Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 672 - Nakakadudang Pamilya

Chapter 672 - Nakakadudang Pamilya

Nang makita nila ito, ang unang naisip nina Mubai at Xinghe ay ito ang He Lan family na hinahanap nila. Gayunpaman, kung ito nga ay totoo, ano ang kaugnayan sa pagitan ng Project Galaxy sa pagkuha ng mga ulila?

Hindi makaisip ng makatwirang paliwanag sina Xinghe at Mubai. Ang tangi nilang magagawa ay maghintay pa ng mas maraming balita na mula sa SHen family. Gayunpaman, sa tulong na din ng presidente, ang imbestigasyon sa He Lan family ay naging mas mabilis.

Hindi nagtagal, mas marami na silang nalaman tungkol sa He Lan family na ito. Ang He Lan family ay galing nga sa Hwa Xia, pero hindi nagtagal ay lumipat sila sa Country R. Ito ay noong nasa Country R na sila na umulad ang kanilang negosyo at sila na ang naging pinakamayamang pamilya doon. Matapos nito, nagsimula nang masali sa mga kawanggawa ang He Lan family at itinayo nila ang pinakamalaking ampunan sa Country R.

Para mabayaran ang bansang pinagmulan, sinadya nilang piliin ang mga ulila mula sa Hwa Xia. Gayunpaman, kumpara sa normal na mayayamang pamilya, hindi nila ipinangangalandakan ang kanilang mga pagkakawanggawa. Ang totoo, sa mga nakaraang bente o treintang taon, ang balita tungkol sa kanila ay halos nawala na, na tila nakalimutan na sila ng publiko. Kaya naman pala wala nang makita tungkol sa mga ito sina Xinghe at Mubai.

Kahit ang Shen family ay hindi pa naririnig ang He Lan family na ito. Kung hindi dahil sa imbestigasyong ito, hindi nila malalaman na may misteryosong pamilya na nabubuhay sa mundo. Gayunpaman, hindi na ito importante para sa Shen family, ang gusto lamang nila ay makita ang nawawala nilang anak.

Alas, kahit na nagawa na nilang makontak ang charity organization, wala pa din silang lead sa ikalawang anak na babae ng Shen family. Kahit na personal ng humingi ng tulong ang presidente sa gobyerno ng Country R, ay kulang pa din ang impormasyon.

Ito ay dahil sa isang malaking apoy na tumupok sa charity organization tatlumpung taon na ang nakakaraan. Nasunog nito ang lahat ng impormasyon, at halos nalugi ang He Lan family dahil dito.

Hindi na kayang alagaan pa ng He Lan family ang mga batang iyon, kaya naman ang ilan sa mga ito ay inampon ng mga pamilya, ang ilan ay ipinadala sa iba pang ampunan, at ang iba naman ay piniling mamuhay ng sarili nila. Sa kasamaang palad, sa mga panahong iyon, masyadong abala ang He Lan family sa pagsasalba ng kanilang mga negosyo kaya naman wala na silang oras o lakas pa para isulat ang pagkilos ng mga ulilang ito.

Ilang dekada ang nakalipas, nagbago na ang He Lan family, at ngayon, wala na ang nakakatanda pa na may nakalipas silang gawain ng pagkakawanggawa.

Ang Shen family ay hindi na makapagbigay pa ng mas maraming impormasyon para mapadali ang paghahanap sa babae, kaya naman ang paghahanap dito ay tila naghahanap ka ng isang karayom sa tambakan ng dayami. Kaya naman, ang imbestigasyon ay muli na namang natigil!

Lubos na pagkabigo at kalungkutan ang naidulot nito sa Shen family. Nakaramdam din ng awa si Xinghe sa mga ito. Inakala niya na ito na ang makakapagturo sa kanila ng direkta sa kanilang matagal nang nawawalang anak, pero sa bandang huli, ang lahat ng ito ay wala ding kinahinatnan.

Gayunpaman, mas malaki ang inaalala ni Xinghe tungkol sa He Lan family at sa Project Galaxy. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay mas kumplikado kaysa sa hitsura nila ang pamilyang ito.

Sumasang-ayon sa kanya si Mubai. "Nagawa ko na ang sarili kong imbestigasyon. Kahit na nakatulong sila sa maraming kawanggawa, ang kanilang atensiyon ay palaging nasa bahay-ampunan na ito. Pero ang nakakapagtaka, may ilang nakakataas-kilay na insidente na taun-taon ay kinakasangkutan ng ampunan na ito. May patuloy na pangyayari ng aksidenteng pagkamatay ng bata, pero walang mga tala ang tungkol dito. May tsismis ding kumakalat sa Country R na nagsasabing ang bahay-ampunan ng He Lan ay isinumpa, pero isa lamang itong tsismis at ang mga naniniwala dito ay iilan lamang. Hindi nagtagal, nawala din ang tsismis na ito. Gayunpaman, walang usok kung walang apoy, marahil ay kailangan talaga ng He Lan family na ito ng masusing tingin.

Related Books

Popular novel hashtag