Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 710 - Limang Segundo…

Chapter 710 - Limang Segundo…

Kung hindi niya magagamit ang magandang oportunidad na ito, hindi nararapat sa kanya na kumilos pa ng higit doon. Kaya naman, oras na para ilunsad ang pag-atake. Nang ang plano ay naisalugar na, kinuha ni Xinghe ang kanyang telepono para tawagan si Mubai.

Hindi na siya makahintay na isiwalat ang lahat ng ito dito at pag-usapan ang mga detalye ng plano. Dati, kinailangang harapin ni Xinghe ang mundo ng mag-isa, hindi niya gusto, o magagawa niya na umasa sa kahit na sino, pero ang mga bagay ngayon ay iba na, nariyan na si Mubai para tulungan siya. Isa itong tao na kilala siya ng husto at mahusay na nakikipagtulungan sa kanya ng lubusan.

Ang tawag ay nasagot matapos ang dalawang ring. Ang masayang boses ni Mubai ay maririnig mula sa kabilang ibayo. "Tingnan mo nga naman ang pagkakataon dahil tatawagan pa lamang sana kita."

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng tuwa si Xinghe nang marinig iyon, marahil ay ang matatalino ay pareho ng naiisip…

"Ano ang ginagawa mo sa ngayon?" Tanong ni Xinghe ng may ngiti.

"Hindi naman seryoso, pero may pupuntahan para makita ang isang taong importante," sagot ni Mubai ng may bahid ng ngiti sa tinig nito. "Ikaw naman, ano ang ginagawa mo?"

"Wala namang importante din, pero may nakalap akong ilang mahalagang impormasyon. Sino ba itong importanteng tao na tatagpuin mo, iniistorbo ba kita? Kung masyado kang abala ngayon, tatawag na lamang ako mamaya."

"Magiging abala nga, pero palagi naman akong maglalaan ng oras para sa iyo, kaya sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin, ang oras ko ay nasa iyo," Magaang sambit ni Mubai.

Hindi na nais pa ni Xinghe na kuhanin ang oras nito, "Maaari naman natin itong pag-usapan mamaya, tapusin mo muna ang trabaho mo."

Alam niyang marami itong responsibilidad kaysa sa paluguran siya, kaya naman hindi na niya igigiit na ituon nito ng lubusan ang oras nito sa kanya. Hindi siya makasariling katipan. Para sa kanya, ang isang relasyon ay dapat na may bigayan, tanging sa pagrespeto ng pagkakasarilinan at responsibilidad ng isa't isa ay mananatiling balanse ang relasyon at magkakaroon ito ng pagkakataong lumago. Ganito tratuhin ni Mubai si Xinghe, hindi ito makikialam sa kanyang mga ginagawa hangga't hindi nito hinihiling o kung kinakailangan lamang ng sitwasyon.

Tumawa si Mubai. "Pero ang taong kakatagpuin ko ay may kaugnayan sa iyo. Nasa bahay ka ba? Bakit hindi mo buksan ang iyong bintana, baka may sorpresa para sa iyo?"

Nagulantang si Xinghe at buong antisipasyon ngunit may maiingat na hakbang na tumungo sa bintana. Hinila niya ang kurtina at nakita niya si Mubai na nakatayo sa harapan ng bahay. Nagtagpo ang kanilang mga mata at ang mukha ni Mubai ay kakikitaan ng malawak na ngiti habang kumakaway ito sa kanya.

Nagulat na nagtanong si Xinghe, "Bakit naririto ka?"

"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na may kakatagpuin akong importanteng tao? Bigyan mo ako ng limang segundo…" sabi ni Mubai habang nagmamadali itong tumungo sa mansiyon. Biglang nakaramdam ng adrenaline rush si Xinghe sa kanyang dugo. Pumunta siya para buksan ang pintuan nang bumukas ito mula sa labas. Ang nakakahangang pisikal na katawan ni Mubai ay makikita sa pintuan at ang matitiim nitong mga mata ay nakatitig sa kanya, gayunpaman, ay kakikitaan ng bahid ng panganib ang paraan ng pagtitig nito sa kanya, tulad ng isang mangangaso na tinititigan ang kanyang sisilain.

Naalarma ang utak ni Xinghe nang humilig ito at hinila siya para sa isang mahigpit na yakap!

Ang mga kamay nito ay diniinan ang likuran ng kanyang leeg para pigilan siya sa paglayo, at sa sumunod na sandali, ay nararamdaman niya ito na direktang humihinga sa kanyang bibig. Napupuno siya ng presensiya ng lalaking ito.

Mariin siyang hinahalikan ni Mubai. Nagulat siya sa biglang halik na ito at hinila ang damit nito dahil sa pagkagulat pero dahan-dahan siyang nag-relax. Gayunpaman, mabilis ang tibok ng kanyang puso, at ang utak niya ay tila isang bintana ng kotse na lumalabo tuwing malamig ang panahon…

Walang reserbasyon na hinalikan siya ni Mubai, at nawalan na ng kakayahan pang mag-isip si Xinghe. Tila isa siyang putik na nagpapaubaya sa mga bisig nito.

Related Books

Popular novel hashtag