Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 663 - Marami Pa Ding Sikreto

Chapter 663 - Marami Pa Ding Sikreto

Umaasa din si Elder Shen na sana nga ay magkapamilya sila. Siyempre, umaasa siya na sina Shen Ru at Tong Yan ay kadugo din niya, pero isa lamang itong pag-asa. Ang isa sa kanila ay maaaring tunay at ang isa ay peke…

Pero sa ngayon, ang sagot ay hindi pa malinaw.

Si Shen Ru at Tong Yan ay desperadong umaasa na kasapi pa din sila ng Shen family dahil naiintindihan nila ng maigi, na kung wala ang Shen family, ay wala sila. Kahit na si Tong Yan ay mula sa Tong family, ang kanyang posisyon ay hindi na makapangyarihan tulad ng dati. Isa pa, ang Lin family ay naging traydor ng bansa…

Ang isiping nadamay sila sa buhay na ganito ay nagpanginig ng husto kay Tong Yan.

Ngayon ay naunawaan na niya kung gaano siya kaswerte.

Hindi niya pinahahalagahan ang mga kayamanan na tinamasa niya noong ipinanganak siya. Kung may ginawa sana siyang kapaki-pakinabang, at hindi patuloy na gumagawa ng mga kaaway, hindi na niya kinakailangan pang umasa sa mga pamilyang nasa kanyang likuran. Kahit na wala sa kanya ang pangalan ng Shen, hindi sana siya nauwi sa wala.

Alas, masyado nang huli para magsisi. Ang ilang mga bagay, matapos na mawala, ay hindi na agad mababawi pa.

Gayunpaman, ang tanong ay nananatili: Natutunan na ba niya ang kaniyang leksiyon?

Matapos na umalis sina Xinghe at ang Xi family sa bahay ng presidente, pinasibad na nila ang kanilang kotse.

Sa mahabang Lincoln, masayang sinabi ni Elder Xi, "Sa wakas ay tapos na ang lahat para sa Lin family! Sa wakas, makakapagpahinga na ako ng maayos ngayong gabi!"

Tumatawang dumagdag pa si Munan, "Lolo, hindi lamang ngayong gabi, makakatulog ka na ng walang inaalala mula sa ngayon hanggang sa mga susunod pang araw."

Masayang tumawa si Elder Xi. Ang Xi family ay tuwang-tuwa matapos na maresolba ang mahirap na kalaban nila, ang Lin family. Hindi na sila makahintay na ipagdiwang ang tagumpay na ito.

Napatikhim si Jiangnian. "Ito ay dahil sa sariling mga aksiyon ng Lin family kung kaya nakamit nila ang katapusan. Pero, nakakagulat talaga na napakarami nilang ginawang kawalanghiyaan at walang-pusong bagay."

Ang ipagpalit ang mga sanggol sa Shen family, ang pagpatay kay Lin Yun, at kahit ang pag-eksperimento sa isang inosenteng babae.

Nararapat lamang sa kanila ang mas masahol na parusa kaysa sa makukuha nila dahil ang mga bagay na ginawa nila ay karumal-dumal!

Biglang nagtanong si Jiangnian, "Pero bakit sila mag-eeksperimento sa babaeng iyon? Ano ang layunin ng kanilang eksperimento?"

Natural lamang na ang tanong ay nakadirekta kina Xinghe at Mubai.

Iniiwas ni Mubai ang kanyang mga mata at sumagot, "Wala pa kaming malinaw na ideya sa ngayon, pero ang lahat ng iyon ay nakaraan na."

"Tama siya, ang mga bagay mula sa nakaraan ay wala nang kinalaman pa sa atin, kaya wala nang dahilan para mag-alala pa dito…" napabuntung-hininga ng malalim si Elder Xi.

Gayunpaman, hindi naman ito talaga ang inisip nina Xinghe at Mubai. Ang bagay na ito ay hindi pa nararating ang pagtatapos at lubog hanggang tuhod pa lamang sila dito. Ang katauhan ng babae at ang kaugnayan nito sa enerhiyang kristal ay isa pa ding misteryo. Marahil ang Lin family ay marami pang sikreto na wala silang alam tungkol dito.

Isa pa, kailangan pa din nilang mag-ingat at mapagmatyag para may malaman pa sila tungkol dito!

Gayunpaman, ang mas importanteng bagay ay ang linawin ang tunay na katauhan nina Lin Shuang at Xiaoxi. Ito ang pinakaimportanteng bagay na nasa isip ng Shen family at ng presidente.

Ang totoo, kahit na ano pa ang sinabi nila, si Xinghe at ang Xi family ay gusto ding mag-usisa tungkol sa resulta.

Related Books

Popular novel hashtag