Marahil ay tutulong ang babaeng iyon kay Tong Yan na maghiganti kay Xinghe dahil hindi naman ngingisi ng may kayabangan si Tong Yan. Nagpunta ito ng nakahanda. Alas, kahit na sino pa ang kakampi na isama ni Tong Yan, ang relasyon ni Xinghe sa Shen family ay hindi na mauuga pa, at tutulungan niya si Tong Yan na maintindihan kung bakit may karapatan siyang maging parte ng Shen family!
Hindi na makapaghintay si Ali na magsimula ang sampalan. Kung hindi sila ginalit ni Tong Yan, siguro ay pababayaan na lamang nila ito. Pero dahil humihingi na naman ito ng makalumang paraan ng pananampal, wala silang pagpipilian kundi pagbigyan ito. Ang isipin ang mukha ni Tong Yan habang nasasampal ay nagpatawa ng malakas kay Ali.
Umaasa pa siya lalo na mas magiging arogante at hambog si Tong Yan, dahil lalo lamang mas matunog at malakas ang sampal sa mukha nito kapag nagkataon!
Nakakasiyang panoorin ang pananampal kay Tong Yan, na tila isang nakamot na lugar na makati na mahirap abutin.
…
Parehong pumasok na sa sala ng Shen Family sina Xinghe at Tong Yan, na parehong may malalim na iniisip.
Nang mapansin si Elder Shen na nakaupo sa sopa, agad na itinulak ni Tong Yan paalis si Xinghe at sinubukang sumipsip dito. "Grandpa, nandito ako para bisitahin ka! Kumusta na ang kalusugan mo ngayon, nasaan si Grandma, nandito ba siya sa bahay? Namimiss ko na kayo ng husto. Pumunta din si Ying Ying dito sa Hwa Xia dahil sa holiday, kaya naman isinama ko siya dito."
Dati ay hindi sinasabi ito ni Tong Yan. Napakabastos niyang bata kahit na kapag kaharap ang mga nakakatanda sa kanya. Gayunpaman, nagbago na siya at ngayon ay alam na kung paano sumipsip sa iba.
Walang interes na sinulyapan siya ni Elder Shen at binati nito si Chui Ying ng may bahagyang ngiti. "Ying Ying, napakatagal na, hindi ko na matandaan ang huling beses na nagpunta ka sa Hwa Xia."
Mabait na ngumiti si Chui Ying bilang tugon. "Dalawang taon na ang nakalipas mula nang magpunta ako sa Hwa Xia. Malapit na ang kaarawan ni Little Yan, kaya naman sinadya kong ipagdiwang ito ng kasama siya at dumalaw sa iyo habang nandito ako."
"Mabuti, mabuti." Tumango si Elder Shen.
Matapos nito, ang mga mata niya ay natuon kay Xinghe at ang mukha niya ay nakitaan ng sorpresa at magiliw na ngiti. "Nakabalik na din si Xinghe? Halika at mabilis kang maupo. Kumusta ang iyong paglalakbay? Sana ay hindi ka masyadong nahirapan. Bakit hindi mo sa akin sinabi na babalik ka na? Sana ay naipasundo man lang kita."
"Ayos lang, umalis ako ng wala man lang pasabi eh," sagot ni Xinghe ng may ngiti at ang mga mata niya ay hindi maiwasan na hindi tumingin ng may giliw kay Elder Shen. Dati, hindi siya nakakaramdam ng hayagang ugnayan dito, pero ngayong alam na niya ang katotohanan, may pagpapahalaga na siya sa kanyang bagong pamilya. Dahil, ito ang kanyang lolo, ang kanyang kadugo at kapamilya.
Walang pamilya si Xinghe mula sa henerasyon ng kanyang lolo, ngayong bigla siyang nakakita, hindi niya maiwasang hindi maramdaman na pinagpala siya.
Nararamdaman ni Elder Shen ang pagmamahal at respeto na ipinahahayag sa kanya ni Xinghe at agad na guminhawa ang kanyang pakiramdam, hindi na niya iniinda pa ang biglang pagdating ni Tong Yan.
"Bakit nakatayo ka pa? Maid, ilabas ang tsaa at mga biskwit. At simulan na din ninyo ang paghahanda ng hapunan, tandaan ninyong ihanda ang mga paboritong pagkain ni Xinghe," masayang utos ni Elder Shen sa katulong.
"Yes, sir." Tumango ang katulong at umalis na para maghanda.
Bumaling si Elder Shen kay Xinghe ng may magiliw at masayang ngiti. "Xinghe, kung may hinahanap ka, sabihin mo sa akin, ipapahanda ko ang mga ito para sa iyo."
"Okay." Tumango ng may ngiti si Xinghe. Ang kanyang puso ay napuno ng init. Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti kay Elder Shen.
Si Tong Yan, na nakita ang mga itong nangyayari sa kanyang harapan, ay agad na napuno ng inggit at galit!