Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 685 - Inisip ko Na Ang Nanay mo Iyon

Chapter 685 - Inisip ko Na Ang Nanay mo Iyon

"Okay!" Mas naging seryoso at matulungin si Ee Chen.

Tinitigan niya si Xinghe at nagtanong, "Gayunpaman, bago ang lahat, gusto kong malaman, paano ka nagkaroon ng kaugnayan sa He Lan family?"

Gumanti din ng tanong si Xinghe, "Paano mo nalaman na nakikipagtulungan ako sa kanila?"

Hindi sinasabi ng publiko na ang He Lan family ang tumutulong sa paghahanap ng ikalawang anak na babae ng Shen family. Ang katotohanang ito ay nangangahulugan na sinusundan ni Ee Chen ang mga galaw ng He Lan family.

Kinumpirma ito ng sagot ni Ee Chen. "Dahil iniimbestigahan ko sila. Isa pa, napakaraming media outlet ang kumikilos; hindi na mahirap isipin kung sino ang nasa likuran ng mga bagay na ito."

"Tama ka, sila ang nag-iimpluwensiya sa lahat ng ito. Ang kaugnayan ko sa kanila ay dahil sa may babae akong hinahanap at ang babaeng ito ay isang bata na nagmula sa bahay-ampunan ng He Lan family," matapat na sagot ni Xinghe. "At nagmula siya sa kakaibang background kaya naman pumayag ang He Lan family na tumulong."

"Sino siya sa iyo?" Pinanatili ni Ee Chen ang pagsalubong ng tingin dito at nagtanong.

Napaatras si Xinghe sa nakakapagtakang tanong na ito pero sumagot pa din siya, "Wala siyang relasyon sa akin pero, tulad ng sinabi ko, may kakaiba siyang katauhan."

Nasorpresa si Ee Chen. "Ang inisip ko ay may kaugnayan siya sa iyo, na parang nanay mo ba ito o kung ano. Pero kung wala siyang kinalaman sa iyo, paano ito nagkaroon ng kaugnayan sa He Lan family?"

Lalong nagulat si Xinghe. "Ano ang ibig mong sabihin diyan?"

Napansin ito ni Ee Chen at nalaman na wala pa din itong alam sa maraming bagay.

"Hindi mo ba alam na ang Project Galaxy ay may kinalaman sa He Lan family?" Tanong niya.

Tumango si Xinghe. "Alam ko, pero wala akong ideya sa ganitong paraan."

"Kung ganoon ay bakit ka naghahanap?" Hindi maintindihan ni Ee Chen. "Ang inisip ko ay dahil sa may ilan kang impormasyon at kaya ka nandito para magsagawa ng paghahanap."

"Nalito mo na ako." Sa bandang huli ay napakunut-noo si Xinghe. "Bakit hindi tayo magsimula sa umpias? Ano ang kakaiba sa He Lan family?"

"Ano ang kakaiba sa kanila?!" Dumilim ang mga mata ni Ee Chen. "Sila ang may pakana ng Project Galaxy at ang mga magulang natin ay natalaga na sumali sa proyektong ito noong sila ay napakabata pa."

Nagulat si Xinghe, pero sa sumunod na segundo, ang lahat ay nagsimula nang magkaroon ng saysay. "Ang ibig mo bang sabihin, itinalaga nila ang mga ulila mula sa kanilang bahay-ampunan na sumali sa proyektong ito?"

"Tama iyon." Tumatango si Ee Chen, napahanga pa din ito sa taas ng pagkakaintindi nito. "Ang dahilan sa likuran ng kanilang bahay-ampunan ay hindi naman kawanggawa! Ang pagkakawanggawa ay isa lamang palabas sa kanila para makapili ng mga karapat-dapat na ulila para sumali sa Project Galaxy, at iyon ang dahilan kung paano napili ang mga magulang natin."

Isa itong katotohanan na hindi inaasahan ni Xinghe. Kahit na wala siyang ideya kung ano talaga ang Project Galaxy, sigurado siya na hindi ito maganda!

"Ano ba talaga ang Project Galaxy? Ano ang layunin nito? At paano mo nalaman ang lahat ng ito?" Sunud-sunod na ibinato ni Xinghe ang kanyang mga tanong.

Umiling si Ee Chen sa pagkakataong ito. "Sa kasamaang-palad, hindi ko masabi ang talagang layunin ng proyektong ito. Narinig ko lamang sa aking ama na napakalupit nito. Matagal na niyang hinahanap ang He Lan family noong mga panahong iyon, pero hindi niya mahanap ang mga ito, at ngayon ay alam ko na. Ito ay dahil inisip niya na ang He Lan family ay nasa Hwa Xia, pero nagtatago lang pala sila sa Country R."