Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 683 - Naubos na ang Pasensiya

Chapter 683 - Naubos na ang Pasensiya

"Kahit na, nandito ako para maging kinatawan ng Shen family at nagpapasalamat kami ng husto sa tulong mo." Sinadyang ilayo ni Xinghe ang kanyang sarili mula dito at hindi pinansin ang sadya nitong mapalapit sa kanya. Ang mga nakaraang araw ng patuloy na paghihirap nito ay walang nagawa na pagbabago sa ugali niya tungo dito. Katulad pa din siya ng dati na walang pakialam dito, na tila isa itong estranghero na nakakasalubong niya sa kalsada.

Binigyan ni He Lan Qi ang sarili ng tatlong araw para mabasag si Xinghe, pero matigas pa din ito. Ang pasensiya ni He Lan Qi ay malapit nang mapatid at ang kalamigan at kawalan ng pasensiya niya ay nauubos na. Gayunpaman, pahapyaw lamang itong lumilitaw.

"Kung gayon, ipagpapatuloy ko ang pag-iisip ng mga paraan para matulungan ka. Kung may progreso man sa iyong parte, pakiusap ay sabihan mo ako," sabi nito ng may marubdob na ngiti.

"Okay." Bahagyang tumango si Xinghe, ang mga mata niya ay nangingislap na tulad ng isang malinaw na salamin. Nakita niya ng malinaw ang kalamigan sa mga mata ni He Lan Qi kanina. Naubos na ang pasensiya mo sa wakas?

Pinag-aralan ni Xinghe ang papalayo nitong likuran at dumilim ang kanyang titig.

Lumapit si Sam kay Xinghe at naiinis na nagreklamo, "Gaano ba kapurol ang taong ito? Hindi ba niya makitang hindi interesado si Xinghe sa kanya, bakit ba ang tigas ng ulo niya?"

"Tama iyon, halata namang hindi interesado si Xinghe sa kanya, kaya dapat ay tigilan na niya ang halata niyang paglapit-lapit," dagdag ni Ali ng may simangot.

Ang totoo, hindi nila inisip na may mali talaga kay He Lan Qi, hindi lang nila matagalan ang paglapit nito kay Xinghe. Hindi naman sa ayaw nilang may lumalapit kay Xinghe, pero sa ibang kadahilanan, pakiramdam nila ay may ibang balak si He Lan Qi sa likuran ng mga pagkilos nito.

Ang interes nito kay Xinghe ay mas malalim pa sa romantikong pagtingin. Kahit ang grupo ng mga lalaki na may kabagalan kung relasyon ang usapan ay nararamdaman ito, kaya wala nang kailangan pang sabihin na napapansin ito ni Xinghe. Ang depensa ni Xinghe ay nakataas na noon pang nararamdaman niya ang natatago nitong motibo. Kahit ngayon, pakiramdam ni Xinghe ay may pinaplano ito, kahit na sa harapan, ay akala mo ay napakabait nito para tulungan sila sa paghahanap.

"Xinghe, tatlong araw na ang nakakaraan. Sa tingin mo ay lilitaw pa ang ikalawang anak ng Shen family?" Nag-aalalang tanong ni Ali.

May hesitasyon pang sinabi ni Cairn, "Ang totoo, pakiramdam ko ay walang patutunguhan ang paghahanap na ito."

"Sumasang-ayon ako sa iyo." Ang matapat na si Wolf ay tumango din. Hindi naman kalabisan sa kanila na maramdaman ito. Ang balita ay naipalabas na sa buong bansa at wala pa ding bakas ng taong iyon, kaya naman ang bakas ng paglitaw nito ay napakababa.

Nagkomento si Xinghe, "Sa tingin ko ay hindi kayo nagkakamali. Tara na, ang paghihintay dito ay hindi magdadala sa atin ng kahit anong progreso."

Tumayo si Xinghe para umalis pero sa sandaling iyon, isang may hitsura at kahanga-hangang lalaki ang pumasok sa lugar kung saan nagpaparehistro. Matinding pagkagulat ang naramdaman ni Xinghe nang makita niya ito!

"So, ikaw nga talaga," sabi ng lalaki na may ngisi nang makita ito.

Nasorpresa talaga si Xinghe na makita si Ee Chen doon!

Mula pa noong nakaraang taon, hindi na niya ito mahanap; hindi lang niya inaasahan na lilitaw ito sa Country R.

"Bakit ka nandito?" Tanong ni Xinghe na halatang nagulat.

Natawa si Ee Chen. "Gusto ko din iyang itanong sa iyo. Ang totoo, Miss Xia, ayos lang ba sa iyo na lumabas kasama ko para magkape? Magkwentuhan tayo bilang matagal na magkaibigan."

"Sige, pumunta na tayo ngayon." Madaling tinanggap ni Xinghe ang imbitasyon dahil maraming bagay din siyang itatanong dito!

Ang magulang ni Ee Chen ay may kaugnayan sa Project Galaxy, kaya naman ang paglitaw nito ay siguradong makakatulong sa kanya na makumpirma ang kaugnayan ng He Lan family sa Project Galaxy.

Isa pa, si Ee Chen ay, para sa kanyang kaalaman, ang maraming nalalaman ng tungkol sa Project Galaxy. Dahil nabigyan siya ng pagkakataong ito, pipilitin niyang makuha ang impormasyon mula dito.