"Matagal na panahon din ang ginugol ko sa paghahanap sa kanila. Matapos lamang ng maraming imbestigasyon bago ko nasiguro na talagang ang He Lan family na ito ang dapat nating tutukan. Matagal ko nang inuubos ang oras ko na makita ang puno't dulo ng katotohanan, pero ang progreso ko ay napakabagal. Nakita kita sa pamamagitan ng missing person notice. Noong una, nang makita ko ito, nagulat ako; inakala ko na may alam ka na, kaya naman nagpunta ka sa Country R para magsagawa ng paghahanap. Pero kung totoo man ito, hindi nito maipapaliwanag ang iyong desisyon na makipag-ugnayan sa He Lan family. Ngayon, mukhang ang lahat ay nagkataon lamang. Wala kang ideya kung ano talaga ang nangyayari sa kanila at ang babaeng hinahanap mo ay nagkataon lamang na mula sa kanilang ampunan."
"Sigurado ka ba na ang lahat ng may kinalaman sa Project Galaxy ay nanggaling sa ampunang ito?" Seryosong tinitigan siya ni Xinghe para makasigurado.
Tumango si Ee Chen. "Iyon ang suspetsa ko. Paano pa natin maipapaliwanag ang dahilan nila sa likod ng pagpapatakbo ng ampunan? Sabihin na nating para ito sa pagkakawanggawa, pero pano mo maipapaliwanag ang napakaraming nawawalang ulila? Kahit ngayon, may mga ulila pa ding nawawala miminsan-minsan sa kanilang kasalukuyang tumatakbong ampunan, kaya naman lohikal lamang na paniwalaang pinipili nila ang kanilang mga kandidato mula sa kanilang ampunan. Ito ang tanging paraan na gawin ang lahat ng ito ng hindi nagsususpetsa ang publiko."
Kumislap ang mga mata ni Xinghe. Hindi niya inaasahan na ang kanyang ina ay dating nakatira sa ampunan at napili siya para sumali sa Project Galaxy noong siya ay bata paβ¦
Kung ganoon, marahil ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay napili din para sumali sa Project Galaxy!
Kung hindi, paanong wala silang makukuhang balita mula dito?
Masungit na nagtanong si Xinghe, "Ano ang pinakapangunahing negosyo ng He Lan family? Bakit kaya walang sinabi tungkol dito ang nanay ko?"
Napabuntung-hininga si Ee Chen. "Hindi ko sigurado ang tungkol sa pinansiyal na background ng He Lan family, pero sa tingin ko ay hindi ito sinabi sa iyo ng iyong ina dahil hindi niya gustong masangkot ka dito."
"Pero bakit sila lumitaw sa City A? At paanong hindi nila mahanap ang He Lan family?"
"Ayon sa aking ama, ang unang siyudad na pinuntahan nila matapos nilang makatakas ay ang City A. Gayunpaman, wala silang balidong pagkakakilanlan, kaya hindi sila nangahas na lumayo pa sa City A. Isa pa, sa mga oras na iyon, ang impormasyon ay napakahirap na makalap, kaya naman hindi nila alam na ang He Lan family ay lumipat na sa ibang bansa. Siyempre, ito ay sarili ko lamang ispekulasyon; hindi naman sinabi sa akin ng aking ama ang lahat. Sa tingin ko ay nagtatalo ang kanyang loob, sa isang banda naman, hinihiling niya na isang araw ay maililigtas ko siya, pero sa kabilang banda, ayaw naman niyang ilagay ang lahat ng pressure sa akin."
Pinili ni Xinghe na maniwala kay Ee Chen, dahil ang karanasan nito ay katulad ng sa kanya. Dinala siya ng kanyang ina sa ibang ansa para magtago na tila natatakot ito na sila ay madiskubre. Gayunpaman, sa kaparehong panahon, hindi nito isiniwalat sa kanya ang mga dahilan kung bakit. At sinubukan din nitong ituro kay Xinghe ang lahat ng alam niya, kaya naman ang mga iniisip niya ay halos katulad ng sa ama ni Ee Chen.
Maraming taon na ang nakalipas pero hindi pa din nakikita ni Xinghe ang bakas ng kanyang ina. Kung buhay pa ba ito o hindi ay isa pa ding misteryo!
Natatakot si Xinghe na ipagpatuloy ang isipang ito, dahil hindi niya gustong may masamang mangyari sa kanyang ina!
Ang tanging hiling niya ay makita ito sa lalong madaling panahon!
Kung anupaman ang Project Galaxy, wala itong kinalaman sa kanya; gusto lamang niyang iligtas ang kanyang ina. Gayunpaman, para gawin ito ay kailangan muna niyang pakitunguhan ang He Lan family, na, ayon sa kwento ng partido ni Ee Chen, ay binabantaan ang buhay ng kanyang ina at ng iba pang mga ulilang iyon!
Makikitaan ng determinasyon ang mga mata ni Xinghe nang nangako siya kay Ee Chen, "Kung gayon ay sisimulan na nating tuklasin ang He Lan family. Hindi magtatagal ay mabubunyag na ang katotohanan sa atin."