Naipahiya ni Ali, galit na pinandilatan siya ni Tong Yan. "At sino ka naman? Ako ang unang eredera ng Tong family. Tinuturuan ko ng leksiyon ang mayabang na mapagpanggap na ito ng isang leksiyon sa buhay, kaya sino kang pangahas para sumabat sa akin?"
Napabunghalit ng tawa si Ali. "Napaka-ironic naman, wala kang alam kung sino talaga ang nagpapanggap. Sasabihin ko sa iyo, si Xinghe ang…"
"Stop." Itinaas ni Xinghe ang kanyang kamay ng bahagya para pigilan si Ali sa pagpapatuloy. Hindi alam ni Ali kung bakit pinipigilan siya ni Xinghe, pero masunurin itong nanahimik.
Inisip ni Tong Yan na sa wakas ay nasukol na niya ang mga ito kaya naman buong suklam niyang tinuya ang mga ito. "Bakit ka tumigil? Huwag mong sabihin na plano ninyong sabihin si Xinghe ang tunay na anak at ako ay hindi? Huwag ninyo akong patawanin, hindi ko man dala ang pangalan ng Shen, pero ang nanay ko ang tunay na anak ng Shen family at mas kwalipikado ako para nandito kaysa diyan kay Xia Xinghe, ang nagpapanggap lang. kaya huwag ka nang magpapakita pa dito dahil wala kang karapatan para kunin ang lahat ng dapat sa akin! Hindi ako papayag na magawa mo iyon!"
"Tapos ka na ba?" Kalmadong tanong ni Xinghe. Hindi siya apektado sa mga mapanirang salita ni Tong Yan; ni hindi niya sinalubong ng tingin ang mga mata nito.
Hayagang pinandilatan ni Tong Yan si Xinghe. "Tama iyon, tapos na ako! Kaya lumayas ka na, hindi ka tinatanggap ng malugod ng Shen family. Sina Grandpa, Grandma, at Auntie ay akin lahat; wala silang kinalaman as iyo! Kaya tumigil ka na sa pagiging walanghiya na magpunta at nakawin ang pamilya ko! Hindi sila sa iyo kaya lumayas ka na!"
Inisip ni Tong Yan na maipapahiya niya si Xinghe para umalis na ito, pero ni hindi man lang pinansin ni Xinghe ang presensiya nito. Tila ba nakikinig lamang si Xinghe sa tahol ng isang asong nauulol.
"Kung tapos ka na, ay umalis ka na. Wala ka na dun kung kwalipikado man ako na maging Shen o hindi, dahil siguradong ikaw ay hindi," mahinang sambit ni Xinghe bago ito pumasok sa pintuan.
"Ano ang sinabi mo?!" Tiningnan ni Tong Yan ng masama ang likuran nito. "Xia Xinghe, ikaw na p*ta ka, nangangahas kang pagsalitaan ako ng ganito? Ying Ying, tingnan mo kung paano niya ako tratuhin; siya ang kumuha ng lahat sa akin. Hindi lamang niya sinira ang buhay ko kundi ninakaw pa ang lahat sa akin. Ito ay dahil sa kanya kaya ayaw akong harapin ni Grandpa!"
Nagsimula nang umiyak si Tong Yan dahil sa sama ng loob. Napakalungkot niya…
Si Chui Ying na nakatayo sa kanyang tabi ay agad itong inalo, "Little Yan, huwag ka nang malungkot. Ang isang tulad niya ay siguradong hindi mo kakumpetensiya, kaya huwag kang mag-alala, tutulungan kita sa pagkakataong ito."
"Ying Ting, salamat! Napakabuti mo sa akin." Pilit na ngumiti si Tong Yan at niyakap ang kanyang kaibigan.
Bahagyang ngumiti si Chui Ying at sinadyang magsalita para marinig ni Xinghe, "Hindi na kailangan pang magpasalamat sa akin, dahil magkaibigan tayo. Responsibilidad kong kampihan ka. Halika na, pumasok na tayo. Tingnan mo at maghintay ka, siguradong tutulungan kitang makaganti."
"Okay!" Sabik na tumango si Tong Yan at kakikitaan ng kayabangan ang mga mata nito. Xia Xinghe, sa pagkakataong ito ay pahihirapan kita! Pangahas kang kunin ang lahat ng pag-aari ko? Sisiguraduhin kong ibabalik mo silang lahat sa akin ng may interes! Ang lahat ng nasa Shen family ay sa akin; ipapakita ko sa iyo ang katotohanang iyan!
Para maisagawa ang kanyang plano, hinila ni Tong Yan si Chui Ying patungo sa pintuan ng may kaba. Siyempre, narinig nina Ali at Xinghe ang usapan ng mga ito.
"Xinghe, ang babaeng kasama ni Tong Yan ay mukhang hindi simpleng karakter lamang," mahinang paalala ni Ali.
Bahagyang tumango si Xinghe. "Alam ko."