"Wala namang abala," agad na sinabi ni He Lan Qi. "Xinghe, malayo naman masyado ang turing mo sa amin, nangako kami na tutulungan ka namin sa paghahanap, kaya natural lamang na tutuparin namin ang aming pangako. Tutulungan ka namin hanggang sa matapos na ang paghahanap."
"Hindi na kinakailangan, dahil problema naman namin ito…"
"Hindi, ang problema mo ay problema ko! Iwanan mo na ito sa akin," mariing pangako ni He Lan Qi, ang totoo, tila papayag siya sa bawat hilingin ni Xinghe. Hindi na nagpatuloy pang gumiit si Xinghe, kung gusto silang tulungan ng libre ni He Lan Qi, hindi naman niya ito tatanggihan.
Matapos ang ilang panahon, gusto niyang makita kung gaano kalalim ang kanilang kahandaan na tulungan sila. Marahil ay dito nadulas ang He Lan family.
Si He Lan Qi, sa kanya namang kapurihan, ay may isang salita. Sa loob lamang ng kalahating araw, ang patalastas ng nawawalang tao ay nakabandera na sa lahat ng media. Ang bawat isang publikasyon sa Country R ay ipinalalabas ito!
Kahit ang pinakasikat na balitang palabas ay ibinabalita ito. Nasorpresa nito ang grupo ni Xinghe. Wala silang alam na ang impluwensiya ng He Lan family ay napakalaki at napakalalim.
"Mukhang hindi talaga simple ang He Lan family na ito, nagawa nilang maipalabas ng husto sa media ang lahat sa napakaiksing panahon. Kaya naman pala napakakaunti ng balita sa kanila, ang mga tao sa media ay siguradong kakampi din nila," rasyonal na pagsusuri ni Cairn. Sumang-ayon din sa kanya sina Sam at ang iba pa.
Masayang sinabi ni Ali, "Dahil nagamit nila ng husto ang media, ang ibig sabihin ay makakakuha na tayo ng balita sa anak ng Shen family."
"Sana nga." Bahagyang tumango si Xinghe ng wala nang paliwanag. Hindi niya masasabi na isang daang porsiyento na makikita ang taong ito, pero ang tsansa na mangyari iyon ay malaki ang itinaas.
Malaki ang kapangyarihan ng media, at ang patalastas ay malinaw ang mga detalye. Naghahanap sila sa isang babaeng Asyano na nasa 45 ang edad na lumaki sa bahay-ampunan ng He Lan family. Ang mga indibidwal na angkop sa pamantayang ito ay mabibilang lamang sa kamay, kaya naman napaliit nito ang kanilang trabaho.
Gayunpaman, para sa ikinagulat at ikina-sakit ng kanilang mga ulo, maraming babae na walang kinalaman sa bahay-ampunan ng He Lan family ay nagpunta para ipasuri ang kanilang DNA!
Sa madaling salita, halos lahat ng babae na may edad na 45 ay nagpunta para subukan ang kanilang swerte. Kapag maswerte sila, tila ba nakuha na nila ang jackpot!
Dahil nga naman, sa patalastas, nakasaad doon na isang mayamang pamilya ang naghahanap sa nawawala nilang kaanak, at iyon ay sapat na para makuha ang atensiyon ng marami. Sa dalawang magkasunod na araw, ang ospital na pinagkatiwalaan ng He Lan family para iproseso ang pangyayaring ito ay nakakita ng maraming tao na pumapasok sa mga pinto nito.
Nandoon si Xinghe para personal na harapin ang madla. Marami siyang tinanggihang aplikante kahit bago pa sila magsimula. Ang Shen family ay may magagandang genes, si Elder Shen ay matipuno at guwapo noong bata pa ito at si Old Madam Shen ay isa pa ding mabini at magandang babae. Si Madam Presidente ay nabiyayaan ng magaganda nilang genes, tila isa itong makalumang babae na lumabas mula sa isang ink painting.
Kaya naman, ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay siguradong maganda din. siyempre, hindi naman dito lahat ibinabase ni Xinghe ang kanyang pagtanggi at pagpapasya.