Kapag armado na ng sapat na impormasyon ay saka lamang makakagawa ng plano si Xinghe para masira na ang mga ito ng tuluyan!
Siyempre, kahit na nakabalik na siya sa Hwa Xia, ay makakapagpatuloy na makaisip ng paraan kung paano pakikitunguhan ang mga ito, pero ang pinakaimportanteng bagay na kailangan niyang gawin ay magmadali na pumunta sa Shen family, para ipaalam sa kanila ang totoo, lalo na ang katotohanan na ang kanyang ina ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family.
Kaya naman, ang eroplano ni Xinghe ay hindi lumapag sa City T kundi sa City A. Matapos lumapag, nagmamadali siyang tumungo sa bahay ng Shen family. Si Ali lamang ang sumunod sa kanya sa pagbabalik niyang ito. Si Sam at ang iba pang lalaki ay nanatili sa Country R para protektahan at tulungan si Ee Chen sa pangangalap ng mga impormasyon tungkol sa He Lan family.
Sa loob ng kotse, sabik na sabik si Ali na tila siya ang may kaugnayan sa Shen family at hindi si Xinghe. "Xinghe, sa tingin mo ba ay hihimatayin si Elder Shen sa sobrang kasiyahan kapag nalaman niyang ikaw ang bayolohikal niyang apo?"
Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Umaasa ako na sana ay hindi."
"Alam ko na magiging sobra ang kanyang saya at mamahalin ka pa ng husto. Tinatrato ka na niya ng mabuti kahit na hindi niya alam na magkadugo kayo, kaya naman magiging isa itong mabuting balita para sa kanya. Napakaliit ng mundo, sigurado ako na walang makakaisip na talagang may kaugnayan ka sa kanila…" napabuntung-hininga si Ali ng may kasiyahan; masayang-masaya siya para kay Xinghe. Marahil ay naimpluwensiyahan ni Ali, nagsimula na ding makaramdam ng kasabikan at kaba si Xinghe. Ang totoo, wala siyang ideya kung paano magrereact si Elder Shen at ang iba pang miyembro ng Shen family…
Alam niyang masaya siya dahil sa wakas ay nahanap na niya ang kapamilya ng kanyang ina at magkakaroon pa siya ng mas maraming kapamilya na mamahalin sa mundo. Tatratuhin niya ang Shen family tulad ng pagtrato niya kay Xia Zhi at sa kanyang tiyo. Maraming bagay ang napaka-walang kasiguraduhan sa mundo, pero ang pagiging magkadugo ay isang eksepsyon dahil ang dugo ay mas matimbang kaysa sa tubig.
…
Sa wakas, dumating na sila sa may pintuan ng Shen family. Sa ikinagulat ni XInghe, may isa pang panauhin noong araw na iyon. Ito ay si Tong Yan!
Tulad ng nasa pelikula, ang kanilang mga kotse ay nagmula sa magkasalungat na direksiyon ng daan at tumigil ng sabay sa harapan ng entrada. Bumaba si Xinghe mula sa kanyang kotse at nakita si Tong Yan na bumababa din sa sarili nitong kotse. Nasa tabi niya ang isang bata at magandang babae na hindi pa nakikita ni Xinghe.
Agad na bumangon ang galit sa mga mata ni Tong Yan nang makita si XInghe. Matapos na tanggapin ng Madam Presidente si Xinghe bilang kanyang stepdaughter, wala nang naramdama si Tong Yan kay Xinghe kundi galit at inggit. Hindi lamang sinira ni Xinghe ang kanyang buhay kundi kinuha pa nito ang papel niya, kaya paano niya hahayaan na lamang ito?!
Kaya naman, hindi mapapatawad ni Tong Yan si Xinghe hanggang may hininga pa siya at gagawin niya ang lahat para pahirapan ang buhay ni Xinghe.
Ang isang taong kasing mainitin ang ulo at wala sa katwirang tulad niya ay natural na lamang na hindi mapipigilan ang kanyang galit at inis nang mapansin niya si Xinghe. "Kababalik lamang mula sa ibang bansa at ang unang ginawa niya ay pumunta para sumipsip sa aming Shen family. Xia Xinghe, huwag mong isipin na dahil lamang sa tinanggap ka ni Auntie bilang stepdaughter niya, ay isa ka na talagang parte ng Shen family. Tingnan mo ng maigi ang sarili mo at malaman mo na hindi ka kwalipikado na dalhin ang pangalan ng Shen! Kung matalino ka, dadalhin mo na ang sarili mo palayo sa pamilya ko at titigilan mo nang idikit ang sarili mo sa amin, dahil nakakahiya ito para sa amin!"
Ang unang bagay na lumabas mula sa kanyang bibig ay isang bagay na napakapangit tingnan, kaya naman galit na sumagot si Ali, "Sino ka ba sa tingin mo na nagagawa mong magsalita kay Xinghe tulad niyan?!"