Chapter 675 - Kapalit

Maraming inimbitahang tao si Elder Shen para sa seremonya. Nandoon si Elder Xi para saksihan kasama ang maraming makakapangyarihang kaibigan ni Elder Shen. Buong ingat nilang tinitingnan ang seremonyang ito, dahil si Xinghe ay magiging stepdaughter ng Madam Presidente.

Maliban dito, siya ay magiging nag-iisang anak ng Madam Presidente. Wala nang iba pang apo si Elder SHen, maliban kay Xinghe at Xiaoxi. Si Xinghe ay mas matanda kay Xiaoxi, kaya sa magdamag na ito, si Xinghe ay naging numero unong eredera ng Hwa Xia. Ang balitang ito ay mabilis na kumalat sa alta sociedad ng City A.

Nang marinig ito nina Shen Ru at Tong Yan, hindi sila makapagsalita sa pagkagulat. Ano ang nangyari? Paano'ng si Xia Xinghe ay biglang naging isang Shen at naging ampon na anak ni Madam Presidente?

Kasalanan ni Xinghe kung bakit nalugmok sila sa kakatwang sitwasyon na ito. Sa kanilang pananaw, sinira ni Xinghe ang buhay nila. Paanong ang isang malupit at masamang tao na ito ay ang nanalo? Tumatangging tanggapin ni Tong Yan ang katotohanan na ito. Hindi siya makapaniwala na pahahalagahan ng Shen family si Xinghe ng higit sa kanya.

Sa sobrang galit, humihingi ng paliwanag si Tong Yan mula kay Elder Shen. Hindi niya matanggap na ang kanyang pinakamamahal na lolo ay pinalitan na siya. Hindi lamang iyon, ang kanyang tiyahin, na trinato siya bilang sarili nitong anak, ay nakakuha na din ng bagong anak nito, at ang taong pumalit sa kanya ay si Xia Xinge, ang nag-iisang tao na kinamumuhian niya sa mundo!

Hindi masikmura ito ni Tong Yan kahit na gaano pa niya subukan. Paano nila ako trinato ng ganito? Bakit nila sinasaktan ng husto ang damdamin ko?

Sa bandang huli, inuutusan niya ang mga ito na layuan si Xia Xinghe, kanselahin ang seremonya, at ibalik sa kanya ang pagmamahal at respeto na ninakaw sa kanya ni Xia Xinghe!

Ang hindi makatwirang kahilingan ni Tong Yan ay nagbigay lamang sa kanya ng mga bigong tingin mula kay Elder Shen.

"Kahit na sa panahong ito, masyado mo pa ding iniisip ang dati mong katauhan?" Tanong ni Elder Shen ng may buntung-hininga.

Natigilan si Tong Yan at nagreklamo, "Pero Lolo, ako ang iyong tunay na apo. Ako ang kapamilya mo, hindi iyang si Xia Xinghe! Ang babaeng iyan ang sumira ng buhay ko at kinuha ang lahat sa akin! Ang lahat ng ibinibigay ninyo sa kanya ay dating pagmamay-ari ko, kaya paano niya ninanakaw ang mga ito sa akin?!"

Napabuntung-hininga si Elder Shen. "Tong Yan, aakuin ko na ang ilang responsibilidad kung bakit ka lumaking ganyan, kaya hindi na kita sisisihin o ang nanay mo, pero oras na ito para matuto ka ng ilang leksiyon. Tanging sa pagsusumikap lamang ay may matatamo kang bagay sa buhay mo. Masyado ka naming pinalayaw ng napakaraming taon, at dapat ay sapat na iyon. Kailangan mo nang umasa sa iyong sarili sa ngayon, at huwag ka nang umasa pa sa ibang tao, para sa kabutihan mo. Kung isasapuso mo ang leksyong ito, ay ituturing pa din kitang apo. Gayunpaman, kapag matigas pa din ang iyong ulo, wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Okay kung gayon, pakiusap ay umuwi ka na at huwag nang pupunta pa dito sa hinaharap. Kailangan mo nang pahalagahan ang katotohanan na ikaw pa din ang young lady ng Tong family at kailangan mo nang kumilos nang naaayon dito. Iyon ang payo ko sa iyo."

Matapos nito, tumayo na si Elder Shen at umalis na. Kahit na gaano pa kalaki ang eksenang ginawa ni Tong Yan, hindi ito bumalik.

Hindi sa pagiging malupit pero ang tingnan siya ay ipinapaalala lamang ang paghihirap na ipinalasap sa kanya ng Lin family, at, si Tong Yan, sa kanyang pagkamakasarili ay hindi naiintindihan na ang kailangan lamang sa kanya ni Elder Shen ay kaunting espasyo at oras. Paanong hindi makakaramdam ng kabiguan si Elder Shen sa kanya?

Noong una ay handa pa ang Shen family na palampasin ang mga kasalanan niya dahil mahalaga ito sa kanila. Gayunpaman, matapos na lumantad ang lahat, ang importansiya niya sa mga ito ay nakakuha ng malaking pinsala dahil hindi na niya kinakatawan ang mga Shen kundi ang mga Lin. Sa lipunan ng mga Tsino, ang lahi ay makakapagdesisyon ng maraming bagay.