Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 674 - Parte ng Shen family

Chapter 674 - Parte ng Shen family

"Bakit ko naman isusuko ang isang magandang pagkakataon? Matanda na ako at ito na lamang ang pag-asang natitira sa akin, kung matutulungan mo akong tuparin ito, siyempre ay papayag ako."

"Salamat, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para tulungan kang mahanap ang iyong anak!" Seryosong pangako ni Xinghe. Naantig ang damdamin dahil sa kanyang sinseridad, isang ideya ang umusbong sa isipan ni Elder Shen.

Masusuing pinag-aralan niya si Xinghe at hindi niya mapigilang magtanong, "Child, sino pa ba ang nandoon sa iyong pamilya? Nabubuhay pa ba ang iyong mga magulang?"

Bahagyang natigilan si Xinghe; wala siyang ideya kung bakit itatanong ito ni Elder Shen. Gayunpaman, matapat siyang tumugon, "Ang ama ko ay matagal nang patay at ang ina ko ay nawawala din sa matagal na panahon, hanggang ngayon, wala akong alam kung nasaan siya. Gayunpaman, may natitira pa akong tiyuhin at pinsan."

Natuwa sa kaloob-looban si Elder Shen nang marinig ito. Ang kanyang kasalukuyang sitwasyon ay nagbigay sa kanya ng lakas para imungkahi ang sumusunod.

"Dahil wala naman na pareho ang iyong mga magulang, bakit hindi natin gawin ito? Aampunin na lamang kita bilang aking step granddaughter," nakangiting mungkahi ni Elder Shen. Nagulat sina Xinghe at Mubai!

"Bakit?" Nasorpresa si Xinghe.

Nakangiting sumagot si Elder Shen, "Hindi ba't sinabi mo na gusto mong maging kinatawan ng aming Shen family para magpunta sa Country R? Kung gayon ay kakailanganin mong isang valid identity, na kung ikaw ang aking step granddaughter, ay magiging totoo ito, hindi ba? Siyempre, ito na rin ay para sa aking personal na interes na kuhanin ka bilang apo. Napakahusay mo at natulungan mo kaming maghiganti, kaya naman lahat kami ay nagpapasalamat sa iyong tulong at lahat kami ay hinahangaan ka. Iniligtas mo din ang buhay ng presidente kaya naman sigurado akong pumapayag si Xiao Yu na kuhanin ka bilang kanyang stepdaughter."

Natigilan si Xinghe. "Pero bakit isang taong importante tulad ni Madam Presidente ay kukuhanin ako bilang stepdaughter?"

Naunawaan ni Elder Shen ang kanyang agam-agam at umiling para sabihin. "Gusto niya na maging stepdaughter ka niya. Dahil wala namang anak na sarili si Xiao Yu at magiging isa na lamang siyang normal na sibilyan matapos magretiro ng presidente. Isang malaking kalamangan na sa kanya na maging stepdaughter ka. Kapag pumayag ka, ayos na ang bagay na ito! Kaya naman pakiusap, ang lahat sa amin ay gusto kang talaga at seryoso ako sa proposal na ito."

"..." hindi malaman ni Xinghe ang sasabihin at hindi sinasadyang napatingin siya kay Mubai.

Masayang ngumiti si Mubai. "Dapat ay pumayag ka na! Isa itong magandang bagay; hindi ba't mas gusto mo na magkaroon ng mas maraming kapamilya na magmamahal sa iyo?"

Bahagyang nanginig ang tingin ni Xinghe. Tama, hindi ba't iyon ang hinahanap ko?

Isa pa, matapos na gumugol ng ilang panahon kasama ang Shen family, napagtanto niya na napapalapit siya sa mga ito. Kaya naman, ayos lamang sa kanya na maampon ng mga ito.

"Okay, payag na ako!" Tumango si Xinghe at seryosong nangako.

"Mabuti, mabuti!" Masayang tumawa si Elder Shen. "Mula ngayon, isa ka nang parte ng Shen family, ikaw ay ang apo ni Shen Houde! Kapag may nang-api sa iyo sa hinaharap, sabihin mo sa Lolo at ako na ang bahala sa kanya!"

Hindi inisip ni Xinghe na magiging mabait ito sa kanya. Napukol ang kanyang damdamin, pero bukod pa doon, isa itong kumplikadong pakiramdam sa kanyang puso. Gayunpaman, nangako siya na kapag talagang trinato siya ng mabuti ng Shen family at sinsero ito, hindi siya mag-aatubiling gumanti din dito ng kabutihan. Ang magkaroon ng mas maraming kapamilya ay hindi naman pala masama kung tutuusin.

At sa ganoon na lamang, si Xinghe ay naging step granddaughter na ni Elder Shen.

Agad na ipinaalam ni Elder Shen kay Madam Presidente ang balita at tuwang-tuwa naman ito para tanggapin si Xinghe bilang kanyang stepdaughter.