Chapter 691 - Magkadugo

So, ang sarili pala nito ang tinutukoy niya. Napuno ng tamis at kasiyahan ang kanyang niloloob. Hindi siya emosyonal na tao; ayaw na ayaw niyang ipapakita ang mga tunay niyang emosyon, pero ang minsang pag-amin ni Mubai ay palaging nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

Inaamin na niya na alam nito ang paraan para makuha ang puso niya. Ang pagsubok nito sa romansa ay palaging tumitigil bago pa man siya hindi maging kumportable. Marubdob ito pero hindi nakakagipit. Sa relasyong ito, maganda ang ginagawa ni Mubai, pero napagtanto ni Xinghe na ang isang relasyon ay nagbibigayan. Hindi niya dapat asahan na si Mubai lang ang magbibigay sa lahat. Kailangan din niyang tumugon dito.

Gayunpaman, hindi niya magawang magsabi ng mga mabulaklak na salita, kaya naman magiliw niyang idinagdag na, "Naiintindihan ko, ang totoo ay gusto ko na ding bumalik ng mas maaga sa lalong madaling panahon."

Bilang isang taong may lubos na pagkakaintindi dito, naiintindihan na ni Mubai ang mga salitang hindi nito masabi. Nami-miss din siya nito. Hindi na niya ninanais pa ang mga mabulaklak na salita dahil ang katotohanan na naiisip din siya nito ay higit pa sa sapat sa kanya.

Sumagot si Mubai sa isang nasisiyahan at kuntentong tono, "Okay, hihintayin kita, alagaan mo ang sarili mo diyan."

"Okay, ibaba ko na ang tawag ngayon, huwag ka nang magpupuyat."

"Good night," magiliw na sabi ni Mubai. Matapos na ibaba ni Xinghe ang tawag, ibinaba na niya ang telepono nang may malawak na ngiti. Si Xinghe, sa kabilang banda naman, ay nakangiti din.

Gayunpaman, ang isipan niya ay agad na napunta sa DNA test. Paano kung si Mom nga talaga ang ikalawang Shen Miss?

Kahit na ang isang henyo na tulad niya ay hindi masasagot ito ng may buong kumpiyansa.

Si Xinghe at ang iba pa ay nagpunta na sa DNA lab para isagawa ang pagsusuri kinabukasan. Pinili ni Xinghe ang pinakamabilis na pagsusuri, na siyang makakapaglabas ng resulta matapos lamang ang ilang oras. Nanatili sila sa lab para hintayin ang resulta.

Habang naghihintay sila, tumawag si He Lan Qi para tanungin ang lokasyon nila at imbitahan siya na mananghalian pero tinanggihan siya ni Xinghe. Ang He Lan Qi na ito ay ginagamit lamang siya para lansihin at maantala ang progreso niya. Nakita na ni Xinghe ang binabalak nito kaya naman mas nag-iingat na siya dito.

Matapos niyang putulin ang usapan kay He Lan Qi, nakatanggap naman ng tawag si Xinghe mula kay Ee Chen.

"Miss Xia, nasaan ka? Kailangan kita, makakalabas ka ba ngayon?" Direktang sabi ni Ee Chen.

Nagtaka si Xinghe. "Importante ba talaga ito? Nasa kalagitnaan ako ng isang bagay ngayon na hindi ako makakaalis agad."

"Ipagpaumanhin mo kung naistorbo kita, makakapaghintay naman ako, bakit hindi mo na lamang ako tawagan kung tapos ka na sa ginagawa mo?"

"Okay," pangako ni Xinghe bago niya ibinaba ang tawag. Wala siyang ideya kung bakit kailangan siya ni Ee Chen, pero hindi talaga siya makakaalis sa sandaling iyon. Kailangan niyang hintayin ang resulta at makita ito ng sarili niyang mga mata. Kaya naman hindi man sadya, nag-aalala siya ng husto tungkol dito.

Ang grupo ni Ali ay mas kakikitaan ng interes tungkol dito.

Sa wakas, matapos ang ilang oras, ang resulta ay nailabas na!

Ang doktor ay naglakad patungo kay Xinghe na hawak ang resulta ng pagsusuri. Sa ibang kadahilanan, naramdaman na ni Xinghe na alam na niya ang resulta nang magsalubong ang tingin nila.

Tulad ng inaasahan niya, tumigil sa kanyang harapan ang doktor at sinabi, "Binabati kita, ang dalawang sample ay magkadugo, isang grandparent at apo na relasyon kung susumahin."

Related Books

Popular novel hashtag