Nanlaki ang mga mata ni Xinghe sa pagkabigla. "Ano ang sinabi mo?"
Kahit na inihanda na niya ang kanyang isipan, nang makumpirma niya ito, hindi pa din siya makapaniwala. Talagang may kaugnayan siya sa Shen family!
Ang kanyang ina ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family. Hindi makapagsalita si Xinghe sa sobrang pagkabigla.
"Totoo ba ito?!" Bulalas ni Ali na halatang natuwa sa sorpresa. Ang sorpresang nadama niya ay naramdaman din ng iba pa.
Tumango bilang kumpirmasyon ang doktor. "Totoo ito. Magkadugo sila, heto ang resulta."
Ipinasa ng doktor sa kanila ang resulta na agad namang tinanggap ni Xinghe at mabilis na binasa…
Totoo nga ito, may kadugo nga niya si Elder Shen. Lolo niya ito at siya naman ay apo nito. Ang kanyang ina ang ikalawang Shen Miss.
Sa wakas ay nakakita na siya ng mas maraming impormasyon tungkol sa kanyang ina, ang lahat ay parang hindi kapani-paniwala para kay Xinghe.
"Xinghe." Nakatingin sa kanyang may pag-aalala si Ali. "Ayos ka lang ba?"
Nakabawi na mula sa kanyang pagkabigla si Xinghe at mahinang sumagot, "Ayos lang ako."
"Hindi ka ba masaya?" Tanong sa kanya ni Ali dahil ang reaksiyon nito ay napaka kalmado, hindi talaga nila malaman kung ano ang nararamdaman nito.
Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Hindi, masaya ako. Totoo."
"Mabuti, dahil maligaya ako para sa iyo." Tumawa si Ali.
Sumabat si Sam. "Xinghe, binabati kita! Nahanap mo na ang pamilya mo."
"Tama iyon, binabati ka namin," puno ng sinseridad na dagdag nina Cairn at Wolf.
"Salamat sa inyong lahat," sabi ni Xinghe ng may ngiti. "Kung hindi sa maganda ninyong ideya, hindi natin dapat na nagawa ito."
Kung nandoon siya ng mag-isa, hindi siya maghihinala na ang kanyang ina ang ikalawang anak na dalaga ng Shen family, dahil naman sa isa na itong nakakasawang cliché. Gayunpaman, minsan ang buhay ay mas kakaiba kaysa sa kathang-isip.
Marahil ang lahat ay nakasulat na sa mga bituin para kay Xinghe sa paglalakbay na ito para mahanap ang kanyang ina at matuklasan ang katotohanan. Habang hawak ang resulta sa kanyang mga kamay, ang determinasyon ni Xinghe na mahanap ang lokasyon ng ina ay lalong sumidhi!
Dahil, ang taong hinahanap niya ay hindi lamang ikalawang anak na babae ng Shen family kundi ina din niya—
May pagkasabik na nag-anunsiyo si Xinghe, "Babalik na tayo bukas sa Hwa Xia, kailangan na nating masabihan ang Shen family ng tungkol dito."
"Agreed!" Tumango si Ali at ang iba pa. Kahit na ano pa ang napagpasyahan ni Xinghe, susunod sila dahil nandoon sila sa utos ng presidente ng Country Y na protektahan ito kahit na ano ang mangyari.
Sa madaling salita, si Xinghe ay hindi lamang ang kinakapatid ng presidente ng Country Y ngunit siya din ang pamangkin ng Madam Presidente ng Hwa Xia. Siya na talaga ang isa sa pinakamakapangyarihang babae sa buong mundo, pati na ang pinakamatalino.
Gayunpaman, para kay Ali at sa iba pa, mas higit pa siya doon. Natutuwa sila na nagkaroon sila ng kaibigang tulad nito. Kahit na wala pa ang mahigpit na utos ng presidente, ibibigay nila ang buhay nila para protektahan at tulungan si Xinghe.
Nagdesisyon sila na tumulong na hanapin ang kanyang ina at pakitunguhan na din ang He Lan family sa prosesong ito.