Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 667 - Hindi Na Magkaiba

Chapter 667 - Hindi Na Magkaiba

"Sabihin na natin na hindi naman na tayo magkaiba," mabagal na sagot ni Xinghe. Nalaglag ang panga ni Xiaoxi. Ano ang sinasabi niya?! Paano'ng hindi kami magkaiba?

"Ang iyong… iyong ama…"

"Ang ina ko iyon," mahinang sambit ni Xinghe. "Nawala siya 13 taon na ang nakakaraan, at tulad ng iyong ama, sinabi niya na hindi siya mula sa mundong ito."

Hindi makapagsalita sa pagkagulat si Xiaoxi. Hindi niya inaasahan na dinanas din ni Xinghe ang parehong karanasang naranasan niya. Inisip niya na siya lamang ang may ganitong karanasan sa mundo.

"Wala akong ideya na katulad ka din ng ganito…" hindi makapaniwalang sambit ni Xiaoxi.

Tumango si Xinghe. "Noong una, inisip ko na nag-iisa lang din ako, pero marami na akong nakita mula noon, kasama na ako, ikaw na ang ikaanim."

"Ikaanim?!" Napasinghap si Xiaoxi. "Mayroon ng anim na katulad natin?"

"Tama iyon. Nais ko sanang mahanap ang mga magulang natin, at para magawa iyon, kailangang malaman natin ang kanilang sikreto. Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo."

Ito din ang gustong mangyari ni Xiaoxi, ang mahanap ang kanyang ama. Sa tulong ni Xinghe, ang kahilingan niya ay maaaring matupad. Sinasabi ng kanyang pakiramdam na si Xinghe ay isang taong maaari niyang pagkatiwalaan. Nagawa nitong mawasak ang IV Syndicate at mapatumba ang Lin family, ano pa ba ang hindi nito magagawa?

Isa pa, dahil si Xinghe ay isang taong katulad niya, ang lahat ng pagpipigil niya ay nawala na.

"Miss Xia, ang totoo wala naman talaga akong masyadong alam, ang tanging alam ko ay espesyal ang aking ama. Nag-iwan siya ng isang misteryosong itim na bakal, sinasabi niya sa akin na makakatulong ito sa akin na makatakas sa kamatayan sa hinaharap. Sinabi niya sa akin na gamit ito, magagawa kong matakasan ang isang higanteng sakuna na mangyayari sa hinaharap. Wala na akong alam tungkol sa iba pa, siguro ay may higit pang kaalaman ang aking ina. Tatanungin ko siya para sa iyo, at kapag nakakuha ako ng mas maraming impormasyon, sasabihin ko ito sa iyo."

"Salamat." Tumango si Xinghe. "Kahit na gaano pa kaliit ang detalye, tandaan mong sabihin ito sa akin dahil ang ikinatatakot ko ay maaaring hindi peke ang nakakayanig na sakunang ito."

Tumango din si Xiaoxi ng may seryosong hitsura at nangako, "Tatanungin ko siya sa lalong madaling panahon! Kung kailangan mo pa din ang tulong ko, pumunta ka lamang at sunduin ako."

Ang kaligtasan ng mundo ay hindi niya responsibilidad, pero gugustuhin din niyang makatulong kahit na kaunti para mapanatili itong ligtas. Hindi niya gustong may masamang mangyari kina Elder Shen at Old Madam Shen na siyang nagbigay ng panibagong pagkakataon niya na mabuhay…

Hindi na nagtagal pa sina Xinghe at ang Xi family sa bahay ng Shen family. Gayunpaman, marami silang nakalap na impormasyon mula sa byaheng ito.

Tila ba kinakasuhan ng kapalaran, nakasalubong nila sina Shen Ru at Tong Yan na siyang paparating kung kailan naman sila paalis.

Ang biglaang pagkikita na ito ay nagpagulat sa parehong partido. Sa sandaling nakita sila ni Shen Ru, hinila niya si Tong Yan habang nagmamadali itong pumasok sa entrada.

Ang butler, na siyang personal na naghatid palabas sa Xi family, ay nakita ang kanilang pagkilos at nagmamadali silang hinarang. "Kayong dalawa ay hindi maaaring pumasok. Sinabi ni Elder SHen na hindi na niya nais na maistorbo ninuman kaya pakiusap ay bumalik na kayo."

Dumuro si Tong Yan kay Xinghe at pautos na nagtanong, "Pero ang mga taong ito ay kakalabas lamang mula sa loob; bakit sila pinayagang istorbohin si Lolo kung ganoon?"

Napasimangot ang butler sa kabastusan nito at napabuntung-hininga. "Pagod na si Elder Shen sa pakikipagkita sa kanila, kaya hindi na niya nais pang makakita ng mga bisita. Bumalik na kayo pakiusap…"

"Paano niya nagagawang tanggihan na makita kami? Hindi naman namin kasalanan ito at narito kami para humingi ng tawad. Kahit na ano pa ang mangyari, si Lolo ang nagpalaki sa amin, hindi niya kami dapat ipagsawalang-bahala na tulad nito! Umalis ka sa daanan ko, kailangan naming makita siya ngayon. Hindi ako maniniwala na makakaya niyang hindi kami pansinin tulad nito!'

Related Books

Popular novel hashtag