Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 687 - Hindi Nagmula sa Ampunan

Chapter 687 - Hindi Nagmula sa Ampunan

Nagulat si Ee Chen. "Ang ibig mo bang sabihin ay puntiryahin ang He Lan family?"

"Tama iyon." Patuloy ni Xinghe na tila pang-araw-araw na lagay lamang ng panahon ang kanilang pinag-uusapan, "Tanging pagsukol lamang sa kanila natin makukuha ang impormasyong kailangan natin mula sa kanila."

Lalo pang nagulat si Ee Chen, hindi dahil sa tiwala nito sa sarili kundi sa kagustuhan nitong magtiwala ng husto sa kanya. Hindi ba ito nag-aalala na nagsisinungaling siya dito?

Napasinghap si Ee Chen. "Pinaniniwalaan mo ang lahat ng sinasabi ko?"

"Bakit hindi ba dapat?" Nagtatakang tanong ni Xinghe.

"Hindi ka ba natatakot na baka nagsisinungaling lang ako at magiging dahilan ito ng kapahamakan ng isang inosenteng pamilya?" Isinatinig ni Ee Chen ang alinlangan ng kanyang puso. Normal na sa kanya ang magkaroon ng ganoong mga kaisipan, kahit sino ay ganito din ang maiisip.

Gayunpaman, nasorpresa siya sa sagot ni Xinghe. "May sarili akong paghuhusga. Mula nang pinili kong makipagtulungan sa iyo, natural lamang na may karampatang antas ng tiwala akong ibibigay sa iyo."

"Pero, dati na kitang trinaydor…"

"Kung hindi ko inisip na katiwa-tiwala ka, hindi tayo magkakaroon ng ganitong usapan."

Direktang tumingin sa kanya si Ee Chen at ngumiti. "Ang totoo, inaasahan ko na hindi ka na magtitiwala pa sa akin, kaya naman nagpapasalamat ako sa tiwala mo."

Hindi niya basta-basta pagtitiwalaan ang sinuman, alo na ang isang tao na nagtraydor na sa kanya dati tulad ng ginawa niya, kaya naman malaki ang tiwala niya sa kagustuhan nitong maniwalang muli sa kanya.

"Gayunpaman, ito na ang huling pagkakataon na ibibigay ko sa iyo," mahinang dagdag ni Xinghe.

Tumango bilang pangako si Ee Chen. "Huwag kang mag-alala, hindi na kita bibiguin sa panahong ito!"

Kung ginawa nga niya, hindi na siya mapapayagang maging parte ng buhay nito, at ang mapalapit sa isang taong kasing liwanag nito ay isang pagkakataon na pakiramdam ni Ee Chen ay hindi niya dapat na isuko. Kaya naman, sumumpa na si Ee Chen na lubusan nang magiging tapat dito mula ngayon. Nagpatuloy pa sila sa kanilang pag-uusap, at nagpalitan ng impormasyon.

Matapos niyon, nagsimula na siyang magplano laban sa He Lan family. Hindi na siya makakapaghintay; kailangan na niyang malaman ang puno't dulo ng lahat sa lalong madaling panahon. Gusto na niyang makita ang kanyang ina at ang nawawalang si Miss Shen!

Hahanapin niya ang dalawang ito!

Matapos magpaalam kay Ee Chen, giniya ni Xinghe sina Ali at ang iba pa pabalik sa ospital. Kinuha niya ang lahat ng impormasyon ng mga taong nagpunta doon para magpakuha ng DNA test at bumalik sa kanilang hotel.

Nagtanong si Ali, "Xinghe, bakit mo ba iniimbistigahan ang mga taong ito? Ang kanilang DNA ay hindi tumutugma sa dinala mo, hindi ba? O baka naman pinagdududahan mo na ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay kasama sa mga taong ito?"

Umiling si Xinghe. "Hindi, hindi iyon."

"Kung ganoon ay bakit mo ito ginagawa?" Kulit ni Ali.

"Hindi ko masabi sa ngayon, pero malalaman ko kapag natapos ko na ito," ang sagot ni Xinghe ay nagpalito sa kanila pero hindi nila ito pinagdudahan o inistorbo siya dahil palagi niyang napapatunayan ang kanyang sarili sa bawat pangyayari. Kaya naman, marahil ay may dahilan ito na gawin ang mga bagay na ito.

Sa mga nakalipas na araw, mayroong ilang daang babae na nagpunta para magpasuri ng kanilang DNA. Hindi na sila inisa-isa ni Xinghe pero namili na lang ng kung sino, at ang resulta ay nakumpirma ang kaniyang pagdududa.

Wala sa mga babaeng inimbestigahan niya ay pinalaki sa ampunan ng He Lan family!