Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 707 - Nasampal ang Mukha ni Tong Yan

Chapter 707 - Nasampal ang Mukha ni Tong Yan

"Sino ba talaga ang masasampal na mawawalan na siya ng mukha para manatili pa?!" Mayabang na tugon ni Tong Yan.

Bigla ay nakaramdam ng awa si Ali para sa babae. Walang panama si Tong Yan para kay Xinghe, wala itong alam kung hindi ang magyabang. Gayunpaman, hindi aiya maiiligtas nito mula sa paparating na sakuna.

Ang isipin ang paparating na sampal sa mukha ni Tong Yan ay nagpatawa kay Ali. Gusto talaga niyang maiwan para mapanood ang palabas.

"Tara na." Gayunpaman, hindi interesado si Xinghe sa pagkapahiya nito at nagmamadali nang umalis.

Sinadya pang idagdag ni Tong Yang ang, "Xia Xinghe, sana ay natutunan mo na ang leksiyon na ito at huwag nang magtagal pa dito sa susunod!"

Malamig na tumikhim si Ali bago tumakbo na humabol kay Xinghe, nawalan na din siya ng interes na makitungo pa sa babaeng walang utak na ito. Ang inisip naman ni Tong Yan ay tumatakbo sila dahil sa kahihiyan at nag-uumapaw siya sa kaligayahan.

Sa pagkaktaong iyon, mabagal na lumabas ng study si Elder Shen. Hinablot ni Tong Yan ang braso nito at nakangiting nagsalita, " Grandpa, umalis si Xinghe nang hindi man lang nagpaalam. Tingnan mo kung gaano siya kabastos, gusto nating manatili siya para sa hapunan, pero ni hindi niya kami pinansin. Pero huwag kang mag-alala, sasamahan ka namin ni Ying Ying. Grandpa, bakit hindi mo hayaang manatili ako dito ng magdamag? Hindi pa ako nakakatigil sa tahanan natin ng matagal-tagal."

Nagawa nang sabihin ni Tong Yan na ang Shen family ay ang tahanan niya.

Gayunpaman, inalis ni Elder Shen ito at sinabi, "Hindi ko kailangan ang pagsama mo at huwag ka nang pupunta pang muli dito. Ako ang lolo mo sa nakaraan pero mananatili na lamang iyon sa nakaraan."

Nagulat si Tong Yan. Kahit si Chui Ying ay nasorpresa.

"Grandpa, ano ang sinasabi mo…" hindi makapaniwalang tanong ni Tong Yan. Hindi ba't nagiging maayos na ang lahat, at pumayag na itong tanggapin silang muli, kaya ano itong nangyayari ngayon?

Nagpatuloy si Elder Shen sa mariing tinig, "Ang sabi ko, huwag ka nang pupunta dito sa hinaharap dahil hindi na ako ang lolo mo. Mula sa sandali ito, ikaw at ang iyong ina ay wala nang kinalaman pa sa Shen family, kaya tumigil ka na sa pag-iisip na makakabalik ka pa!"

"Bakit?!" Nagsimulang sumigaw si Tong Yan. "Grandpa, bakit mo ginagawa ito sa akin? Gusto kong malaman kung bakit!"

"Ano ba ang dapat kong gawin, hindi ko mapigilang tumawa kapag naiisip ko ang mga sampal na dumadapo sa mukha ni Tong Yan ngayon." Nagsimula nang humalakhak si Ali pagkasakay nila sa kotse. Ang tanging pinagsisisihan niya ay hindi niya nakikita ito ng personal.

"Xinghe, bakit hindi mo sinabi kay Elder Shen ang katotohanan? Sa ganoong paraan, nasampal na natin sana si Tong Yan, at nakasigurado na hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon na makabalik sa Shen family," biglang tanong ni Ali.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Dahil alam kong hindi agad makakalayo ang Shen family mula kay Tong Yan at Shen Ru ng ganoon kadali."

"Ano ang ibig mong sabihin doon?" Nalilito si Ali.

Tumingin si Xinghe sa kanya at sinabi, "Kailangang makita ng Shen family ang mga pangit na parte nina Tong Yan at Shen Ru."

"Huh?"

"Malalaman nila na ito ay dahil sa akin kung kaya inabandona sila ng Shen family. Bubulagin ng pagkasuklam ang puso ng mga tao para gumawa ng mga tangang desisyon at ito ang kailangan ko mula sa mag-inang iyon."

Pahapyaw na nakuha ni Ali ang plano niya. "Ang ibig mo bang sabihin, gusto mong maghiganti sila sa iyo para makita ni Elder Shen ang tunay nilang mga ugali?"

"Tama iyon. Hindi maaaring magreserba ng espasyo ang Shen family para kay Shen Ru; ang mga anak ni lolo ay ang tiyahin at nanay ko lamang!" Mabilis na kumislap ang karahasan sa kaibuturan ng mga mata ni Xinghe.

Natigilan si Ali. Hindi makapaniwala na sinabi nito, "Ang inisip ko ay parte talaga ito ng paghahanap sa nanay mo. Wala akong ideya na inihahanda mo na ang lugar para sa kanyang pagbabalik."