Gayunpaman, si Xinghe ay hindi basta-bastang babae lang. Hindi siya natinag sa sinadyang pang-aakit ni He Lan Qi.
"Mr. He Lan, sa anumang kaso, ay maiistorbo namin kayo ng husto sa byahe naming ito, kaya umaasa kami na tutulungan mo kaming mahanap ang kapamilya namin sa lalong madaling panaho. Siyempre, kung matagumpay ang paglalakbay naming ito, ay babayaran ng Shen family ng husto ang inyong kabutihan."
Napansin ni He Lan Qi ang kawalan niya ng gana, kaya naman agad niyang itinigil ang mga panlalansing ginagamit niya sa karaniwang babae. "Sige, tutulong kami sa abot ng aming makakaya. Karangalan namin na pumunta ka sa amin para humingi ng tulong."
"Salamat."
"Walang anuman. Sa ngayon, maari bang sumakay na kayo sa kotse, dadalhin ko na kayong lahat sa He Lan Villa," magalang na sabi ni He Lan Qi at kumilos na ito para tulungan si Xinghe sa pintuan ng kotse. Lumulan na sila sa kotse nito at sumibad na ito patungo sa He Lan Villa.
Habang nasa byahe, ipinakilala ni He Lan Qi kay Xinghe ang napakaraming kultura sa Country R ng buong sigasig. Inimbitahan pa niya si Xinghe na tagalan ang kanilang pananatili doon para naman magampanan niya ng maigi ang kanyang pagiging host.
Ekspertong inililihis ni Xinghe ang paglalapit nito sa bawat sandali. Kahit na gaano pa kasigasig ito, ang pagtugon niya ay katulad pa din ng dati, hindi pa din siya natitinag.
Ang ibig sabihin nito ay hindi agad siya mabasa ni He Lan Qi, hindi nito makita ang puso niya. Marami nang nakasalamuhang babae si He Lan Qi, at aaminin niya, si Xinghe ang kauna-unahang babae na hindi pa niya nababasa.
Pero kahit pa, magbabago ito kapag naikama na niya ito. Malaki ang tiwala niya sa kakayahan niyang mang-akit. Patuloy niyang sinusubukang lumapit ng pisikal at emosyonal kay Xinghe, pero tila isa itong bato, hindi matinag kahit na ano pa ang kanyang gawin.
Hindi nagtagal, narating nila ang He Lan Villa. Ang He Lan Villa ay isang malawak na lugar. Matatagpuan ito sa pinakamahal na estate sa Country R at may pinakamahusay na security. Hindi na kataka-taka na ang nailathalang mga balita tungkol sa kanila ay napakakaunti.
Ang mga bahay sa villa ay malalaki din. Ang nakakahangang mga gusali at lawak ay nagpapakita ng higanteng impluwensiya at kapangyarihan ng He Lan family. Ang kasalukuyang pinuno ng He Lan family, ang ama ni He Lan Qi na si He Lan Chang, ay personal na sinalubong pa sila.
Nang marinig niya ang pangalan ni Xinghe, nagulat din itong sumagot. "Ang pangalan ni Miss Xia ay talagang kakaiba, ipinaalala nito sa akin ang malawak na kalawakan. Kung hindi mo mamasamain ang pagtatanong ko, ano ang inspirasyon sa likod ng iyong pangalan? Paano nakaisip ang mga magulang mo ng isang maganda at kakaibang pangalan?"
Nakita ni Xinghe ang nakangiting mukha ni He Lan Chang pero nakikita niya ang malalim na interes sa likuran ng mga mata nito. Mausisa pang nagdagdag si He Lan Qi, "Tama, paano kaya nila naisip ang pangalan na iyan?"
Masyado silang nahuhumaling sa kanyang pangalan, kaya naman kinukutuban na si Xinghe sa tunay na intensiyon ng mga ito.
"Wala namang masyadong kwento tungkol dito," sagot ni Xinghe. "Ang mga magulang ko ay nagkakilala sa isang galaxy show sa observatory, kaya iyon ang naisip nilang pangalan."
"Napakaganda namang kwento," nakatawang obserba ni He Lan Chang at makikitang nakahinga ito ng maluwag. "Napakaganda naman ng pangalan na ito na talagang ihinihiwalay si Miss Xia sa iba pa. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit inampon ka bilang step daughter ng Madam Presidente ng Hwa Xia."
Ito ay dahil sa kakaiba niyang katauhan kaya naman magalang siyang tinatrato ng mga ito, pero ginawa nila ito sa paraang halata na sumisipsip sa kanya. Kaya naman, masasabi talaga na, ang He Lan family na ito ay isang pamilyang puno ng mga tusong tao.