Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 671 - Balita Tungkol sa Ikalawang Anak na Babae

Chapter 671 - Balita Tungkol sa Ikalawang Anak na Babae

Kung hindi kaya, ay nahanap na ang mga ito ng ama ni Xiaoxi maraming taon na ang nakakaraan. Kaya naman, ang paghahanap na lamang basta-basta ay hindi naaangkop, kailangang makaisip sila ng panibagong ideya.

Kung kailan naman napako sina Xinghe at Mubai sa kanilang paghahanap, napagsalita na ng mga pulis ang Lin family. Masigasig pa din si Elder Shen sa paghahanap sa kanyang anak, kaya naman sinabi niya sa Lin family na pakakawalan nila ang taong makakapagbigay sa mga pulis ng impormasyon tungkol kay Miss SHen. Siyempre, ang alok ay hindi naibigay sa mga importanteng kriminal tulad ni Lin Zhenghwa, Lin Kang, at Lin Xuan.

Marami ang gustong kunin ang alok na ito pero hindi lahat ay malapit sa istruktura ng kapangyarihan ng Lin family at sa mga impormasyon nila. Gayunpaman, mayroong isang namumukod-tangi sa mga ito; hindi lamang siya malapit sa sentro pero wala din siyang kinalaman sa mga kriminal na gawain ng Lin family, si Lin Qin!

Ang ikatlong anak na lalaki ni Elder Lin, ang walang kwentang anak. Ito ay dahil sa kakaiba niyang posisyon kung kaya marami siyang nalalaman kahit na hindi siya nasasangkot sa kahit na ano. Hindi siya parte ng sindikato ng krimen dahil wala siyang silbi kay Elder Lin.

Kahit na si Lin Qin ay anak ni Lin Zhenghwa, ang kakaiba dito, hindi magawang kamuhian ng Shen family at Xi family ito. Marahil ay dahil sa wala itong ginawa na kahit ano at walang ipinakitang ambisyon. Kung anupaman, isa din siyang biktima sa mga pakana ng Lin family.

Kung teorya ang pag-uusapan, dapat ay kumampi si Lin Qin sa Lin family, pero trinaydor siya nito noong una pa lamang sa pamamamagitan ng pagsasakripisyo sa kanyang anak. Dahil wala naman nang pumipigil pa sa kanya sa Lin family, nagpasya siya na huwag nang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng pamilyang wala namang nagawa para sa kanya.

Para iligtas ang isa pa niyang anak, nagdesisyon siyang putulin na ang lahat ng ugnayan sa Lin family at pinili ni Lin Qin na makipagtulungan. Gayunpaman, wala naman siyang masyadong alam; ang tanging alam niya ay ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay ipinadala nga sa malayo.

Para maiwasan ang posibleng banta sa hinaharap, ipinadala ni Elder Shen ang bata sa isang banyagang organisasyon na humahawak sa mga ulila. Ang organisasyon ay tumatanggap nang maraming ulila mula sa Hwa Xia noong taong iyon at ang Lin family ay ipinadala ang bata bilang isang ulila.

Sa kasamaang-palad, hindi alam ni Lin Qin ang pangalan ng organisasyon. Ang tanging tao na nakakaalam ng impormasyong ito ay si Lin Zhenghwa.

Gayunpaman, ang malupit na si Lin Zhenghwa ay tumanggi na ibigay ang pangalan, dahil sa naghihirap na siya, tumatanggi siyang maging maligaya ang iba. Kaya naman, natigil na naman ang paghahanap.

Maliban sa isa itong banyagang organisasyon na tumatanggap ng mga ulila, wala na silang iba pang impormasyon tungkol dito. Gayunpaman, ang organisasyon ay dumating sa Hwa Xia 47 taon na ang nakakaraan, kaya naman siguradong may mga talaan tungkol dito.

Seryoso din itong trinato ng presidente. Gayunpaman, kakagaling pa lamang nito mula sa operasyon at nagpapahinga, kaya naman iniwanan niya ang lahat ng ito sa kanyang bise presidente. Tinulungan ng bise presidente ang Shen family para matukoy ang organisasyon na ito sa lahat ng makakaya niya, at matapos ang ilang panahon, sa wakas ay may nakuha na silang mahalagang impormasyon.

Ang impormasyon na ito ay nagbigay kina Xinghe at Mubai ng matinding pagkagulat sa kanilang buhay!

47 taon na ang nakakaraan, noong ang ekonomiya ng bansa ay papataas, maraming banyagang investor ang nagpunta para maghanap ng oportunidad na magnegosyo. Maliban dito, may mga mamamayan din na bumalik mula sa ibang bansa para tulungan ang bansa.

Ang isa sa mga pamilyang ito ay piniling magbukas ng bahay ampunan para tanggapin ang lahat ng mga ulila, at plinano nilang dalhin ang mga ulilang ito sa ibang bansa, para mabigyan ang mga ito ng panibagong buhay sa mas mainam na kapaligiran.

Noong taong iyon, maraming tinanggap na bata ang bahay-ampunan, kaya hindi na nakakapagtaka na ang ikalawang anak ng Shen family ay isa sa mga ito. Gayunpaman, ang impormasyong ito ay hindi ang nakakagulat; ang talagang nakakagulat na balita ay ang pamilya na nasa likod ng charity organization ay ang He Lan family!

Related Books

Popular novel hashtag