Ang kahilingan ni Xinghe na simulan agad ang paghahanap ay mabilis na tinanggap. Nagbigay sila ng impresyon na kahit gaano pa na hindi makatwiran ang kanyang hilingin, tatanggapin nila ito. Ibinibigay nila ang impresyon na gagawin nila ang pinakamainam na pagiging host at ang grupo ni Xinghe ang kanilang pinakaeestimang bisita.
Gayunpaman, iba naman ang naiisip ni Xinghe. Inaasahan na niya ito sa mga ito. Hindi niya ibaba ang kanyang depensa sa harapan ng mga ito at isipin na talagang nag-aalala ang mga ito sa kanya. Kung anupaman, mas lalo lamang nila siyang pinag-iingat sa mga ito.
Kahit na marami pang palitang naganap, ang parehong partido ay tila nagagawa nang basahin ang isa't isa.
Matapos pag-usapan ang detalye ng paghahanap, ipinakita na ng malinaw ni Xinghe ang kagustuhang umalis. Kahit na gaano pa pigilan ng He Lan family na manatili siya sa kanilang guest house, magalang na tinanggihan ni Xinghe ang kabutihan ng mga ito. Iginiit niya ang pananatili sa hotel; wala nang magagawa pa ang He Lan family kung hindi ang pagbigyan ang kanyang mga kahilingan.
Personal pa silang inihatid ni He Lan Qi sa hotel. Mabait na tinulungan sila nito at inilagak sa pinakamainam na hotel bago umalis. Kahit isang tanga ay masasabing ginagawa nito ang lahat para mapalapit kay Xinghe.
Sa sandaling umalis ito, paismid na sinabi ni Sam, "Ang lalaking ito ay iniisip na talagang tanga tayo para hindi makita ang kanyang mga intensiyon?"
"Siguro ay nahumaling siya sa ganda ng ating Xinghe, kaya naman nagpapakahirap siya ng husto!" Nanghahamak na dagdag ni Ali.
"Kailangan ninyong mag-ingat sa paligid niya. Kahit na ano pa ang kanyang intensiyon, mas mainam na lumayo tayo sa kanya," mabait na paalala ni Sam kay Xinghe.
Pinaalalahanan din siya ni Ali, "Huwag kang madadala ng mabulaklak niyang mga salita."
Tumawa si Xinghe. "Sa tingin ninyo talaga ay madali akong maloko?"
"..." Natahimik ang grupo. Oo nga pala, napakatalino ni Xinghe, kaya paano siya mahuhulog sa mga pambatang panlalansi ni He Lan Qi? Isa pa, may lalaki na siyang makisig na naghihintay sa kanya sa katauhan ni Xi Mubai. Ang He Lan Qi na ito ay hindi naman pangit, pero kung pagbabasehan ang family background at personalidad, ay milya ang layo niya sa likuran ni Mubai!
Ang debosyon ni Mubai kay Xinghe ay makakawalis sa lahat ng kakumpetensiya niya. Si Ali at ang iba pa ay nag-alala lamang para sa wala.
Si Xinghe ay isang tao na hindi na kinakailangan pa ng mga tao para mag-alala sa kanya. Mas katiwa-tiwala siya kaysa sa ibang tao, kaya naman ang maliit na sigasig ni He Lan Qi ay nakadestinong masayang lang!
Inakala ni Sam at ng iba pa na ang interes ni He Lan Qi kay Xinghe ay dahil sa personal nitong pagkaakit dito, pero iba naman ang naisip ni Xinghe. Maaaring makuha ni He Lan Qi ang kahit na sinong babae na gugustuhin niya, kaya naman ang halatang pagpapalapit nito ay may nakatagong layunin sa likuran nito. Mas makakapagsabi na ito ay dahil sa kakaiba niyang katauhan…
Dahil ang katauhan ng pagiging anak ng Madam Presidente ay mabigat pa din. Gayunpaman, ano ang gamit nito sa katauhan niya ay hindi pa din niya alam. Pero, isang bagay ang sigurado ni Xinghe, ang He Lan family na ito ay talagang kaduda-duda!
Nasa pitumpu hanggang walumpung porsiyentong sigurado siya na may kinalaman sila sa Project Galaxy kung hindi ay hindi hayagang magre-react ang mga ito sa pagkakabunyag ng kanyang pangalan.
Ang layunin ng pagpunta niya doon ng personal ay para gamitin ang kanyang pangalan bilang pagsubok, at tulad ng inasahan niya, nahulog sila sa patibong.
Ngayong sigurado na siya na kaduda-duda ang mga ito, oras na para malaman ang kanilang tunay na intensiyon. Hindi na nagpahinga pa si Xinghe at nagsimula nang mag-imbesta sa He Lan family. Alas, tulad ng dati, ang impormasyong nakalap niya ay napakakaunti pa din. Ang He Lan family ay masyadong low-key, na halos walang balita tungkol sa mga ito.