Ang maliit na balita ay talagang opisyal na. Itinago ng He Lan family ang kanilang sarili mula sa mundo. Gayunpaman, hindi sumusuko si Xinghe. Hanggang mayroong dumi sa He Lan family, hindi magtatagal at makikita niya ito.
Salamat na lamang, hindi siya gahol sa panahon, maaari niyang hanapin ito ng dahan-dahan. Mananatili siya sa Country R ng may katagalan, kaya naman siguro ay sapat na ito para makita niya ang puno't dulo ng mga bagay na ito.
…
Maaga pa lamang kinabukasan, dumating na si He Lan Qi sa hotel. Agad na tinawagan niya ang grupo ni Xinghe at inireserba ang breakfast buffet para as mga ito sa hotel. Nang dumating si Xinghe at ang iba pa sa lobby, nakatayo na ito doon na naghihintay.
Nang makita sila ni He Lan Qi, nakangiti itong lumapit at nagtanong ng may makikitang pag-aalala, "Miss Xia, kumusta ang tulog mo kahapon? Kung may gumugulo sa iyo, pakiusap ay huwag kang mag-aatubiling sabihan ako."
"Ang accommodation ay maayos naman, salamat, Mr. He Lan, sa iyong ginawa," direktang sagot ni Xinghe.
Ngumisi si He Lan Qi. "Hinihiling ko na tawagin mo ako sa pangalan ko. Kung gusto mo pa ding gumamit ng honorifics, bakit hindi mo na lamang akong tawagin na Big Brother He Lan?"
Si Sam, na naglalakad sa kanilang likuran, ay nagkunwaring nasusuka ng patago!
Kahit si Ali ay hindi sinasadyang kinilabutan. Hindi ba titigil ang He Lan Qi na ito sa pagiging nakakadiri? Gusto niyang tawagin siya ni Xinghe na Big Brother He Lan? Napaka-walanghiya din naman!
Nanatiling kalmado si Xinghe at nagkunwaring hindi niya ito narinig. Nagpatuloy siya, "Mr. He Lan, tapusin na natin agad ang agahan at bumalik na sa trabaho. Gusto ko na sanang makita ang hinahanap naming tao sa lalong madaling panahon."
"Okay." Kibit-balikat ni He Lan Qi ng may masuyong ngiti, na tila wala siyang ginagawang masama sa mga mata nito. Ang maginoo nitong kilos ay nakakalusaw ng puso ng maraming babae, pero, hindi kabilang si Xinghe sa mga ito.
Habang nag-aagahan, kahit na gaano pa kadalas at gaano pa kahirap niyang sinubukan na paluguran siya, hindi siya tinutugunan ni Xinghe. Inisip ni He Lan Qi na nagpapakipot lamang ito, pero agad din niyang napagtanto na hindi talaga ito interesado sa kanya. Ang pagkatuklas na ito ay hindi ikinagalit ni He Lan Qi, imbes ay lalo lamang ito naintriga kay Xinghe.
Mahilig siya sa hamon at ang basagin ang isang ice queen tulad ni Xinghe ang pinaka nagpapasaya sa kanya.
Planado na ni He Lan Qi ang lahat ng bagay, inisip na din niya ang petsa para sa sarili, ang tagal na kakailanganin niya para mapahinuhod si Xinghe bago niya ito mapaikot sa kanyang mga daliri.
Alas, tuturuan siya ng malupit ng leksiyon ng katotohanan. Hindi lahat ng babae ay interesado sa kanya!
…
Pagkatapos ng agahan, dinala sila ni He Lan Qi sa istasyon ng pulis para magkumpara ng DNA. Dinala ni Xinghe ang DNA sample ni Elder Shen para ikumpara sa DNA database ng Country R. Gayunpaman, ang tsansa ng tagumpay ay napakababa, dahil, hindi lahat ay ibinibigay ang kanilang DNA sample sa mga pulis
Si Xinghe, syempre, ay hindi na din umasa sa paraang ito. Ang plano niya ay ipakalat ang nawawalang tao bilang patalastas sa internet, telebisyon, at diyaryo, para makumbinsi ang ikalawang anak na babae ng Shen family na pumunta at ipakita ang kanyang sarili.
Napaatras si He Lan Qi nang sabihin niya ang kanyang suhestiyon. Hindi niya inaasahan ang malawakang paghahanap.
Hindi nawala kay Xinghe ang pagbabago nito ng hitsura. Magaan niyang sinabi, "Mr. He Lan, huwag kang mag-alala, kami na ang magbabayad sa media. Hindi namin kayo aabalahin sa pagkakataong ito."