Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 668 - Walang Pagmamadali na Makasal

Chapter 668 - Walang Pagmamadali na Makasal

"Miss Tong, hindi talaga gusto pang maistorbo na ni Elder Shen, maaari na kayong umalis!"

"Ako ang kanyang apo, kaya paano mo nasasabi na iistorbohin ko siya? Ni hindi ka nga pumunta para tanungin siya, kaya paano mo nalaman na hindi niya kami gustong makita? Isa pa, si Lin Shuang at ang babaeng iyon ay naririto, kaya mas may karapatan akong tumapak sa bahay na ito. Sinasadya mo yata itong gawin. Sinasabi ko sa iyo, ako pa din ang pinakamatanda sa eredera ng Tong family, kaya wala kang karapatang tanggihan ang mga kagustuhan ko!" Mukhang hindi man lamang nagbago kahit kaunti si Tong Yan.

Hindi na interesado ang Xi family sa kanilang palabas, kaya sumakay na ang mga ito sa kotse at umalis.

Napaismid si Elder Xi sa panunuya. "Ang babaeng iyon ay hindi pa din natututunan ang kanyang leksiyon, kahit na sa oras na ganito, hindi pa din niya nakikita ang mga pagkakamali niya!"

Malamig na dumagdag si Mubai, "Kung hindi dahil sa Tong family, sisiguraduhin ko na sanang nakatalungko na siya sa bilangguan kasama ang Lin family!"

Kahit na wala nang kaugnayan si Tong Yan sa Shen family, may kaugnayan pa din siya sa Tong family. Ang pagbibigay ng kaunting respeto sa Tong family ay magbibigay sa kanila ng benepisyo sa hinaharap.

Siyempre, ang lahat ng ito ay mungkahi ni Xinghe. Wala na siyang interes sa paghingi ng hustisya para sa mga ginawa ni Tong Yan. Ang hinaharap niya ay mas magiging mahirap matapos na mawala ang pinakamalaking backer niya, ang Shen family at si Madam Presidente. Ito ay sapat nang kaparusahan. Isa pa, ang realidad ng buhay ay ang magiging pinakamalaking leksiyon ni Tong Yan.

Ang hayaan ang isang tulad niya na gugulin ang natitira pa niyang buhay sa pagiging pangkaraniwang tao ay hindi na masamang paghihiganti.

Hindi na sisipain pa ni Xinghe ang isang tao kapag nalugmok na ito dahil hindi na sila karapat-dapat pa sa kanyang atensiyon!

May sarili siyang hinaharap na dapat alalahanin. Matapos ang kanyang paghihiganti, ang mga taong iyon ay mawawala na sa isip niya, ni walang bakas na matitira. Halimbawa, sina Tong Yan at ang Lin family ay, para sa kanya, mga bagay ng nakaraan. Palagi siyang nakatingin sa hinaharap.

Ang susunod niyang layunin ay ang malutas ang Project Galaxy. Gusto niyang malaman kung ano ang sakunang ito na sinasabi halos ng lahat. Sa ibang kadahilanan, ang pakiramdam niya ay sinasabi na importante ito at kailangan niyang malaman ang puno't dulo nito. Magkakaroon ng tiyak na sakuna kapag hindi niya ito ginawa!

Habang iniisip ang lahat ng ito, sinulyapan ni Xinghe si Mubai.

Ang lalaking ito na napakasensitibo sa galaw ng kanyang mga emosyon ay magiliw na nagtanong, "Ano ang meron?"

Bago pa nakasagot si Xinghe, si Elder Xi na nakaupo sa harapan ay masayang sinabi, "Sisimulan na naming ayusin ang inyong kasal kapag nakauwi na tayo! Sa pagkakataong ito, dapat ay maipagdiwang natin ito ng lubusan. Magiging isang magandang pagkakataon ito para makapagpahinga kayong dalawa. Bakit hindi kayo magbakasyon ng isa o dalawang taon, ituring na ninyo ito na inyong pulot-gata?"

Pero, tinanggihan pa din ito ni Xinghe.

"Ang totoo, hindi ko pa din gustong makasal muna," mahinang sambit niya.

Naguluhan si Elder Xi. "Bakit hindi?"

Mua sa kanyang pananaw, naayos na nito ang relasyon kay Mubai at marami na silang pinagdaanan matapos nito. Napaka-lohikal at tama lamang sa mga ito ang matali na. Isa pa, wala naman siyang sinabi noong nauna niyang sinabi ang ideya ng kasal. Kaya bakit nagbago ang isip nito ngayon?

"Ang totoo ay ideya ko ito!" Paliwanag ni Mubai bago pa makasagot si Xinghe. "Lolo, ni isa sa amin ay hindi naman nagmamadali na magpakasal, maaari naman nating pag-usapan ito kapag mas kumportable na kami sa ideyang ito."

Related Books

Popular novel hashtag