Ang lahat sa kanila ay inakala na si Lin Shuang ay anak ni Elder Shen. Dahil si Shen Ru ay isang Lin, natural lamang na si Lin Shuang ay isang Shen.
Gayunpaman, sa kabiglaanan ng lahat, ang dugo nina Shen Ru at Lin Shuang ay walang kaugnayan sa Shen family!
Nalaman ng Xi family ang tungkol dito kinabukasan. Ang Shen family ay sinadya silang imbitahan para pag-usapan ang tungkol dito. Kahit si Xinghe ay nagulat sa rebelasyong ito. "Hindi siya ito?"
Tila tumanda ng husto si Elder Shen ng isang magdamag. "Hindi talaga, dalawang beses nang inulit ang DNA test; hindi talaga siya."
Nagulat si Elder Xi. "Kung wala sa kanila ang iyong anak, kung gayon ay nasaan ito?"
"Ang pulis ay tinatanong na si Lin Zhenghwa habang nag-uusap tayo. Gusto niyang payagan natin silang lumaya kapalit ng lokasyon ng babae!" Galit na sabi ni Elder Shen habang binabanggit ang pamilya ng mga traydor. "Nananaginip talaga siya! Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa payagan ang mga hiling niya matapos ang ginawa niya sa pamilya ko!"
"Gayunpaman, kapag hindi natin sila pinagbigyan, hindi nila ibibigay ang lokasyon ng kawawa nating anak," sabi ni Old Madam Shen ng may luha sa kanyang mga mata.
Mula kahapon, hindi na maganda ang pakiramdam nila ni Elder Shen. Ang kanilang kaba ay bahagyang naibsan nang inisip nila na si Lin Shuang ay kanilang anak, pero sa bandang huli, hindi pala!
Nag-aalala sa posibilidad na kapalaran ng kanilang nawawalang anak, ay nababahala na sila. Tila isa itong patalim na nakabitin sa ibabaw ng kanilang puso.
Nagalit si Elder Xi. "Bwisit na Lin Zhenghwa na ito, nasaan ba ang puso niya?! Ang katotohanan na ipinagpalit niya ang mga bata, ipinalit na naman niya ang bata sa panibagong ulila at trinato ang inampon na si Lin Shuang na tila isang aso. Nararapat lamang sa lahat ng Lin family na mamatay, wala sa kanila ang may puso!"
Wala talagang hangganan ang kalupitan ng Lin family. Dahil tumanggi silang palakihin ang anak ng kanilang kaaway, tulad ng ginawa ng Shen family kay Shen Ru, ay ipinalit nila ang sanggol na babae ng Shen family para sa iba. Paano nila nagawa ang isang bagay na ganito?
"Umaasa din ako na mamamatay na silang lahat!" Angil ni Elder Shen, "At trinato ko pa sila bilang kaibigan ng pamilya ko nang maraming taon, pero kinakain na pala nila ako ng buhay sa lahat ng ito! Talagang bulag ako para hindi makita ang tunay nilang mukha. Kung hindi dahil sa mga natuklasan mo, siguro ay hindi ko malalaman kung paano ako pumalya ng husto sa buong buhay ko! Mamamatay ako na hindi nalalaman na ang tunay ko palang anak ay nandoon sa kung saan na naghihirap at pinalalaki ko pala ang anak ng isang koyote bilang akin; pinaplano ko pa man din na iwan ang lahat ng mayroon ako sa kanya matapos kong mamatay…"
Galit na ng husto si Elder Shen, sapat na para umubo ito ng dugo. Mumultuhin niya ang Lin family kahit na matapos ang kanyang kamatayan.
Ang kanyang galit ay nakapuntirya na din kay Shen Ru at Tong Yan. Ibinuhos niya ang kanyang pagmamahal sa mga ito ng maraming dekada, pero sa tingin niya ay hindi na nararapat na tratuhin sila bilang kapamilya pa. Ibinigay na niya ang lahat sa mga ito, pero bilang ganti, ang sarili niyang anak ay ibinenta na tulad ng isang bagay ng Lin family…
Nakakaramdam ng sakit ang puso ni Elder Shen habang iniisip ang mga taon na sinayang niya sa mga taong nanggaling sa pamilyang ginawa ang lahat para masabotahe ang Shen family.
Inalo siya ni Elder Xi, "Elder Shen at Madam Shen, huwag kayong mawalan ng pag-asa. Kailangan ninyong alagaan ang inyong sarili para mahanap ninyo ang tunay na ikalawang anak na babae ng Shen family. Huwag kayong mag-alala, ang aming Xi family ay tutulong din sa paghahanap. Kung buhay pa siya, siguradong makikita natin siya."
Tumango si Elder Shen.