Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 708 - Gumagawa Ako ng Pagkakataon para sa Aking Sarili

Chapter 708 - Gumagawa Ako ng Pagkakataon para sa Aking Sarili

"Pero Xinghe, ang palagi kong iniisip ay mas mataas ka pa kaysa sa mga walang kawawaang bagay na ganito, nagulat mo ako na ipaglalaban mo ang teritoryo mo ng ganoon kalupit!"

Nagtanong si Xinghe, "Sa tingin mo ba ay hindi ko dapat ito ginawa?"

"Hindi, huwag mong ipagkamali ang kahulugan ko! Gustung-gusto ko nga, dapat ay talagang ilaban mo ang mga bagay na pagmamay-ari mo! Xinghe, ang ganitong ugali mo ang gusto ko at inakala ko ay hindi mo na lamang papansinin si Tong Yan. Sino ang makakapagsabi na pinupuntirya mo din pala siya? Napahanga mo ako! Ginamit mo din ang paghahanap sa iyong ina bilang kalamangan para matuloy ang plano mo; may kaunting kasamaan nga, pero gusto ko ito!"

"Para maging patas, hindi naman ako talaga nagsinungaling kay Lolo," paglilinaw ni Xinghe. Naguluhan si Ali.

"Ang kahiligan ko kay Lolo na putulin ang ugnayan kina Tong yan at Shen Ru ay may kinalaman sa paghahanap sa aking ina. Isa itong sugal para makalikha ng pagkakataon para sa sarili ko, pero nakadepende ito sa kanilang reaksyon kung paano lilitaw ang mga pangyayari," malumanay na paliwanag ni Xinghe pero hindi pa din ito nakatulong na malinawan ang kalituhan ni Ali. Gayunpaman, nakukuha na niya ang plano.

Sinadya ni Xinghe na itakwil ni Elder Shen sina Shen Ru at Tong Yan para naman targetin si Xinghe dahil sa galit ng mga ito. Ayon kay Xinghe, isa itong plano na makakapatay sa dalawang ibon gamit ang isang bato. Hindi lamang nito ipakikita ni Elder Shen ang pangit na ugali nina Shen Ru at Tong Yan ngunit makakagawa din ng oportunidad para kay Xinghe na maipagpatuloy ang paghahanap sa kanyang ina.

Pero paano? Hindi makita ni Ali ang sagot kahit gaano pa niya paganahin ang utak niya. Hindi kalaunan ay hinayaan na lamang niya na si Xinghe na ang bahala sa lahat ng pagpaplano. Maaaring may dahilan ito sa paggawa ng ganitong kilos. Ang magagawa na lamang ni Ali bilang kaibigan nito ay suportahan ito ng lubusan!

Hindi nagtagal at ang plano ni Xinghe ay isinagawa na. Sa sandaling dumating sila sa Hills Residence, ang tawag ni Tong Yan ay dumating.

Ang sumisigaw na boses ni Tong Yan ay naririnig sa kabilang linya habang sinasagot ni Xinghe ang telepono.

"Xia Xinghe, p*ta ka! Ano ang sinabi mo kay Grandpa para tratuhin kami ng ganito? Bakit mo ako pini-frame? Ano ang motibo mo sa paggawa nito sa akin?"

Ang tinig ni Tong Yan ay napakalakas sa telepono na kahit si Ali ay naririnig ito. Kaharap ang baliw na ito, hindi man lamang natinag si Xinghe; inilayo lamang nito ang telepono sa kanyang tainga. Sa kabilang linya naman sumisigaw pa din si Tong Yan.

Hinayaan pa siya ni Xinghe na tumahol ng ilang sandali bago malamig na nagsalita, "At inakala ko na may kaunti ka pa ding utak, pero mukhang wala ka naman talagang utak gaya ng sabi nila."

Nagulat si Tong Yan sa biglang insulto. "Ano ang sinabi mo?!"

"Ano ang intensiyon ko? Madali lamang, ito ay dahil kinasusuklaman kita, kaya naman hayaan mong tanungin kita, bakit sa tingin mo ginawa ko ang bagay na iyon?" Sabi ni Xinghe ng may ngisi bago niya pinutol ang tawag.

Pakiramdam ni Tong Yan ay puputok ang mga ugat niya sa noo sa sobrang galit.

"Xia Xinghe, pangahas ka, p*ta ka?!" Alas, naibaba na ni Xinghe ang tawag at sumisigaw na lamang ito sa kawalan. Ang galit na galit na si Tong Yan ay itinapon sa dingding ang telepono at inakap ang mga bisig ni Chui Ying para umiyak ng husto.

"Ying Ying, ano ang dapat kong gawin? Kinamumuhian ako ng Xia Xinghe na iyon, kaya sinadya niyang tratuhin tayo ni Grandpa ng ganito. Nag-aksaya ako ng maraming enerhiya para tanggapin tayong muli ni Lolo, pero sinira niya ang lahat! Ying Ying, ang p*ta na iyon ay sinira na naman ang lahat, wala nang natira sa akin, ano ang magagawa ko…"

Nagagalit si Chui Ying para kay Tong Yan.

"Paano nagawa ng Xia Xinghe na ito ang bagay na ganito? Napakasama niya, mas mas makamandag pa siya kaysa sa pinakamakamandag na ahas! Sino ba siya sa akala niya na hindi man lang siya nakakaabot pa sa kalingkingan ng daliri mo?! Talagang iminulat niya ang aking mga mata dahil hindi ko alam na ang isang makamandag na ahas ay talagang nabubuhay na sa mundo dati pa!"