Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 673 - Walang Magawa

Chapter 673 - Walang Magawa

Nagulat si Xinghe. "Napakarami mong nalaman?"

Tumango si Mubai. "Oo, nagkataon na may ilang kaibigan ako sa Country R; mas madali para sa kanila ang makaalam ng mga bagay mula sa loob kumpara sa atin. Ayon sa kanila, ang He Lan family ay may magandang reputasyon sa Country R ay isa itong napakalaking pamilya. Gayunpaman, palagi silang naka-low profile, kaya naman kilala lamang sila ng kanilang kababayan."

"Kaya mahihirapan tayo na imbestigahan sila," pagtatapos ni Xinghe.

"Oo, kahit na ang media ng Country R ay hindi na masyadong nag-uulat ng tungkol sa kanila dahil wala naman silang masyadong ginagawa sa mata ng publiko. Mahirap para sa atin na makaalam pa ng tungkol sa kanila."

"Bakit hindi ko personal na bisitahin sila? Masyadong mahirap para satin na imbestigahan sila ng walang malapit na contact," mariing sambit ni Xinghe. "Pupunta ako sa kapakanan ng Shen family; ang dahilan na ito ay sapat na para maging opisyal ito."

Ang unang sagot ni Mubai ay para tanggihan ang kahilingan niya. "Paano mo magagawang magpunta doon ng mag-isa? Hindi kita papayagang gawin iyon."

Tumingin sa kanya si Xinghe at sinabi, "Pero kailangan kong gawin ito. Kailangang nandoon ako para mapalapit sa misteryo ng Project Galaxy. Hindi tayo uusad kapag nananatili tayo dito."

"Pero…"

"Ako ang magiging kinatawan ng Shen family, kaya naman magiging ayos lang ang lahat. Isa pa, nangangako ako sa iyo na hindi ko kakaharapin ang mga hindi kinakailangang panganib," pangako ni Xinghe. Tumitig si Mubai sa mga mata nito na kumikislap sa determinasyon at alam niyang hindi na niya mababago pa ang isip nito. Wala ni isa ang makakapagbago ng isip ni Xinghe kapag may layunin na ito. Alam niya kung ano ang gusto niya, at walang makakapigil sa kanya na abutin ang mga ito.

Nag-aalala pa din sa kanya si Mubai pero kailangan niyang pumayag. "Okay, pero kailangan mong ipangako sa akin na tatawagan mo ako agad kung may mangyari mang mapanganib."

"Okay." Bahagyang ngumiti si Xinghe. Ngumiti na din si Mubai habang pinapanood ang ngiti nito. Napapaikot na siya nito sa mga daliri nito na hindi niya magawang tanggihan ang bawat hiling nito. Natatakot siya na baka isang araw, hilingin nito na iwanan siya, at hindi niya magagawang tanggihan din ito…

Alam niya na iyon ang kanyang bottom line, papayag siya sa lahat pero ang kundisyon ay manatili ito ng habambuhay sa kanyang tabi…

Matapos na magawa ang desisyon, nagpunta sina Mubai at Xinghe para pag-usapan nila ito ni Elder Shen. Ang matanda ay natuwa. "Gusto mong pumunta sa Country R ng personal para tumulong sa aming paghahanap?"

Tumango si Xinghe. "Pero hindi lang iyon, ang totoo ay may personal na interes din ako sa He Lan family, at dahil halos iisa lamang ang ating layunin, umaasa ako na papayagan ako ni Elder Shen na magpunta sa Country R para tulungang maghanap sa ikalawang anak na babae ni Elder Shen."

"Bakit ka interesado sa He Lan family?" Tanong ni Elder Shen.

Sumagot si Mubai, "Patawarin mo kami pero hindi pa namin maibubunyag ang ilang impormasyon sa ngayon, pero may kaugnayan din ito sa paghahanap sa ilang tao. Ang duda namin ay ang He Lan family na ito ay may responsibilidad sa maraming sikretong operasyon, kaya naman gusto naming gamitin ang oportunidad na ito para malaman ang puno't dulo ng lahat."

Tumango si Elder Shen at napabuntung-hininga. "Paprangkahin ko na kayo, naghahanda na ako para magpadala ng tao sa Country R, pero wala akong maisip na mainam na kandidato. Kung kayong dalawa ito, ay napakainam! Naniniwala ako sa inyong kakayahan, at kung pumapayag kang tulungan ako sa paghahanap ng aking anak, habambuhay akong magpapasalamat."

Isang masayang ngiti ang lumukob sa mukha ni Elder Shen na tila isang belo.

Ngumiti bilang ganti si Xinghe. "Ang ibig bang sabihin nito ay pumapayag na kayo sa aming proposal?"

"Siyempre!" Mabilis na sagot ni Elder Shen.

Related Books

Popular novel hashtag