan?" Tanong ni Xinghe.

Nagpaliwanag si Mubai, "Ang kasalukuyang presidente para sa Country R ay nasa kanyang pwesto ng dalawang taon pa lamang, pero kung teorya ang pag-uusapan, hindi siya dapat na naroroon. Ang Country R ay may dalawang pangunahing partido, ang mga konserbatibo laban sa demokratiko. Ang konserbatibong partido ay unti-unti nang humihina dahil ang karamihan sa mga mamamayan ay unti-unti nang pinipili ang ideolohiya ng mga demokratiko, ngunit habang nagkakaroon ng pilian dalawang taon na ang nakakaraan, ang mga konserbatibo ay biglang bumangon dahil sa suporta mula sa lahat ng mga pangunahing korporasyon. Kahit ang medya ay binibigyan din sila ng marami at positibong coverage. Mayroon din silang sikretong donor na tumulong sa Chui family na makuha ang pagkapresidente. Ngayong inilatag mo na ang lahat, maaaring may dahilan sa likuran ng pagkapanalo ng presidente at ang sikretong donor na ito ay posibleng ang He Lan family."

Naintindihan agad ni Xinghe ang lahat. "Ang He Lan family ang humihila ng tali sa likuran ng eksena at ang presidente ay ang kanilang puppet?"

"Nandoon ang posibilidad na ito."

Tumalim ang tingin ni Xinghe. "Mukhang marami pa tayong kalaban na kakaharapin sa pagkakataong ito."

Hindi nila maaaring pabayaan ang Chui family kung hindi ay magkakaroon pa sila ng problema kapag kinaharap na nila ang He Lan family. Gayunpaman, ang Chui Family ay ang magiging kapintasang ikamamatay nila.

Ngumisi si Xinghe. "Ituring na ni Chui Ying na minamalas siya dahil kailangan ko siyang gamitin."

Nakita na agad ni Mubai ang pinaplano niya. Ngumisi din ito. "Dapat lamang ito sa kanya dahil sa sumawsaw siya sa problema ni Tong Yan. Ang lahat ay patas sa pag-ibig at digmaan."

Hindi inilahad ni Xinghe ang kanyang plano ng detalyado pero mukhang naiintindihan na ni Mubai ang lahat. Kilala na talaga siya nito ng husto.

 Tama siya, kung hindi direkta at hayagang ipinakita ni Chui Ying ang inis niya kay Xinghe, ay maaaring pinalampas na lamang siya ni Xinghe, pero isa lamang siyang tatapakang bato para kay Xinghe na mapatumba ang He Lan family.

Siyempre, sa kung anong antas niya gagamitin si Chui Ying ay nakadepende ng lubusan kay Chui Ying. Kapag pinili nitong habulin si Xinghe ng may malisyosong intensiyon, tatapatan din siya ni Xinghe ng kaparehong intensiyon. Dahil hindi naman santa si Xinghe, wala siyang palalampasin na kahit sino!

"Naisaayos na ninyo ang plano?" Tanong ni Mubai.

Umiling si Xinghe. "Hindi pa, kailangan ko pang hintayin ang susunod nilang pagkilos muna. Siguradong hindi ako bibiguin ni Tong Yan, sana ay ganoon din ang Chui Ying na ito."

Ipinagdadasal niya na sana ay puntiryahin siya ng mga ito kung hindi ay mabibigo siya ng husto. Napansin na ni Mubai ang kakaibang ugali na ito ni Xinghe, hindi siya natatakot sa pagganti ng mga kaaway niya, kung anuman, ay mas ninanamnam pa nito ang mga ito.

Hindi na niya mapigilan ang ngumiti at nagtanong, "Sinabi mo na ba kay Elder Shen ang totoo?"

"Hindi pa, hindi pa ito ang tamang oras."

"Okay, naniniwala ako sa iyong pagpapasya." Pagkatapos ay muli siyang hinila ni Mubai para yakapin ulit. "Kailangan mo ba ang tulong ko?"

Lumambot ang tono ni Xinghe nang sumagot. "Salamat pero hindi na kailangan, maliit na bagay lamang ang mga ito. Kaya ko nang ayusin ang mga ito, maaari mo nang pagtuunan ng pansin ang mga negosyo mo. Kung kailangan ko ang tulong mo, pupunta ako sa iyo."

"Okay." Hindi na siya kinulit pa ni Mubai bagkus ay inirespeto ang kanyang desisyon. "Kung ganoon ay babalik na lamang ako mamaya."

"Magkita na lamang tayo noon." Tumango si Xinghe. Kahit na nalulungkot siya na aalis na ito, naiintindihan niya na may sariling oras na sinusunod ito.

Sa kanyang pagkabigla, biglang nginatngat ni Mubai ang kanyang tainga ng may kaunting inis.

Related Books

Popular novel hashtag