Chapter 709 - Kasintahan

"Tama iyon, napakasama talaga niya, tagalabas lang naman siya, kaya sino ang nagbigay sa kanya ng karapatan para hindi masiyahan sa akin? Ito ay sa pagitan namin ng Shen family, kaya ano naman ang karapatan niyang makigulo doon? Isa lamang siyang nakakasuklam na p*ta, dahil sa inampon lamang siya ni Auntie bilang stepdaughter, inakala niya na makukuha na niya ang lahat sa Shen family!" Reklamo ni Tong Yan ng may galit at kalungkutan.

Si Chui Ying, na pinoproklama ang sarili bilang isang mabuting tao, ay hindi matatagalan ang isang taong walang hiya. Si Tong Yan ang matalik niyang kaibigan, kaya siyempre, kailangan niyang makialam.

"Little Yan, huwag kang mag-alala, tutulungan kitang maghiganti sa kanya. Tutulungan kitang bawiin ang lahat at sisiguraduhin kong mawawala sa kanya ang lahat!" Buong tiwalang pangako Chui Ying at tumahan na si Tong Yan mula sa pag-iyak.

"Ying Ying, salamat, the best ka talaga!"

May kayabangang sabi ni Chui Ying, "Siyempre, isa pa, tanging ako lang ang makakatulong sa yo, kaya kung hindi ako ang tutulong sa iyo, sino pa ba?"

"Ying Ying, ikaw talaga ang the best, ang pinakamahusay sa mundo!" Nagsimula nang sumipsip si Tong Yan sa kanyang 'kaibigan' ulit. Kanina ay magkaibigan sila, pero ngayong bumaba na sa antas ng lipunan si Tong Yan, nasisiyahang pinauulanan ng awa ni Chui Ying ang dati niyang kaibigan. Si Tong Yan, siyempre, alam din ang tungkol dito. Ang totoo, sa loob-loob ni Tong Yan ay natutuwa pa siya dahil napapaikot pa niya ang kanyang 'kaibigan' sa kanyang mga daliri.

Matapos na babaan ng tawag si Tong Yan, nagsimula nang maghanap ng impormasyon si Xinghe tungkol kay Chui Ying. Si Chui Ying ay mula sa Country R at marahil ay may kaugnayan sa presidente ng Country R. Isa pa, may kaugnayan siya kay Tong Yan, kaya naman gustong malaman ni Xinghe kung magagamit niya ang babae bilang opening para tirahin ang He Lan family.

Dahil, ang dahilan kung bakit nakakagawa ng maraming bagay ang He Lan family sa Country R ay dahil sa malalim na kaugnayan nila sa politika ng Country R, at sa kasong iyon, marahil ay may kaugnayan ito sa kanilang presidente. Kahit na walang ganoong kaugnayan, intensiyon pa din ni Xinghe na gamitin si Chui Ying para mapalapit sa pinakamakapangyarihang tao sa Country R.

Ang mas maraming kakampi ay nangangahulugan ng mas malaking tsansa sa pagharap sa He Lan amily. Sa pagwakas, hindi palalampasin ni XInghe ang kahit na anong pagkakataon, kung ano pa man, ay tutulungan niya ang sariling makagawa ng pagkakataon. Ito ang dahilan kung bakit sinadya niyang galitin si Tong Yan para makita kung tutulong si Chui Ying o hindi. Kung idadamay nito ang sarili, ay magkakaroon ng mas mainam na pagkakataon si Xinghe dito.

Walang ideya si Xinghe kung gaano katama ang kanyang hinala. Nang inimbestigahan niya si Chui Ying, marami siyang nalamang mahalagang impormasyon.

Hindi lamang may kaugnayan si Chui Ying sa presidente ng Country R; ang presidente ang kanyang tiyuhin. Maliban doon, sa talaan ng mga mamamayan ng Country R, malinaw na nakalista doon na si Chui Ying ay isang babaeng engaged at ang kanyang kasintahan ay… walang iba kung hindi si He Lan Qi!

Nang makita ito ni XInghe, kahit siya ay nabigla. Pagkatapos ay nagsimula siyang matawa sa kakaibang sitwasyon na ito. Tila ba ang lahat ay nahuhulog na sa lugar, si CHui Ying ay tamang-tama na kasintahan ni He Lan Qi. Napakahirap paniwalaan na ang pagkakataon ay talagang nagkakatotoo.

Gusto lamang niyang malaman ang maraming bagay tungkol sa Country R sa pamamamagitan ni Chui Ying, pero mas marami pa siyang nakuha kaysa sa inaasahan niya. Kapag napalampas niya ang pagkakataong ito, siguro ay kinamuhian niya ang kanyang sarili, mabuti na lamang at palaging tama ang kanyang kutob. At palagi siyang naniniwala na hindi nauubusan ng oportunidad sa mundo, iyon ay tangi lamang na pinalalampas ang mga oportunidad sa kanilang mga palad.

Ang oportunidad na ito ay kanya, at sa sandaling iyon, ang tiwala ni Xinghe na mapabagsak ang He Lan family ay lalo pang tumaas!

Related Books

Popular novel hashtag