Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 682 - Mga Aksidente

Chapter 682 - Mga Aksidente

Kabilang na sa mga nagpunta, may ilan na napakalayo na makapasok sa pamantayan na nakakatawa na ito. Halimbawa na lamang ay may mga lola na lampas na sa edad 45 at mga kabataan na wala pang bente. May ilang lalaki pa nga!

Hindi maiwasan ng grupo ni Sam na hindi mapasimangot habang pinapanood ang grupo ng mga taong ito na pupunta ng labag sa tamang pag-iisip para lamang sa pera.

"Ang apat sa amin ay mga ulila, kung walang pamantayan na nakalagay na pinalaki sa bahay-ampunan, siguro ay mauuna na kami sa linya," pabirong sabi ni Sam.

"Nasasaad na nga doon na ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay nasa 45 na ngayon, talaga bang ang mga taong ito ay hindi marunong bumasa?" Nakakunut-noong sabi ni Ali.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Alam nila, pero hindi lang nila mapatahimik ang kasakiman sa kanilang kalooban."

Ang kasakiman ay maraming magagawa para mapatahimik ang isip, natural na ito sa tao. Marami sa mga sumusubok ng kanilang swerte ay napaalis na bago pa man simula ang pagsubok. Gayunpaman, dalawang araw na ang nakalipas at wala pa ding tumutugma doon. Ang numero ng mga kandidato ay lumampas na sa tatlong digit…

Kung teorya ang pag-uusapan, ang isang malawakang paghahanap ay dapat na may maipapakita, pero wala. Kahit ang pulisya ay walang balita.

Wala ito sa mga prediksyon ni Xinghe; hindi niya inaasahan na ang paghahanap sa isang tao ay napakahirap.

Sa ikatlong araw, ang mga taong nagpunta para sa DNA matching ay bumaba na sa iisang digit. Sa madaling salita, ang mga gustong pumunta ay nandoon na.

Maliban na lamang kung ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay nakatira sa isang lugar na walang balita mula sa labas, o kung may masamang nangyari sa kanya, makikita nito ang balita at pupunta doon para gawin ang test. Ang katotohanan na hindi nito nagawa ay nagpaisip kay Xinghe na maaaring may aksidenteng nangyari dito.

Kahit si He Lan Qi ay nasorpresa sa kawalan ng progreso.

"Sino ang makakaisip na kahit napakarami nang kandidato, wala pa ding progreso? Miss Xia, sa tingin mo ba ay umalis si Miss Shen sa Country R kaya hindi niya nakita ang balita? O huwag naman sana itulot ng diyos, may masamang nangyari sa kanya?" Nakakunut-noong suhestiyon ni He Lan Qi, na nagbibigay pakiramdam na nag-aalala ito ng husto tungkol dito.

Sa mga nakaraang araw, naging matulungin ito. Lalo lamang nitong pinatindi ang naunang duda ni Xinghe. Talaga bang inosente ang He Lan family na ito?

Bakit naman sila tutulungan ni He Lan Qi ng husto? Handa itong gawin ang lahat para tulungan sila.

Gayunpaman, ang kanyang kutob ay nagsasabi sa kanya na mayroong mali sa lahat ng ito, pero hindi pa niya matukoy kung ano.

Sumulyap sa kanya si Xinghe at nanginig ng bahagya ang kanyang tingin. "Kung totoo man ito o hindi, magpapatuloy ang paghahanap. Simula pa lamang ito, hindi kami agad na susuko."

Ngumiti si He Lan Qi. "Natural lamang. Huwag kang mag-alala, ipagpapatuloy natin ang malawakang paghahanap; tutulungan kitang matapos ang iyong misyon kahit na kunin nito ang buhay ko."

"Salamat, Mr. He Lan sa tulong mo. Malaki ang pasalamat ko dito, kung kakailanganin mo ng tulong sa hinaharap, siguradong susuklian namin ang kabutihan mo," magalang na sagot ni Xinghe.

Walang nagawang ngumiti ng may pang-aakit si He Lan Qi. "Xinghe, tinatrato mo pa din ako na tila isang estranghero. Pangako ko sa iyo na tinutulungan kita dahil ginusto ko ito, kaya huwag kang makaramdam ng pagkailang."

Related Books

Popular novel hashtag